3rd Person POV
"Anong nangyare?"sabi ni April Mae na napatulala ng makita ang kalagayan ng kanyang ama't ina.
" Hindi totoo ito sabihin niyong nag-iillusyon lang ako"sabi naman ni Karen Cate habang umiiyak.
"Anong nangyari dito? Sinong may gawa nito sa mga magulang niyo?"nag-aalalang tanong ni Diana Rose.
"Ang prinsesa anong nangyari sa kanya?" tanong naman ni Christal Fhaye.
"Ang prinsesa?" tanong naman ni Angela
"Mae tignan mo ang prinsesa bilis baka kung anong nangyari sa kanya" sabi ni Karen Cate.
"Ako na ang titingin bantayan niyo muna si April Mae dahil baka kung anong mangyari at makagawa siya ng bagay na hindi natin magugustuhan" ang sabi naman ni Briana at lumapit kay Avereigh.
Lumapit naman sina Mariella at Jenny Faith kay April Mae upang pakalmahin ito dahil sa nakita. Natatakot kasi sila na baka biglang mawala sa sarili si A.M at magwala ito. To the point na ang kapangyarihan na mismo niya ang kokontrol sa kanya. At iyon ang ayaw mangyari ng mga kaibigan niya dahil maaaring pati sila ay masaktan nito ng hindi niya nalalaman.
"Mae tara na kumalma ka hindi maaaring lamunin ka nang galit mo. Alam mo ang maaaring mangyari" nag-aalalang sabi ni Mariella.
"Kaya nga Mae tara dalhin na natin ang mga magulang niyo sa simbahan at nang mapabasbasan natin sila" sabi naman ni Jenny Faith.
Sa sinabing iyon ni Jenny Faith ay parang nagising si April Mae at bigla itong natauhan.
"Oo nga tara KC dalhin na natin sila sa Simbahan" sabi ni April kay Karen Cate.
"Tuuuullloooonnnggg" sigaw ni Briana
Narinig ng magkakaibigan ang sigaw ni Brianna kaya't nagmamadaling sinundan nila ang pinanggalingan ng boses nito.
Brianna POV
Nag-aalala ako para sa kambal pero ang ipinagtataka ko ay bakit wala ang prinsesa sa lugar kung saan namin ito nakita kanina. Mali ang ginawa namin. Dapat ay inuna muna namin ang prinsesa bago kami nagpunta sa magulang ng kambal. Nakagawa nanaman kami ng isang napakalaking maling desisyon. Nakalimutan ko ang ibinilin sa akin ng ina ko na dapat kapag may nangyaring gaya ng nangyari ngayon ay dapat naming unahin ang prinsesa bago namin asikasuhin ang ibang bagay. Dahil hindi titigil ang mga Shadowmanian hangga't hindi nila nakukuha ang prinsesa.
Nakita ko ang mga Shadowmanian na bitbit ang prinsesa. Hindi maaari ito! Hindi nila maaaring makuha ang prinsesa dahil kami ang mananagot sa reyna kapag nangyari iyon at lalong lalaki ang tyansang manalo na talaga ang mga Shadowmanian sa aming mga Atherian dahil paniguradong gagamitin ng kanilang reyna ang prinsesa upang kami'y mapabagsak. At masakop nila ang aming kaharian.
"Hoy mga panget tumigil kayo" matapang na sigaw ko sa kanila.
Tumigil naman sila at humarap sa akin madami rin sila 10 kase sila eh. Gwabiiii ano to sinasakop na nila ang mundo ng mga tao?
"Ano isa karin bang pakelamera?"tanong ng isang Shadowmanian.
"Kung ako sayo ay umalis kana kung mahal mopa ang buhay mo!!"sabi ng isa pang Shadowmanian.
"Oh baka naman gusto mong matulad dun sa mga pakelamera kanina?"tanong ni Shadowmanian 3.
"Mga walanghiya't walang awa!!! Kayo ang may kagagawan noon kila tita at tito?"galit na sabi ko. Naramdaman kong biglang tumaas ang pwersa ng aking enerhiya.
YOU ARE READING
TRUTH IN DISGUISE
FantasiIsang prinsesa ang pinagkaitan... Upang kanyang malaman... Ang buong katotohanan... Tungkol sa kanyang katauhan... Ang lahat ng mangyayari'y ating tutunghayan... Upang sa gano'y ating malaman... Ang mga bagay na dapat abangan... Ay inyong mabababali...