Helena's PoV:Isang linggo na ang nakalipas mula noong nangyari doon sa park at laging ginugulo ng isip ko ang pangyayaring yon. Ang pangyayari ba talaga o si Liam? ahh basta!
Napapikit nalang ako at napabuntong hininga nalang ako sa pinag-iisip ko.
Kahit na klase namin ay walang pumapasok sa isipan ko. Ang daming tanong ang nasa utak ko ngayon.
Bakit ganon yung ugali niya?
Bakit ngiti lang siya nang ngiti sa lahat ng situwasyon?
Bakit ang haba ng patience niya?
Bakit ba niya ako nilalapitan?
BAKIT NGA BA AKO NAG-IISIP NG GANITO!!!!
Napayugyog nalang ako ng ulo sa mga pinag-iisip ko. Bakit ba ako nag kakaganito?
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Liam na seryosong nangongopya ng kung ano man ang nasa board.
Tumingin siya saakin at ngumiti. Dali dali akong umiwas ng tingin. Ano ba talaga ang nangyayari saakin. Napakagat nalang ako ng labi.
Maya-maya ay narinig ko ang bell. Dali dali akong tumayo umalis pagkatapos ni Sir na magpaalam.
Deretso lang ang lakad ko. "Lena!" Napapikit ako sa narinig ko. Pinabayaan ko nalang siya at dumeretso ng lakad gaya ng dati kong ginagawa. "Lena!" Deretso parin ako ng lakad.
"Lena!" Humarap ako sakanya at binigyan sya ng masamang tingin. "DO. NOT. CALL. ME. LENA." Sabi ko kami lang nakakarinig.
Tumalikod ulit ako sakanya at dumeretso ng pakad papuntang garden.
Umupo ako sa bench at inilabas ang ihinanda ni Leo na sandwich. Di nagtagal may nagsalita. "Why not? I mean maganda naman ang Lena ah." Tumingin ako sakanya nang walang gana. "Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya nang nakakunot ng noo.
He blinked several times. Mukhang nagtaka siya. Seriously?
"I merely want to be friends. Wala naman akong problema." Sabi nito. "Ayaw kong makipagkaibigan." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. "I know." Napatingin ako sakanya ng nagtataka sa narinig ko."Well alam mo pala eh, bat ka pa andito?" Tanong ko. Lumapad ang ngiti niya.
"Ayaw mong makipagkaibigan and that just interested me. Iba ka sa mga iba jan." Sabi nito nang nakangiti.
It was my turn to blink for several times. "Hindi ko talaga alam kung ano ang pinaplano mo o ano? But," I shook my head. "It won't work." Sabi ko.
"I hope it will." Sabi nito na nakangiti at bumuntong hininga.
I shook my head. "It won't." I said blankly and left.†★†★†★★†★†★†★★
Nakauwi ako ng hapon and I was really happy kasi wala nang maingay.
"Hi ate! Ang aga mo ata?" tumingin ako kay Leo at hindi sumagot. Dumeretso siya sa kusina at sinudan ko siya.
Nakatalikod si Leo nagluluto.
"Leo." sabi ko at tumabi sakanya.
"Mmm?" sagot niya."Bat ang weird niyong mga lalaki?" tanong ko. Napatingin siya saakin kita mong gulat. "Excuse me?" tanong niya.
"Hindi, I mean there are times na ipinipilit niyo yung gusto niyo kahit alam niyong hindi pwede o ayaw." Sabi ko. Leo chuckled on what I said. Kumunot lang noo ko dun. "Pinipilit namin yun kasi para samin is importante yun I guess hindi ko alam yung situation eh."
"Pero yeah ipagpipilit kasi importante siya o ito. I mean hindi lang naman mga lalaki pati din naman babae ganun. Basta kasi mahalaga kahit hindi pwede gagawa at gagawa ng paraan para maging pwede." Sabi ni Leo sabay ngiti saakin.
Tumango nalang ako. Is that how it works? "Yan kasi masyado kang cold! matuto ka kasing mag effort o at least ngumiti!" Pinalo ko si Leo at grabe yung tawa niya. Umalis na ako sa kusina at pumunta sa kwarto.
" Basta kasi mahalaga kahit hindi pwede gagawa at gagawa ng paraan para maging pwede." Totoo ba? mahalaga?......ako?

YOU ARE READING
Every Moment
Teen FictionHelena Vallenzula is an introvert teenager. She'd rather be alone despite her popularity. No one did dare come near her because of fear. She said that that was better that beinh the main topic. Until one day, a transferee came. Liam Montero, he was...