Kabanata 4

10 0 0
                                    

Nakakalimang shot palang ako ng vodka pero parang matutumba na ko sa kinauupuan ko. Nandito kami sa paboritong bar ng bruhilda kong bestfriend. Broken daw siya kaya nagyayang mag inom so as bestfriend dinamayan ko na.

" Freya tama na nga yan! I know broken ka but hindi naman sagot yang paglunod mo sa alak. " Ani ko ng naiinis na. Di ko na mabiling ko nakailang order to. Halos mapuno na yung lamesa namin ng mga bote.

" Ikaw naman Zera napaka KJ mo. Sayaw na nga tayo. " Ani niya.

Sumunod na lang ako sa gusto niya. Kaya habang naglalakad kami ang haloa parehas kaming matumba sa daan. Laking pasasalamat ko sa mga taong sumasayaw siguro kung wala sila i think kanina pa kami nadapa. Hindi ko na namalayan na nasagitna na kami. Pinalitan din ng DJ ang kanta ng mas wild kaya mas lalong naging agresibo ang pagsasayaw ng mga tao.

" Whoooo! Dance Zera! Dance! Whooooo! " Ani ni Freya.

Nakataas na ang mga kamay niya habang sumasayaw para bang wala na siyang pakielam sa paligid niya. Naramdaman niyang nakatitig lang ako sa ginagawa niya kaya hinawakan niya ang kamay ko at tinaas na rin. Kaya wala na kong nagawa kundi sumabay na rin lang sa trip niya. Nagsimula na kong sumayaw.

" Freya! Umayos ka nga sa pagsasayaw mo halos lumabas na yang kaluluwa mo diyan! Nakamini skirt ka na nga lang sana hindi ka nagsuot niyan kung ipapakita mo rin lang yang kaluluwa mo. " Ani ko ng natatawa na. Umayos naman siya sa pag sasayaw. Babaeng to talaga! Pano ba naman sabi mag suot daw ako ng off shoulder kahit ano daw basta off shoulder so nag black dress na off shoulder ako.

" Zera! Ano ba yang sayaw mo? Folk dance? Jusko! sumayaw ka naman nung medyo sexy tignan! Kay ganda mo pa naman! Haist! Gayahin mo nga ako! " aniya. Kaya ginaya ko siya.

Isang oras na ata kaming nagsasayaw dito nang may humawak sa baywang ko. Ramdam ko ang init sa katawan niya. Medyo natigilan ako pero nagpumilit ako ipagpatuloy ang sayaw ko. Nilibot ako ang mga mata ko para hanapin ni Freya. Ngayon ko lang napagtanto na wala na pala siya sa tabi. Shit! nasan na yung babaeng yung. Akma akong aalis ng lalong hinapit ng lalake ang baywang ko papalapit sa kanya.

" Where are you going? " bulong ng nasa likod ko. Unang salita pa lang ay kilala ko na siya hindi na kailangang tignan pa siya. Mahinahon ang bigkas niya ngunit may diin sa bawat salita.

Oh! Son of a bitch! Ngayon ko lang naalala na basta basta na lang pala akong sumama kay Freya at hindi ako nakapagpaalam kahit kanino man lang lalo na kay Lathan.

" Ha-hanapin ko l-lang sana si Freya baka kasi kung ano nang nangyari sa kanya. " ani ko ng nauutal. Nahalata niya ang pagiging utal ko kaya mas naging hudyat pa iyon ng mas lalong paghapit niya sa baywang ko.

" Dont worried about her. May inutusan na kong sundan siya sa mga gagawin niya. " Aniya.

Pinasundan? Ano to? Plano niya? O sinabi sa kanya ni Freya? Oh that freaking girl! She's getting to my nerves! Pasalamat siya at mabait akong kaibigan kung hindi matagal ko na siya pinasalvage.

" G-ganun ba? " Tanong ko. Nadidistract na talaga ako sa kanya sobra lapit niya na. May nararamdaman akong bumubukol sa likod ko. Shit! Oo lasing ako pero hindi ako manhid.

" Oo " sagot naman niya. Ramdam ko na ang maiinit na hininga niya sa tainga ko. Nagdulot ito ng kiliti sa akin.

" Lathan sorry if hindi ako nakapagpaalam sayo. Sabi kasi ni Freya napagpaalam niya na daw ako sayo kaya hindi na ko nagpaalam. " ani ko. Totoo iyon. Una ayaw ko pang sumama kasi alam kong hindi ako papayagan ni Lathan pero sabi ni Freya nakapagpaalam na daw siya kaya sumama na lang ako.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon