Problem No. 10: Nabroken hearted kay Crush
Third Person's POV:
Paano pag nakita mo ang crush mo na may girlfriend na iba at kaibigan mo pa? Ang sakit diba?? Lalo na kung aminin ng crush mo sa harapan mo na ginawa ka lang nyang Alalay. Masakit kung sa crush mo nanggaling na nagpapanggap lang pala sya na crush ka, para lang tulungan mo sya sa assignment nya..
Ang sakit, sakit sobra diba??
Crush na nga lang ang meron ka tapos sasaktan ka pa?!
Crush na lang ang meron ka, ginago ka pa?!
Crush na lang ang tanging meron ka, nabroken hearted ka pa.
Crush na lang..
Crush na lang..
Tapos ganun pa?? Nasaan ang hustisya??
Hyacinth's POV:
Paggising ko, agad kong tinignan ang dress ko kung nandun pa ba, at ayun nga nandun pa.. hehe.. akala ko ninakaw na eh.
Tumayo na ako at niligpit ang hinigaan ko.
Naligo na agad ako, ni-plantsa ko na ang buhok ko gamit ang plantsa sa damit. Well, kung wala kang pambili ng plantsa sa buhok ay mas mainam na ito ang gamitin, pwede mo ng iplantsa ang damit mo, pwede pa sa buhok mo. Diba??
Ni-manicure ko na rin ang sarili ko para maging maganda ang mga kuko ko pag nakita ni Francis.
Hindi naman ako masyadong excited noh?? Hehe.. Magtatanghalian pa lang pero kung makapag-ayos ako parang malapit na yung oras ng date namin ni francis kahit mamayang 5pm pa naman yun. Hehehe
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng cutics sa pinakagitnang daliri ko sa kaliwang kamay nung biglang tumunog ang cellphone ko.
Np: Your My Destiny
Tinapos ko muna ang chorus bago ko sagutin ang phone.
"Hello, this is the Goddess Girl Hyacinth. What can i do for you?"
["Si Ate Krista mo toh, pinapapunta ka sa store, kailangan daw.. wala ka namang gagawin diba?"]
"Hala ate, hindi po ako pwede ngayon.."
["Wala si Ellen ngayon nag-Awol, wala na namang ibang marunong magpantry dito kundi ikaw, yung iba kasi na-endo na.."]
"Eh bakit di na lang ikaw ate?"
"Nasa Soda ako ngayon, naku sige na, hanggang 4 lang naman. Tapos pagdating ni Arlene, eh di pwede ka ng umuwi.."]
"Di nga po pwede may pupuntahan ako."
["Anong oras ba ang pupuntahan mo?"]
"5Pm. Ate krista, wag mo na akong papuntahin please!"
["EH 5 Pa naman pala eh, sige na Cinth, kelangan before 1 nandito ka na daw sabi ni Mam Agnes."]
"Pero at----"
*toot toot toot*
Tinignan ko ang phone at sa sobrang inis ay tinangka ko ito ihagis pero natigilan ako.
Samsung S5 pala ito, at bigay ni Dash.. tsk. Nilapag ko ito sa lamesa at naghanap ng ibang pwedeng ihagis.
Dahil gusto ko na may maihagis kaya inihagis ko ang manicure kit at ayun tumama sya sa Hallow blocks naming pader sa may bandang dirty kitchen at nagkandabasag basag ang laman nito. .. huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko.
Biglang bumukas naman ang pintuan namin at pumasok si Mama "My love from the star na ba??" Sabi nya at uupo na sana sya sa sofa nung may napansin sya. Nilapitan nya ito at tumingin sa akin ng masama. Kinuha nya ang mga kutsara at inihagis sa kin "@#$%&*-+ KANG BATA KA!!" Dumampot sya ng maraming kutsara at natamaan ako sa braso yung iba naman nailagan ko, yung iba hindi naman na umabot sa akin.. "BAKIT MO HINAGIS ANG MANICUTE KIT??!!" Hagis ulit ng kutsara, natamaan naman ako sa balikat at sa ilong. "DI MO BA ALAM NA HINIRAM KO LANG ITO SA ASAWA NI MANONG JOSEPH??" Dumampot sya ng kutsara at nakita nya na wala nang kutsara sa lalagyan. Napangiti ako. Naghanap sya ng pwedeng ihagis sa akin at nakita nya ang kawali. Nagpanic ako nung kinuha nya ang kawali na may manti-mantika pa at binato sa akin..

BINABASA MO ANG
The Problem of Being Single
Любовные романыBook 1 of THE PROBLEM TRILOGY: Story of Hyacinth whose find a solution to be in a relationship, but she's unlucky and always failed. Is she accomplished her self mission to find a perfect partner or she as always, getting failed again? Is god giving...