Problem No. 1: Assuming

674 16 2
                                    

Problem  No. 1: Assuming

Third Person's POV:

Lahat ng single assuming, yung feeling na parang kaunting pag-uusap nyo lang ng isang lalaki feeling mo meant to be na kayo...

 Cinth's POV

7 months ago

Date: February 14, 2114

Valentines day, ang pinaka THE WORST na araw para sa mga single. Nandito lang naman ako sa loob ng room namin, naghihintay ng professor. Ito ang isa sa mga araw na pinaka ayaw ko ang Valentines day.

Marami kasi akong nakikitang puro mga magkarelationship na naglalambingan, nagsi-share ng mga pick up line, at yung iba naglalandian pa.

Gusto ko ng dumating ang prof. para kahit saglit man lang tumigil na ang mga ganung kabaduy na eksenang naririnig at nakikita ko, para kasi sa kin masakit iyon sa mata.

Ilang saglit pa ay dumating na ang prof. kaya natigil ang mga kabaduyan na eksena dito sa room namin.

Ako si Hyacinth Rodriguez. 19 years old, bunso sa limang magkakapatid. Second year college na ako ngayon at tinetake ko ang BSBA MAJOR IN MARKETING MANAGEMENT. Hindi naman ako mayaman, kaya lang naman sya nakakapag aral sa Greenwood University kasi scholar ako, scholar ako sa university na ito since grade school. Ngayon nagtatrabaho ako sa isang fast food chain para makadagdag sa mga expenses ko sa school at para na rin makatulong kahit kaunti sa parents ko.

Naiinggit ako, inggit na inggit ako sa mga nakikita ko. Gusto ko na rin magkaroon ng Boyfriend pero wala namang nagtatangkang ligawan ako.

Natapos na ang klase namin at papunta na ako ngayon sa Store. Napadaan ako sa Quadrangle ng school, nakita ko na may nagkukumpulan na mga estudyante dun.

Hindi ko na pinansin yun dahil kailangan ko nang pumunta sa store dahil baka ma-late pa ako.

Pero dahil hindi ako bingi kaya may naririnig pa rin ako, nakamicrophone kasi ang nagsalita.

"Cassy, will you be my girlfriend???" Voice number 1

"Yes!! Yes na yes!!" Voice number 2

And then yung mga tao  nagpalakpakan..

Badtrip! Sweet ahh.. ngayon lang yan, magbi-break din kayo  soon...

Pagkarating ko sa store mas nainis ako. Akala ko kasi pag nakaalis na ako sa school, wala na akong makikitang mag-Lovers yun pala mas marami dito sa store. Anu ba yan!!

Dumiretso na agad ako sa Crew Room at nagbihis. Nag-In na ako. Natutuwa ako dahil maraming pending ngayon. Gusto ko kasi talagang magpakabusy. Good thing para sa kin kasi nandito lang ako sa Kitchen at hindi ko masyadong nakikita ang mga customer.

Masigla akong magtrabaho sa mga oras na toh, ayaw ko kasing isipin yung problema ko.

Ang problema ko lang naman ay BAKIT WALA PA AKONG BOYFRIEND HANGGANG NGAYON.

Makalipas ang isang oras..

"Cinth, magbreak ka na daw sabi ni Mam Agnes" - tumingin ako sa nagsalita si Ate Irish lang pala, ka crew mate ko.

"Sige Ate Irish, endorse ko na sayo yan ahh. Wag kang magpapapending" - sarkastikong sabi ko at tinapik tapik ko ang balikat nya..

"Oo na, mag break out ka na dun"

Naghugas muna ako ng kamay bago mag break out. After nun nagpalit na ako ng pang-itaas na damit.

Nag-order na ako ng Crew Meal at nag-extra order pa ko ng Choco Sundae. Para sa kasi sa kin ang Sundae ang nagbibigay ng energy para mapaghusayan ko lalo ang pagtatrabaho.

The Problem of Being SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon