Chapter 15:War

121 4 0
                                        


Gemma POV
Nagulat ako nang habang kausap ko ang prinsesa ay makaramdam ako ng isang familiar na presence

"Shit" mahinang bulong ko..

Ang wrong timing talaga nitong si Mary Joy kahit kailan hay naku pasalamat siya dahil mas makapangyarihan siya at mas mataas ang posisyon niya sa akin. Dahil kung hindi, pustahan tayo matagal nang todas yan.

"Nararamdaman mo rin ba siya?" bulong sa akin ni Kim.

"Magbubulungan nalang ba kayo o may sasabihin kayo?"  tanong ng prinsesa sa amin.

"Naririnig mo kami?"takang tanong naman ni Kim

Sa tingin ko'y naiirita na siya kase sa mukha palang niya ay parang gutom na siya. Bilib din talaga ako sa prinsesang ito. Wala pa siyang masyadong alam pero ang galing na niyang magtago ng kanyang emosyon. Dahil ang simpleng tao o baguhan at hindi pa alam gamitin ang kanyang kapangyarihan ay madaling basahin sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa kanyang mga mata.. Dahil sa mga mata mo makikita ang emosyong nararamdaman ng isang tao. Mortal man o tulad namin. At kaya rin naming basahin ang nilalaman nang inyong isipan ngunit ang kanya'y mahirap basahin at sinubukan ko namang gawin ito ngayon... Pppffftt alam niyo ba kung anong laman ng isipan niya??Langya!! Sasabihin ko ba sa inyo?Puro pagkain lang naman..Naku kung hindi lang talaga ito prinsesa iisipin kong may sabit to eh...

"Hindi,halata kasi sa inyo eh"sagot naman niya

Alam kong nagpapalusot lang siya dahil kahit hindi namin alam kung alam nya na ba talagang gamitin ang kanyang kapangyarihan ay alam naman naming may kakayahan na siya sa mga ganitong bagay..

"Ah ganon ba.. May hihilingin sana kami sayo ay sana'y mapagbigyan mo kami" nakikiusap kong sabi sa kanya.

  "Ayt ganon pagbigyan agad-agad haha di ko pa nga alam kung anong iniisip nyo malay ko ba kung kaya ko yang hiling mo o hindi. " angal niya naman..

Naiintindihan ko siya dahil bukod sa hindi nga namin alam kung alam niya o natuklasan na niya ang kanyang kapangyarihan at kung alam na niya itong gamitin ay hindi rin biru-biro ang kanyang mga makakalaban.

May sasabihin pa sana ako pero naramdaman ko sa may likod ko si Mary Joy or should i say naramdaman ko ang presensiya niya...... Mabuti pa yung presensiya ni Joy nararamdaman ko pero ang presensiya ko kaya nararamdaman niya??Charr..Naku talaga namang ang bruhang ito kahit kailan napaka wrong timing..Pero ang ikinagulat ko ay nang parang may kung anong umiilaw sa may dibdib ng prinsesa...Huwag kayong green ah!!Pero biglang may kung anong ibinulong si Avereigh at parang nahihilo ako kaya napahawak ako kay Kim na kasalukuyang humawak din sa akin habang hawak ang kanyang ulo. Nakita naming patakbo ang prinsesa papuntang C.R. ngunit ang ikinasindak namin ay ang biglaang pagsulpot ni Mary Joy sa harap ng prinsesa at bigla niyang sinakal ang prinsesa.Mabuti na lamang at nalabanan ko ng spell ang spell na ibinulong sa amin ni Avereigh. Alam kong ito'y pampawala nang memorya ngunit wala na siyang kailangang itago sa amin dahil mas marami pa ang nalalaman namin sa tunay niyang katauhan kaysa sa kanya ... Ang kaso'y  mas marami nga ba kaming nalalaman o higit pa ang kanyang kaalaman kaysa sa amin....Hindi ko masasabi dahil tuso ang prinsesang ito..

"Si--no ka??Bi--ti--wan mo--ko!!"nahihirapang bigkas ng prinsesa.

Dali-dali kaming gumawa ng paraan ni Kim.. Ginamitan namin ng sleeping spell ang mga staff sa canteen at dali dali kaming gumawa ng barrier na poprotekta sa amin dito sa canteen at upang walang madamay na ibang estudyante..

