Problem No. 3: Believe of the Signs
(Author's Note: Dedicate po kay NerdFashion.. thanks po sa votes... keep on reading lang po ahh.. :) )
Third Person's POV
Aminin nyo mga single, lahat kayo nagde-day dream na sana ang Love life nyo ay parang isang Fairy Tale na may happy Ending. Hinihiling nyo pa nga kay God na sana matagpuan nyo na yun. Tapos hihingi pa kayo ng sign, like for example, pag may nagbato sa kin sa ulo ibig sabihin sya na ang destiny ko. May nalalaman pa kayo na paganyan ganyan, minsan pa nga naniniwala kayo sa flames eh.. hahaha.. kabataan style nga naman.. :)
Kaya sa chapter na ito, ipapalarawan ko sa inyo ang ilang ginagawa ng mga kabataan pag inspired. Boto bago basa.. :)
Hyacinth's POV:
Kasalukuyan akong nanunuod ngayon ng Meteor Garden, hindi sa TV at hindi rin sa VHS, hindi sa CD at mas lalong hindi sa DVD sa YOUTUBE. Oo sa YOUTUBE LANG naman, sa youtube!!
Alas dose na ng madaling araw pero nandito pa rin ako sa Computer Shop. Wala ng ibang customer dito kundi ako na lang. Bumagsak na nga ang ulo ng nagbabantay sa shop na toh ng dahil sa kakaantay sa king matapos..
Nadadala kasi ako sa mga eksena dito eh, akalain mong si Dao Ming Xi pumunta ng New York tapos pagdating dun sumakay ulit ng eroplano para bumalik sa Taiwan.. ang sweet diba? Ginawa nya yun para kay Shan Cai, ang haba ng hair!! Hahahaha..
Actually matagal ko naman na napanuod itong palabas na toh, bata pa lang ako nung halos sinusubaybayan ko toh tapos ngayon.. OMG!! Parang Time Machine ang Meteor Garden dahil nung inumpisahan ko tong panuorin kanina ay naaalala ko ang pagkabata ko kaya ngayon hindi ko alintala kung anong oras na basta matapos ko lang toh.. hahaha.
Sana ang love life ko kagaya kay Shan Cai, yung may lalaki na sobrang popular na magmamahal sa kanya, as in die hard sa kanya.. pero ayoko naman sa bad boy. Pero kung mayaman, yakang yaka na ang bad boy.. ahihihi..
Biglang may nagpop-out sa PC screen na nagwawarning na 5 minutes na lang ako..
"Kuya extend pa nga one hour.." sabi ko dun sa nagbabantay ng shop.. mukhang di nya ako naririnig kasi plakda pa rin ang ulo nya sa computer table..
"Kuya extend pa po.." ulit ko pa pero mukhang di pa rin nya ako naririnig..
"KUYA EXTEND PA PO ONE HOUR!!" Sinigaw ko na ng bonggang bongga at ayun bigla syang napaangat ng ulo dahil sa pagkagulat.. hahaha
Tumingin sya sa kaliwa at kanan tapos sa akin.. tumayo sya at lumapit sa kin. "Miss, mag-aala-una na, yung shop ko hanggang 10 lang, anong tingin mo dito 24 hours?" Napahikab sya at tinatanggal pa ang muta pagkatapos nyang sabihin yan..
"Kuya, sige na last extend na po please.." pinagpag ko ang sleeve ko kasi dun bumagsak ang muta nya.. kadiri naman si Kuya..
"Miss. Kanina mo pa sinasabi na last na yan.. hala magbayad ka na.." tumatalsik pa ang laway nya habang sinasabi yun, napayuko na lang ako kasi baka matalsikan pa ako ng laway sa mukha, over kaderder na yun aba!!
"Kuya, sige na, dadagdagan ko na lang po ng piso ang bayad ko.." pakiusap ko habang nakatungo..
"Hindi pwede miss, hindi mapapalitan ng piso ang eye bag ko dahil sayo.."
Nag-off na yung screen as a sign na time out na ako..
"Tss. Damot.." tumayo na ako sa kinauupuan ko, at bumunot sa bulsa ng short ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/16587369-288-k507102.jpg)
BINABASA MO ANG
The Problem of Being Single
RomanceBook 1 of THE PROBLEM TRILOGY: Story of Hyacinth whose find a solution to be in a relationship, but she's unlucky and always failed. Is she accomplished her self mission to find a perfect partner or she as always, getting failed again? Is god giving...