CLICK 6

37 2 6
                                    

DAY 5

Nandito na naman kami sa gym. Awarding Day na kasi ngaun. Huling araw na ng DSPC.

Wala ako sa mood ngayon,dahil sa mga sinabi ni Dawna. Kahit ganoon lang ka simple ang rason kung bakit ganito ako ngayon,nasasaktan parin ako. Hindi ko magawang ngumiti.

"GOOD MORNING TO EVERYONE! WE WILL START NOW OUR AWARDING, TO BEGIN WITH--(and so on)"

Nagsimula na din ang program. May ila-ilang mga speeches,at ibang numbers.

Sa pagkakataong ito,hindi na ako lumingon-lingon pa. Wala talaga ako sa mood. Abala na ang lahat sa pakikinig sa mga nanalo sa kani-kanilang mga event,wala pa naman din ang category ko kaya wala pa akong interes na makinig sa ibang nananalo. Speaking of that,1st place nga pala si Dawna. Alam ko,bagay na bagay sila.. halata na din na 1st place ang makukuha ni Emman,siya pa! lage na kaya yung champion.

"Okay,we will announce now the winners for the photo-journ category"

"WOHOOO!!"

Oras na para sa category ko. Hindi naman ako masyado excited,alam ko namang wala akong matatanggpap. Kaya makikinig nalang ako.

"3rd place.. Jhercel Rosales! congratulations,come here on stage Ms. Rosales."

"Wohooo! Jhercel! Jhercel! Jhercel!"

Wala talaga akong matatanggap kahit kailan,3rd place pa lang nga ang hirap nang abutin.

"And now for the 2nd place..

NOONNA FERRIOL."

Ano daw?! tama ba iyong narinig ko?! s-second p-place?!

Bakas sa mukha ko ang matinding kasiyahan,ngunit isang malaking katahimikan ang natamo ko mula sa mga kaklase ko,tanging advisor lang namin ang sumigaw at nag-cheer para sa akin. Ang ibang school naman ay nagsipalakpakan lang.

"Ms. Ferriol,come up on stage now."

Wala..

Wala paring kasiyahan kahit natanggap ko ang 2nd place. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko,at umakyat na sa stage. Sinu-utan na ako ng medalya,at tinanggap ko na ang certificate. Bumaba na agad ako stage.

Habang pababa ng hagdan napalingon ako sa gilid..

..sapagka't napansin ko na nakatitig si Emman sa akin.

Nag-tama ang mga mata namin..

Nakangiti siya sa akin, samantalang ako?

..bakas sa mukha ko ang kalungkutan.

Sana kahit pag-tingin lang sa taong gusto ko,matanggap ko.. tulad ng natanggap kong medalya.

Inalis ko na agad ang tingin ko kay Emman,tumungo na sa upuan ko,at umupo. Ang bigat-bigat ng puso ko: una,hindi ako magawang magustuhan ng taong gusto ko. Pangalawa,binu-bully pa ako sa school. Pangatlo,wala akong natanggap na papuri galing sa mga kaklase ko. Walang-wala..

"And now,for the 1st place of this category..

..EMMAN KANON!"

"Wohooo! Emman! Emman! Emman!"

"Congratulations! please come now on stage!"

Nag cheer lahat ng mga delegates ng DSPC,sikat na sikat talaga siya sa larangan ng photography. Syempre,masaya ako para sa kanya. Kahit hindi ako ang tipo niya,naging magandang kaibigan naman siya sa akin.

Nakita ko siyang umakyat sa stage,at tinanggap ang medalya,trophy, at certificate niya. Naghihiyawan parin ang lahat,at ang ibang kababaihan naman ay nagsi-tilian. Ang gwapo-gwapo niya kasi eh! Ang sarap isigaw sa lahat ng babae na 'hoy! ako ang unang nakakita sa lalakeng iyan!' pero hindi eh…

"Okay,before we will give the next winners of the next category.. we will show you the shots of the defending champion of our Photo Journalisim"

"KYAAAAAAAAAAHH!!"

Nagsigawan ang mga kababaihan,malamang excited na makita ang mga shots ni Emman. Excited din naman ako,pero tahimik lang ako.

Di nag-tagal nagsimula na ang slide show..

(NP: So Close by Jon Mclaughlin)

♬♪You're in my arms,and all the world is calm,The music's playing on,for only two..♪♬

Nabigla ako sa mga shots na pinakita sa slideshow,tumutulo ang mga luha ko habang tinitingnan ang mga shots niya..

♪♬So close was waiting,waiting here with you,and now forever I know all that I wanted is to hold you so close..♪♬

Dahil ang mga shots na dahilan ng pagka-panalo niya sa Photo-journ ay..

♪♬So close,to reaching that famous happy end..♪♬

...ako.

♪♬almost believing that this was not pretend..♪♬

Tatlong larawan ko na mga candid shots. Nakangiti ako sa mga stolen shots iyon.

♪♬and now you're beside me,and look how far we've come..♪♬

Tumutulo parin ang mga luha ko,pero nabigla ako nang pinahiran ni Emman ang mga luha ko,hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Nakangiti.

♪so close..♪

"E-emman?! a-anong ibig sabihin niyang mga litrato?!"

Umiiyak parin ako,at pinapahiran niya parin ang mga luha ko gamit ang mga palad niya.

♬we are..♪

"Naalala mo ba kung ano ang binigay na theme na kuhaan ng litrato nating mga journalists?",nakatingin ang mga mata niya sa akin habang tinatanong ako.

♪so far..♪

Naalala kong sinabihan kami na kumuha ng tatlong shots mula sa mahahalagang bagay sa mundo.

so close..♪♬

"Ibig sabihin ba ay??"

♩we are..♪

"Oo,mahalaga ka sa akin."

♬so close..♪

Hindi ako makapaniwala na ang taong matagal ko nang minamahal ay may pagtingingin na din sa akin. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko,patuloy parin sila sa pag patak sa mga pisngi ko..

"Noonna,kung okay lang sa iyo.,

..pwede ka bang ligawan?"

Dahil sa mga katagang salita niya ay napangiti ako.

"Matagal ko nang hinihintay ang tanong na iyan..

..Oo,pwedeng-pwede."

~*~

Because of that *click* of my camera that day..

..my heart gave its loudest and fastest beat.

╰●•ⓦⓐⓚⓐⓢ•●╮

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon