Kabanata 6

12 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at ngayong araw ang pinaka hihintay ko. Ngayong araw ako madidischarge. Nakaready na ako para umalis. Ang sabi ni Calyx ay kakausapin niya lang daw si Doctor Garcia upang kompirmahin na aalis na kami.

Nahihiya ako para kay Calyx dahil siya ang gumastos at nag asikaso sakin. Kaya sa paglabas ko dito sisiguraduhin kong magpapalakas na ko para makapagtrabaho na.

May mga ilang gamit akong ginamit kanina kaya ngayon ay nililigpit ko na. Nagulat ako dahil may biglang nagsalita.

" Zera lets g--" Napahinto siya dahil nahalata niyang nagulat ako.

" Uhm. Sorry dapat pala kumatok muna ako. By the way. Pwedeng pwede ka na daw umuwi sa bahay. Pero hindi ka pa dapat masyadong mag pagod. " Aniya. At kinuha na ang mga gamit.

Napatalon ako ng lumapit siya sa likod ko. Naramdaman ko na naman ang hininga niya. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa ginagawa niya. Lalo akong nanlambot ng idinikit niya ang kanyang mga labi sa aking tainga.

" Pero pwedeng pwede ka daw magpagod kapag nasa kama na. Ngayonng maiuuwi na kita hindi ka na magiging inosente." Aniya sa mapang akit na tono.

Aba'y bwisit! Napakamanyak talaga ng mokong na ito. Sa sobrang inis ko na naman sa kanya ay pinaghahampas ko siya.

" Matigil ka nga sa kamanyakan mo Calyx! Bwisit ka talaga!" Ani ko at pinihit na ang pinto para umalis.

Sumunod naman si mokong sa akin ng tumatawa . Nang nakarating na kami sa parking lot ay nakangisi parin siya. Oo nga pala hindi ko alam ang sasakyan ng mokong na ito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Nagpatianod na lang ako. Alam kong nahalata niya na magtatanong sana ako kung nasan ang sasakyan niya. Tumigil kami sa harap ng mahahaling sasakyan. Mukang sa ibang bansa pa binili.

Inilagay niya lahat ng gamit ko sa likod. At pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Pagentlemen pa ang isang ito. Di bagay sa manyak ang ganyan mokong! Dont me! HAHAHA.

" Calyx pwede namang sa likod na ko. Bakit dito pa sa front seat? " Pagtutol ko.

" Uupo ka diyan o hahalikan kita bago umupo? " Aniya at sinaradong tumatawa ang pinto.

Nang umikot siya para makasakay ay doon ako nag atubiling paghahampasin siya.

" Ang manyak mo talaga! " Ani ko.

Hindi ko siya tinitigilan hanggat hindi siya tumitigil sa pagtawa. Nakakailan na ang mokong na ito sa pang aasar sa akin.

" Just kidding! Ayoko naman magmukang driver mo. Sa gwapo kong ito pagmumukain mo akong driver. " Aniya ng nakangisi.

Arte ng isang ito! Nang gigigil na talaga ako sa trip ng isang ito. Mukang buong araw akong iinisin.

" Why so arte po? Im just suggesting my opinion. So dont be so OA! DUH! Nakakabaklang tignan sayo." Ani ko sa nang aasar na tono with pairap pa iyon.

" Lets see if magiging bakla parin ako sa paningin mo pagkatapos ng gagawin natin sa kwarto" Aniya sa mas lalong nakakaasar na tono.

" Ugh! Bwisit bwisit bwisit! Bahala ka nga diyan! "

Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi ko na siya tinapunan ng tingin dahil sa inis.

Humahagalpak siya ng pinaandar ang sasakyan.

Tumigil kami sa isang gate at automatic itong bukas ng pinasok ni Calyx ang sasakyan.

Napamangha ako sa laki ng bahay na ito malamansyon na ito sa laki. Ang ganda ng pagkakadesign. Pinaghalong white at dark red ang kulay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon