Chapter 5:Anyare??

182 5 0
                                    

 Prince Arleigh Ashwin POV

Kagulat naman yung babaeng yun...Tinawag kulang e parang nakakita ng multo kung makatakbo ! Pero ang nakakapagtaka anu kaya yung nakita kung liwanag na nanggaling dito?Sure akong dito nanggaling yun eh tsaka wait parang familiar yung babaing yun ah...(nag-isip..Ahhhh si Ms.Stupididiot.... Yun ang tawag ko sa kanya kase tatanga-tanga siya nung isang araw.) And siguro nga siya ang prinsesa kailangang malaman kaagad ito ng reyna..

Pero baka namamalik mata lamang ako kanina.. Pero hindi eh may nakita talaga akong liwanag dito pero si Ms.Stupidiot lang yung nandito ano nanaman kayang katangahan ang ginawa niya? At kailangan ko iyong malaman sa mas lalong madaling panahon upang magawa ang aking misyon.

Hi readers di niyo pa nga pala ako kilala daldal ako ng daldal ako nga pala si Kim Taehyung hahaha...................de joke lang ako nga lang pala ang poging si Prince Arleigh Ashwin Beltmon. Familiar sa inyo ang apilido ko? Syempre i'm the SON of the Owner of the Beltmon University *wink* haha...Kaya humanda sa akin si Ms.Tanga pag gumawa ulit siya ng katangahan niya binalaan ko na siya na hindi niya kilala ang binangga niya. I'm 18 yrs.old na nga pala..

So eto ako umalis na ako ng parking lot at naglakad nako sa hallway papuntang room ko.. Ang daming babae sa hallway na nakatingin sa akin at naglalaway..Tsk.. mga hipon... Mga alagad siguro ito ni babaeng hipon pero duh! maganda kaya yon compare sa kanila.

(ang hangin naman-Lalay)    

(author naman shut up kalang dyan POV koto..)        

(..)

So eto kinindatan ko sila at ayun yung isa hinimatay.. Kaya wala akong sineseryosong babae dahil dyan lahat yan nagloloko at iiwan kalang bandang huli. Kaya mas magandang gawin mo silang laruan.. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari sa akin dati. Pero ok lang atleast dahil doon ay natuto ako at alam ko narin ang galawan ng mga babae ngayon.. Kaya nga nasa Music ko ang Hayaan Mo Sila dahil nakakarelate ako sa kanta. Kase karamihan sa mga babae ngayon ay ganon na. At isa na siya sa mga yon sabi niya ako lang pero napakasinungaling niya at ang tanga ko naniwala ako sa kanya. Akala ko ang hinhin hinhin niya diko alam nasa loob pala ang kati niya.

Ba't ko ba kinukwento sa inyo ito? Di ako ganito dati, tahimik ako at walang pakelam sa mundo pero nung dumating siya binago niya ang buhay ko.. Akala ko nung una totoo, yun pala'y isang manloloko. At dahil sa kanya kaya hindi na ako normal ngayon at sinisiguro kong pagbabayaran nya ang lahat ng kanyang ginawa. Hay makapasok na nga,, pansin kulang tumutula nako eh..

"Grabe ang gwapo talaga ni Prince.. kkkyyyaahhhh" sigaw ng isang haliparot.

"Oo nga at talagang kinindatan niya ko, pwedi nakong mamatay" isa pang haliparot.

Nakakamatay na pala ako. Naku dumadagdag ang kasalanan ko nito eh.

"Assumerang frog sakin siya kumindat*taas kilay*" isa pang haliparot

Tsk!Pare-pareho kayong assumera..O diba pwedi pa talaga akong maging cause of death nila mga higad talaga. Gawin ba naman akong basihan para mabuhay sila.. Tssskk. Buti pa yung si Ms.Stupididiot hindi maingay tulad nila . Bat kuba iniisip yung tangang yon hay naku...geh ang daldal kuna babye muna *flying kiss*.

Avereigh POV

Nagulat ako sa nangyari dahil alam ko iniisip ko lang na makakauwi ako pero eto ako ngayon nandito sa bahay namin.Di ko akalaing pati pala ang iniisip ko ay pwedi naring magkatotoo akala ko ay hanggang sa pagpapagalaw lang ng tubig at apoy ang kaya ko.. Pero ang ipinagtataka ko talaga ay bakit ganito ako?.. Bakit parang hindi ako normal na tao? Bakit parang naiiba at special ako?? Bakit may nagagawa akong mga ganitong bagay?? Natuklasan ko ito noong Gr.6 ako.. Uhaw na uhaw ako kaya nagmamadali akong kumuha ng tubig pero ipinagtaka ko kung bakit ng itapat ko ang kamay ko sa baso ay gumalaw ang tubig hanggang sa nilaro laro ko ito at hindi inaasahang na kokontrol ko na ito. Ganito rin ang nangyare nang naglulutu ako inisip ko na napapagalaw ko ang tubig kaya baka pati ang apoy ay mapagalaw at di nga ako nagkamali dahil nakontrol ko rin ang apoy sa stove kaya nagtaka na talaga ako. Di ko naman ito masabi kila tita at tito dahil baka sabihin nilang isa akong halimaw at mapalayas pako dito ng wala sa oras...

Pero hindi ko talaga inaasahang kapag inisip ko ang isang bagay ay nangyayari ito at bakit may ganito akong kakayahang taglay?? Hindi ko alam kung sino ang makasasagot sa aking mga katanungan pero pipilitin kong humanap ng sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa aking isipan. Dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip dito. Nasaan kaya ang ama't ina ko para masagot nila ang mga katanungan sa aking isipan. :(

"Oh Avereigh bat nandiyan ka sa gate bat dika pumasok dito sa loob, bata ka ano bang trip mo't nagbibilad ka?" tanong ni tita sa akin. Ang dami ko kasing iniisip di ko tuloy napansin na mainit pala dito pero di ko feel,, manhid naba ako nun?Hahaha OA ko!

"Ah wala po tita eto na po papasok na ko" sabi ko nalang at pumasok ako.

"Ba't di ka pumasok?" tanong ni tita sa akin.Oh baka sabihin niyo kakapasok ko palang tinatanong nako kung bakit hindi ako pumasok. Ang ibig sabihin ni tita dyan is sa school ba't di ako pumasok sa school.

"Masakit po kasi ang ulo ko at parang lalagnatin po ako" sabi ko naman.Inisip ko na magkalagnat ako at hindi nagtagal ay naramdaman kong parang ang init ko. At tinimpla naman ni tita ang noo ko.

"Ang init mo nga sige pumunta ka sa kwarto mo at magpahinga gagawan kita ng sabaw na iyong mahihigop para kahit papaano'y bumaba ang lagnat mo" sabi ni tita kaya pumunta na ako sa kwarto.

Gomawoooo ;* <3

Please DON'T Forget to:

Vote ^_^

Comment ^_^

and Follow ^_^

Because it means a LOT to me ^_^

Kamsahamnida ^_^

Neoleul neomu manh-i salanghae jwoseo gomawo(thank you so much i love you).....

Comment po kayo sa mga gustong mag pa dedicate ^_^........

TRUTH IN DISGUISEWhere stories live. Discover now