Nakanganga akong tinignan siya.Sinabi niya talaga yun? Sino ba siya sa buhay ko? Bakit ganyan siya makapagsalita?bSabi niya babalik daw ang mga memorya ko. Ang tanong parte ba siya nito? Nababaliw na ko kakaisip hindi ko na kaya to.
"Ba-bakit k-ka ganyan makapagsalita?Sino ka ba?" Ani ko sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nasasaktan ba siya? Pero bakit?Shitttt! Ang dami kong tanong hindi ko naman masagot.
"Alam kong hindi sapat na sabihin sayo na asawa mo ako pero iyon ang totoo hindi mo man maintindihan ngayon mauunawaan ko kaya kong maghintay na makaalala ka kasi ma-mahal kita" Aniya na napayuko.
Nalulungkot siya halata ko yun."Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ito" ani ko.
"I need it. And no one will stop me!" aniya na may diin.
Nakatingin na siya ng diretso saking mga mata. Ako naman ngayon ang hindi makatingin ewan ko ba. Paramg may part sakin na nasasaktan. Pero pano hindi ko pa siya kilala!
"Kumain ka na lang at magpahinga para maging mabuti na yang kalagayan mo then tatawag ako ng doctor para icheck ka" aniya.
"Sige" ani ko.
Lumabas na siya. Pinilit kong kumain pero wala na ata akong gana. Parang kanina lang gutom na gutom ako ngayon wala na kong gana.
Im just curious at my past. Gusto kong malalaman ang lahat pero pano?Makakatulong ba si Calyx sakin para mabalikan ang lahat ng iyon? Pano kung ayaw niya kasi may ayaw siya malaman ako? What the fuck!Ano ka ba naman Zeraine iniisip mo pa talaga yang mga bagay na yan matapos kang pakitaan ng mabuti nung tao.
Arghhhh! Nababaliw na ko. Natigil ako sa pagmumuni muni ng may pumihit ng pinto at iniluwa nito si Calyx na seryosong nakatingin sa akin. Ano na naman bang drama nito? At sa likod niya ang doctor na may kasamang nurse.
Lumapit sa akin ang doctor at chineck ako.
"Ok na siya ngayon Mr. Mendez. Wala na rin yung mga sugat niya. Pumunta ka na lang sa opisina ko para sa ibang bagay na dapat iattached sa kanya."ani ng doctor.
"Ok doc, susunod ako mamaya." sabi ni Calyx. At umalis na ang doctor.
Umupo si Calyx sa sofa, sinadal niya ang kanyang ulo sa backrest ng sofa upang tumingala at pumikit. Pagod ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos?Naistorbo ko ba siya?
Napansin ko na naman ang kanyang adams apple kada lulunok siya ay tumaas ito. Inaamin ko naakit ako. Sino ba naman ang hindi diba?. His face was so perfect also his body. Alam kong may maganda siyang pangatngatwan kahit na may damit siya ay nahahalata ko yun. Pano pa kaya kung wala na baka himatayin ako.
"Bakit kakaonti lang ang kinain mo?" aniya.
Hindi ko namalayan na nakaayos na pala siya ng upo at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin habang nagsasalita.
Saka ko lang napagtanto na nakatitig pala ako sa kanya pinagpulahan ko naman ng pisngi iyon. Kaya ibinaling ko na ang tingin ko sa pagkaing tinutukoy niya.
"Nawalan kasi ako ng gana" ani ko.
"Pero sabi ko diba kailangan mong kumain baka gusto mo pang mag stay dito ng isang buwa imbes na isang linggo ka nalang ang pag-iistay dito dadagdagan mo pa" aniya. Na agad ko namang kinatakutan.
Ayoko ng maging pabigat kahit na hindi ko pa siya lubusang kilala ay may kahiyaan parin ako. Kaya ko namang maging independent.
Hindi pa ako sigurado kung may katibayan ang kasal namin na tinutukoy niya. Wala ako sa tamang kalagayan para magduda doon.Wala pa kong maipagmamalaki, nakaratay pa nga ako rito sa ospital.

BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way
RomanceMay iba't iba tayong kahulugan, determinasyon, diskarte sa pagmamahal. Sabi nila hindi masamang sumugal sa pag ibig hanggat mahal niyo pa ang isa't isa ay ipaglaban niyo. Kung pagod ka ng magmahal hayaan mo namang siya ang lumaban para sa inyong dal...