Its already 3:30 in the afternoon. Balak ko ng umuwi ngayon dahil may usapan kami ni Lathan na dinnerdate. Kaya kailangan kong maghanda ng maaga aga. Patapos na sana ako ng may tumawag sa cellphone ko. Buong akala ko si Lathan iyon yun pala ay ang kaibigan ko. I mean ang kaibigan kong pinagtaksilan ako.
" Hello? " Puno ng panlalamig ang tono ko. Hindi ko makontrol ang panlalamig sa sarili ko kapag siya talaga ang kausap ko.
" Z-zera pwede b-ba tayong mag- usap? " Nangingiyak - ngiyak niyang tanong.
" For what? Para mapatawad ka? " Ani ko.
" No. Alam kong hindi mo na ko mapapatawad pero may bagay ka pang dapat malaman. " Aniya sabay iyak sa kabilang linya.
" Ano pang dapat kong malaman ? Wala na! Ano sisirain mo na naman kami? Tapos na Naicy! Tapos na! Tama na nakakapagod ng maliwala sa mga kasinungalingan mo! " Mahinahon ngunit may diin na pagkakasabi ko.
" Kailangan talaga nating mag - usap Zera. Paakyat na ko sa floor mo. Sana maantay mo ko." Aniya sabay end ng call.
Saktong pag aayos kong muli ng gamit ko ay iniluwa ng pinto ko ang babaeng kinamumuhian ko. Ilang buwan na rin ang nakaraan ng muli kaming nagkita. Im sure maraming nagbago sa kanya. Pero kahit ilang dekada pa ang dumaan hindi matatanggal ang kati niya.
At tama ako. Ang laki ng pinagbago niya. I admit it na gumanda pa siyang lalo. Mas lalo akong naintriga sa laki ng tiyan niya. At tumaba din siya. Is she pregnant? I think 7 months na ang tiyan niya.
" I came here to say something important. Im pregnant Zera. And the father of this child is Lathan." Walang pasumbaling sabi niya.
" Dont you dare to say that Lathan is the fucking father of your child. Mahiya ka naman kahit konti! Engage na kami tapos may gana ka pang sirain yun? How could you! Hinding hindi na ko maniniwala sa mga sinasabi mo Naicy. Nakakasuka na yang mga kasinungalingan mo. Sukang suka na ko! Ang lakas din ng loob mo pumarito at sabihin yang mga walang kwentang kasinungalingan mo!" Ani ko na nagpipigil ng galit.
Ayokong makasakit ng tao. Lalong lalo na ngayon na buntis siya.
" Zera! Calm down. Let me explain. Please? " Aniya at sinusubukan akong pakalmahin.
" I know hindi ka maniniwala. Pero iyon ang totoo. Naalala mo pa ba? Nung umalis ka at iniwan mo siya. At pinagpalit sa kapatid ni---" hindi ko siya pinayagang tapusin ang sasabihin niya.
" Kahit kailan Naicy hindi ko siya iniwan! Siya ang unang nagloko kaya ko nagawa yun. Kaya wag na wag mo kong sumbatan sa lahat ng nangyari sa amin ni Lathan. Well hindi ko alam kung sino ang totoo sa inyong dalawa. But i know Lathan is telling the truth and your the fucking liar." Pigil na pigil talaga abg galit sa boses ko.
Natahimik siyang saglit na para bang natatauhan. Damn! Dinamay niya pa sa kaharutan niya si Lathan. Grabe na ang kati ng isang ito! Parang ang sarap sabuyan ng likido.
" Alright! I know in your eyes. Im always the liar one. Mahal mo si Lathan kaya napatawad mo siya ng ganun kadali. At ako na kaibigan mo hindi mo mapatawad. Halos lumuha na ko ng dugo sa harap mo Zera! Pero ano? Hanggang ngayon ako ang nagmumukang sinungaling. " aniya .
" At ikaw na kaibigan ko hindi ko mapatawad? Fuck! Nung araw ba yun inisip mo rin na kaibigan mo ko? Diba hindi? Nagpadala ka sa kalandian mo! Ang kapal rin ng muka mong sugurin ako rito para sabihin yang mga yan. Pano kita mapapatawad kung lalo mong ginagawang sinungaling ang sarili mo. Ano ba talagang balak mo? Ang sirain kami! Oo napatawad ko siya ng ganun kadali. Pero putangina Naicy! Hindi ganun kadali magtiwalang muli." Ani ko.

BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way
RomanceMay iba't iba tayong kahulugan, determinasyon, diskarte sa pagmamahal. Sabi nila hindi masamang sumugal sa pag ibig hanggat mahal niyo pa ang isa't isa ay ipaglaban niyo. Kung pagod ka ng magmahal hayaan mo namang siya ang lumaban para sa inyong dal...