Problem no. 4: Investigator
Third Person's POV:
Kung ang mga taken na ay masyadong mapaghinala, ang mga single naman ay isang GREAT INVESTIGATOR. Natural attitude na nila yun, lalo na kapag may bagay silang gustong malaman na gumugulo sa isipan nila.
Sinusundan nila ang mga tao kahit san man ito magpunta, hinding hindi ka nila titigilan hanggang sa malaman nila ang sagot. In short nasasapian sila ni Mike Enriquez kapag may gusto silang malaman.. at kulang na lang sabihin nila sa yo na HINDI KO KAYO TATANTANAN... hahaha
Hyacinth's POV:
Sino ba ang destiny ko si Francis, si Dash o yung limang lalaki? Ugghh!! Ginugulo ko na lang ang buhok ko dahil naguguluhan ako deep inside..
Paano ko ba malalaman kung sino sa kanila??? Bakit naman kasi ganun eh..
Hay!! Nagbuntong hininga na lang ako dito sa jeep..
AHA!!
Kaya siguro pito yung nakita kong naka-red na jacket kasi gusto ni God na pumili ako sa pito na yun.. whhaaahh!!! Tama-tama..
Napangiti tuloy ako hanggang sa Napabungisngis na kaya tinakpan ko na ang bibig ko.
"Ma, i'm scared of that girl. She smile alone without any reason. Is she lose her sanity?" Sabi ng bata na nasa tapat ko, nakaturo ang daliri nya sakin habang sinasabi yun at nakatingala sa nanay nya na nasa tabi nya.. Napahinto tuloy ako sa pagbungisngis..
"I think so baby, so don't try to look at her." Bulong ng nanay sa tenga ng bata. Nakipagbulungan pa sya kung rinig naman hanggang sa kinauupuan ng jeepney driver ang binulong nya.
Buti na lang at nandito na ako sa tapat ng school kaya pumara na ako at bago ako bumaba tinignan ko muna yung mag-ina na feeling mayaman kung mag-english, samantalang nakasakay lang naman sa jeep..
"Maybe I look like an insane person but at least I'm true to myself, I'm not feeling rich as you, but then i choose to look like a crazy but true than feeling rich but not rich at all.. hahahaha" Nagfeeling call center agent ako habang sinasabi ko yun. Ginandahan ko pa ang pagsasalita with accent pa ah para mas bonggang bongga..
Pagkatapos kong sabihin yun bumaba na ako..
Okay na sana ang exit ko eh, kaso lang nung bababa na ako ng jeep biglang umandar naman toh kaya...
Brrrrooooommm.... - tunog po yan ng jeep..
Blag blag!! BOOGSH!!
Sa sobrang pagkabigla kaya napaupo ako at Napatalbog-talbog ang puwetan ko sa jeep hanggang sa.....
Tadah!!!
nadapa pa ako.. huhuhu,
Napahimas na lang ako sa parteng masakit.. Ang sama ng jeepney driver.. naku kung nakita ko lang ang plate number nun malamang magtetext agad ako sa... hnm.. san nga ba?? Sa sagip kapamilya na lang siguro. Diba tumutulong sila sa nangangailangan, eh kailangan ko ng tulong, nasaan sila?? Bakit di pa nila ako sinasagip?? Buhay nga naman ohh..
"Miss, are you okay?" May kamay akong nakita sa harap ko kaya napatingala ako..
Siomai, siopao, asado, bola-bola!! Ang gwapo!!
Isang napakagwapong nilalang at isa pa sa pinaghihinalaan kong destiny..
Papa God ito na po ba yun?? Si francis na ba?? Sya na ba ang ipinahihiwatig nyong destiny ko??

BINABASA MO ANG
The Problem of Being Single
RomansaBook 1 of THE PROBLEM TRILOGY: Story of Hyacinth whose find a solution to be in a relationship, but she's unlucky and always failed. Is she accomplished her self mission to find a perfect partner or she as always, getting failed again? Is god giving...