Problem No. 8: Lagi na lang Umaasa

237 7 0
                                    

Problem No. 8: Lagi na lang Umaasa

Third Person's POV:

UMAASA - isang salita para sa mga single na walang kasiguraduhan. Pag nagkatotoo ang inaasahan nila, tumataas ang kanilang immune system dahil sa sobrang kaligayahan pero pag hindi ay go pa din sila hanggang sa magkatotoo ang inaasahan nila.

Masyado agresibo ang mga single sa mga gusto nilang manyari, at mahirap silang pasukuin lalo na't may nagbibigay sa kanila ng chance para umasa pa lalo.

Kulang na lang magsuot sila ng tshirt na may nakalagay na NEVER SAY GIVE UP! para lang ipakita sa mga tao na di sila basta-basta.. Ganun kalakas ang fighting spirit nila..

Hyacinth's POV:

Nandito na ako sa fifth floor at parang pagong na naglalakad patungo sa room ko. Puyat na naman ako, puyat dahil sa kakaisip ng paraan kung paano matutuloy ang Date namin ni Francis sa Linggo. Ano ba yan napakamot na lang ako sa ulo ko ng bonggang bongga, yung halos matatanggal na ang mga anit ko sa sobrang lakas ng pagkamot ko. Ganyan kagulo ang iniisip ko.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga tao na nakatingin na naman sa akin.

"Grabe sya kumamot noh? May kuto siguro." Sabi ng babae na may yakap-yakap na libro. Kawawa naman sya libro lang ang kayakap nya, wala siguro syang love life kagaya ko.. ayyy!! I pity her..

"Diba sya rin yung namahid ng booger kay Dash?" Bulong naman ng babae na may makapal na salamin sa mata. Kung ano ang ikinalabo ng mata nya, sya naman tong ikinalinaw ng memory nya.. galing ah..

"Hindi naman siguro, nakita ko kasi sya na tumatakbo din sa corridor"

"Hoy!" Singit ko bago pa makapagsalita ang babaeng malabo ang mata pero matalas ang isipan. "Gusto nyo rin ba ng kuto hah? Sige kukuha ako sandali lang ahh.."  sabi ko at nag-akto pa na hinihila ang iilang hibla ng buhok gamit ang hinlalaki at hintuturo ko. Pagkatapos kong hilain ang buhok ko ay niloko ko sila na may nakuha akong kuto at ipapakita sa kanila "eto ohh."

"Ugggrrhh!!" Sabi nila at dali-daling tumakbo.

"Hahahahahaha mga Tangangers!" Sigaw ko habang sinusundan sila ng tingin.

Pinagpatuloy ko na ang lakad at napansin ko si Francis na nakatayo na naman sa labas ng pintuan ng room ni K-Ann malanditera. May hawak syang bond paper at binabasa nya yun habang pasulyap sulyap sa mga nadaan.

Nakita naman nya ako agad at nginitian. "Good Morning Hya" bati nya sa akin. Naku naman kung sya ang babati sa akin tuwing umaga siguradong GOOD lagi ang MORNING ko hehe..

"Ahm, Good Morning din. Ano pala ginagawa mo dito?" Sabi ko with pa-cute look. Naku hagard pala ang itsura ko dahil sa puyat.. paano yan? Baka maturn off sya sa akin.. Naku wag naman sana..

"Hinihintay ko lang si K-Ann, wala pa kasi ehh." Nakangiting sabi nya.. ang gwapo talaga ni Francis my love so sweet, nakakainlove.. hihihi

"Ahh ganun ba.." nilagay ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko na nakaharang sa maganda kong mukha. "Sya nga pala Francis, Ano kasi.." shems!! Ang hirap naman aminin sa kanya na hindi matutuloy ang date namin sa linggo..

"Ano yun?"

"H-hindi kasi ako pwede sa Linggo eh, may Big Order kasi kami at kailangan ako dun.. pwede bang iurong na lang natin sa next sunday" nakatungo na lang ako sa kanya, hindi ko kayang makita na dissapointed sya sa kin.. huhuhu

The Problem of Being SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon