Problem No. 5: They used you

376 9 2
                                    

 [[Author's Note: Dedicate po kay Chantz_15.. Thank you po sa maraming votes.. ]]

Problem No. 5: They used you

Third Person's POV:

Karamihan sa mga single ay ginagawang chaperone ng mga crush nila. Sinasamantala yun ng mga crush nila para mapakinabangan naman nila ang mga single. Let's read these chapter.. For sure na maraming makakarelate dito.

Hyacinth POV:

Kasama ko ngayon si Dash sa Library, sa dinami-dami ng pwedeng lugar na pwedeng puntahan namin ni Dash bakit dito pa sa library?

May hawak kaming libro at nakabukas toh at tinatakluban ang mukha namin. Dito daw nya ako dinala para daw hindi kami magpahalataan na nag-uusap.

"Gusto mong maging boyfriend si Francis?" Tanong nya sa kin habang ang mukha nya ay nakatingin sa libro at kunyari nagbabasa.

"Hindi ah, crush ko lang yun." Sabi ko naman na nakatingin din sa libro.

"Pareho lang yun. Pwede bang obserbahan mo ang mga galaw nya para sa kin?"

Ano pinagsasasabi nya? Tsaka sa dinami dami ng tao bakit ako pa?

"Ikaw nakaisip diba? Eh di ikaw gumawa."

"Akala ko ba na nagkakaintindihan na tayo kanina?"

"Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo eh."

"Alam mo, dapat mo lang obserbahan si Francis para mas makilala mo sya ng lubusan. Tapos yung mga nakikita mong ginagawa nya, dapat sabihin mo sa kin."

"Eh ano bang mapapala mo pag sinabi ko sayo ang mga naobserbahan ko sa mga kilos nya"

"Kasi parang may balak syang gawin eh, dahil di ko alam kung bakit may girlfriend sya habang nililigawan nya si Neptuna"

"Eh ano naman sayo kung ligawan nya si Neptune?"

"Ayokong masaktan si Neptune sa maling lalaki. Ganun ko sya kamahal."

Kamahal?

"Mahal mo pala si Neptune eh balit di mo ligawan?"

"Di ganun kadali yun, lalo na kapag isang Neptune Gail Martizano ang liligawan mo."

"Bakit ano ba si Neptune prinsesa at sinasabi mo na di sya ganun kadaling ligawan?"

"Sige ipapaintindi ko sayo ang lahat. Hindi ako ang gusto ni Neptuna, ang gusto nya ay si Neon, ang best buds ko sa GS."

"Oh tapos?"

"May gusto rin si Neon sa kanya kaya lang ang alam ni Neon na may nanliligaw na kay Neptune kaya di na lang nya itinuloy ang panliligaw nya."

"Tapos?"

"Kung manliligaw agad ako kay Neptune, pwedeng magalit si Neon sa kin, at yun ang di ko matatanggap. Pwede pang magalit sa kin ang mga ka-GS ko dahil ang alam nila na ang dalawang yun na lang ang di nagkakaalaman ng feeling nila."

"Wow naman, ang hirap naman ma-resolve ng love life mo. Sige tutulungan kita for the sake of my Francis."

"Eh ikaw, bakit mo nagustuhan si francis?"

"Kasi sya ang destiny ko.."

"Destiny? Paano mo nasabi?"

Kinuwento ko din kay Dash ang love story namin ni Francis sa direksyon ni Direck Destiny. Hahaha. At nung sinabi ko ang mga nangyari nung umulan ay para syang namutla at pinagpawisan ng malagkit.

The Problem of Being SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon