Problem No. 6: Akala
Third Person's POV:
Kahit sino naman ay binibigyan ng meaning lalo na kapag sweet sayo ang isang tao. Minsan kahit wala pang malinaw na kasiguraduhan sa inyong dalawa ay inaakala mo na agad na gusto ka nya.
Bakit nga ba nagpapakasweet sa 'yo ang isang tao?
Dahil gusto ka nya??
Dahil mahal ka nya?
O
Dahil... kailangan ka lang nya?
Lets read these scene..
Hyacinth's POV:
"HYACINTH, MAY KULANGOT KA KASI SA MAGKABILANG BUTAS NG ILONG MO!!"
MAY KULANGOT KA KASI SA MAGKABILANG BUTAS NG ILONG MO!!
MAY KULANGOT KA KASI SA MAGKABILANG BUTAS NG ILONG MO!!
MAY KULANGOT KA KASI SA MAGKABILANG BUTAS NG ILONG MO! MO! MO MO MO......
Paulit-ulit at parang nag-eecho pa ang huling sentence na sinabi nya sa kin.
Lahat ng estudyante dito sa hallway ay nakatingin lang sa akin pati ang mga nasa loob ng room ay napatingin din sa min dahil sa sinabi ni Dash.
Di nagtagal ay unti-unti na akong nakadinig ng ingay at tawanan..
"Hahahahahahahahahahahahaha" yan na lang ang tanging naririnig ko, ang tawanan ng sabay sabay ng mga tao. Yung feeling na parang nagpractice pa sila sa pagtawa para lang magkasabay sabay sa rhythm at melody.
"Yuck! She's in college na pero wala man lang personal hygiene sa katawan." Girl Student no. 1
"Tama ka Girl. So gross." Girl Student no. 2
"Hahahaha Hanep talaga tong si Hyacinth may bago na namang pakulo." Guy Student no. 1 na nakahawak pa sa tyan nya at kita na ang nangingitim Na gilagid dahil sa kakatawa.
"Oo nga eh, alam mo naman na yan ang clown natin nung nasa high school pa lang tayo hahahaha." Guy Student no. 2 na kita na ang namumuting dila dahil sa pagtawa din. At nag-apiran silang dalawa.
Clown? Talaga lang ha!
Sa sobrang kahihiyan ko kaya parang gusto ko ng gamitin ang instant transmission technique ni San Goku. Kaso lang wala naman ako nun. Kaya imbes na yumuko at magwalk-out sa kahihiyan, i chin up with head up high and i walked toward Dash.
Dinukot ko ang kulangot ko gamit ang hintuturo at hinlalato kong daliri sa ilong ko. Take note sabay ko silang ipinasok sa butas ng ilong ko. Napangiwi na lang si Dash dahil sa nakita nya na ginagawa ko sa harapan nya.
"Tissue?" Offer nya. Pero hindi ko lang pinansin yun at pinagpatuloy ko lang ang pagkayod ng kulangot ko sa loob ng ilong ko. Nakuha ko na ang kulangot sa kanang butas, pero nahihirapan akong dukutin ang kulangot sa kaliwang butas dahil umurong toh, kaya medyo ipinasok ko pa ang hintuturo ko dun.
"Ayaw mo, kutsara kaya?" Offer nya ulit, tinignan ko na lang sya ng masama dahil hindi ko alam kung concern ba sya sa kulangot ko o baka nangangasar lang sya..
Nung makuha ko na ang kulangot ko ay ipinahid ko ang hintuturo at hinlalato ko na may kulangot sa nguso nya.
Parang nabato sya sa ginawa ko kaya halos istatwa na sya dahil halos di na sya gumagalaw. Bigyan ko kaya ng piso baka sakaling gumalaw.. hahaha. Joke lang..

BINABASA MO ANG
The Problem of Being Single
RomanceBook 1 of THE PROBLEM TRILOGY: Story of Hyacinth whose find a solution to be in a relationship, but she's unlucky and always failed. Is she accomplished her self mission to find a perfect partner or she as always, getting failed again? Is god giving...