 "Mary Joy bitiwan mo sya"sabay tutok ko sa kanya ng dark magic ko.

Nagtataka kayo kung bakit may dark magic ako? Dahil ng dakipin kami ng mga Shadowmanian ay inalis nila ang lahat ng bakas ng Atherian sa amin ng sa gayon ay walang maka alala o makakilala sa amin kahit isa sa mga Atherian at ituring din kaming kalaban ng mga kalahi namin.

Si Kim naman ay sinusubukang hulihin ang kanyang anino dahil siya'y isang shadow manipulator...

"Huwag kayong makialam dito dahil sisiguraduhin kong makararating sa mahal na reyna ang kalapastanganang pinaplano ninyo mga suwail!!."galit na sigaw niya sabay bato ng electric sa amin..

Nakalimutan naming isara ang aming isipan kaya nakasisiguro akong nabasa na niya ito kaya alam na niya ang aming plano...Kung ganon wala na talagang dahilan upang manatili pa siyang buhay.. Gumamit ako ng telepathy at kinausap si Kim gamit ang aking utak..

"Kim.. bibilang ako ng tatlo babatuhin ko siya ng Dark Ball hulihin mo kaagad ang kanyang anino naintindihan mo?"sabi ko sa kanya

"Oo sige ngayon na "Kim

"Hana..Dul..Ses" (one..two..three) sabi ko at sabay kaming umatake habang pinagbababato ko siya ng Dark Ball ay hinuhuli naman ni Kim ang kanyang anino upang ito'y aming bihagin. Nabitawan na ni Mary Joy si Avereigh ngunit pinagbababato naman niya kami ng Electric Balls...Mabuti na lamang at magaling kaming umiwas.. Pero siya nung alam niyang nahuhulog na ako sa kanya imbis na umiwas siya eh pinaasa pa niya ako lalo...Hay!!naku buhay parang life..

"Gemma"sigaw sa akin ni Kim..

Nakita kong papalapit na sa akin ang electric ball na sobrang laki at alam kong kahit umiwas ako dito ay masasaktan parin ako. Kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay na lumapat sa akin ang kuryente...Ngunit nagulat ako ng walang dumikit sa akin na kahit ano at hindi ako nasaktan kaya napadilat ako at nasilaw sa liwanag...Napagtanto ko na hinarangan ng prinsesa ang electric ball at eto sila na ni Mary Joy ang naglalaban ngayon...

"Kung ganon medyo may kaalaman kana pala sa iyong kapangyarihan Prinsesa *smirk*pero tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.." Mary Joy

"Hindi ko  man masyadong gamat ang powers ko pero lalabanan kita... Ipapakita ko sa iyong maraming namamatay sa maling akala" sabay ngisi ni Avereigh at sa totoo lang nangilabot ako sa pag ngisi niya...

Nakita naming siya'y pumukit at parang iniipon ang lahat ng enerhiya na nandito sa loob ng barrier na ginawa namin.. Unti-unti akong nanghina at ganon nadin si Kim... At nakita naming palaki ng palaki at paliwanag ng paliwanag ang bolang nasa kamay ni Avereigh at kanya na itong itinutok  ka Mary Joy at sa isang iglap ay nakahandusay na si Joy na walang buhay sa sahig...Nakita naman namin ang prinsesa na biglang bumagsak kaya't alam naming siya'y nawalan ng malay..Kinuha namin siya at dinala sa aming lugar 




Sorry dear readers kung ngayon langyung update......I'm so busy to the point na hindi kona alam kung anong uunahin ko lalo na't nalalapit na ang finals pero tatapusin ko po ang book na to this coming vacation Promise!!

(NOT ALL THE PROMISES WERE MEANT TO BE BROKEN) 

Gomawoooo ;* <3

Please DON'T Forget to:

Vote ^_^

Comment ^_^

and Follow ^_^

Because it means a LOT to me ^_^

Kamsahamnida ^_^

Neoleul neomu manh-i salanghae jwoseo gomawo(thank you so much i love you).....

Comment po kayo sa mga gustong mag pa dedicate ^_^........

TRUTH IN DISGUISEWhere stories live. Discover now