CLICK 5

37 2 9
                                    

DAY 4

Na submit ko na sa wakas ang entries kahapon kasabay ang kay Emman~♥ayee!

Ansaya ko!! ang close-close na namin sa isa't-isa! linibre niya pa ako kahapon! waaah!! feeling ko tuloy nag de-date kami! Hahaha.

Sa araw na ito wala naman akong event,sabi ng advisor namin ang walang event ma-iiwan daw sa quarter upang mag-linis. Pambihira oh! hindi ko makikita ang beloved Emman ko. T_T

Sa araw pala na ito ang event ni Dawna,ang editorial cartooning. Kaya na-iinggit ako sa kanya dahil makikita niya si Emman. Kahit tapos na ang event ni Emman alam kong sasama parin siya sa mga ka-klase niya. Kung minamalas nga naman! <(ˍ ˍ*)>

Umalis na ang advisor namin kasama ang may mga event sa araw na ito..

..kabilang na si Dawna.

And as for us na naiwan dito sa quarter,nagsimula na kaming mag-linis.

Nag-walis ang iba sa amin,ang iba naman ay nag mop,ang iba'y kumuha ng mga cobwebs,ang iba'y nag arrange ng mga gamit,at kung ano pa ang pwedeng malinisan.

Sa wakas ay natapos na rin kami! Half-day kaming nag-linis,at sa hapong ito nagsi-tulog ang lahat kabilang ako. Nagising ako ng 2:30,wala akong magawa kaya lumabas ako sa quarter bit-bit ang DSLR camera ko. Umupo ako sa may bench sa labas. Maganda ang panahon,cloudy at malamig ang hangin na ibinibubuga nito kaya naman tamang-tama na atmosphere upang pagmasdan ang picture ni Emman na nasa DSLR ko. Hahaha,oo.. I'll stare at his picture again,miss ko na kasi siya eh. Ang OA lang te?! Hihihi,naloloka na talaga ako.

Nakatitig ako ngayon sa larawan niya,may apat ako na picture na nakuha ko sa iba't-ibang araw. Kyaaah! Ang gwapo-gwapo talaga niya,mula sa buhok niya hanggang sa leeg. Hindi ko sinasabi na hindi gwapo ang buong siya ha,nagkataon lang talaga na puro close-up ang nakukuha kong shots sa kanya. Hahaha.

~*~

Di nagtagal dumating na din ang mga kaklase ko na kagagaling lang sa event,at syempre kasama ang advisor namin. Nabigla ako nang sinalubong ako ni Dawna na may matitingkad na mga ngiti,at niyakap ako ng napaka higpit.

"Noonna!! Noonna!!!"

"Oh,anong meron?"

"Ang saya-saya ko!!!!! Nakita ko si Emman! Ang gwapo-gwapo niya talaga!"

"Tapos?"

"Alam mo totoo talaga ang sinabi mo!! Kyaaah!!"

"Na ano?"

"Kanina nag-usap kami,sinabihan niyang ang ganda-ganda ko daw!!! Kyaaah!!! Kinilig tuloy ako 'nun!!! Sa tingin ko crush na crush na niya ako!!!"

Pagkatapos ko narinig ang sinabi niya biglang bumagsak ang puso ko sa sahig,nabiyak at nagdurugo na. Hindi nga ako nagkakamali,impossibleng magustuhan ako ni Emman.. Ano ba naman ang magugustuhan niya sa isang tulad ko? Hindi ako kagandahan,may eye-glass ako,at tahimik,hindi ako kapansin-pansin,ang hina ng aura ko pagdating sa mga lalake. Malabo,sana sa umpisa pa hindi na ako umasa na magugustuhan niya ako. Pinipigilan ko lang ang mga luha ko,pero hindi ako nakapag-pigil,tumakbo agad ako sa CR at doon tahimik na umiyak.

Sa tingin ko bagay naman sila ni Dawna. Sila na lang.

~*~

Sa araw na iyon,ang *click* sa camera ko ay napindot ko sa maling anggulo..

ang resulta nito?

Isang larawan na blurred,hindi mo maintindihan,walang ganda. I immediately deleted it to my DSLR camera.

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon