Gemma POV
Gulat ba kayo sa mga ibinunyag ko?Well hindi lang iyan ang malalaman niyo kung patuloy niyong susubaybayan ang kwentong ito..Kaya hinahanap ko ang prinsesa ngayon dahil gusto ko sanang humingi ng tulong sa kanya upang mailigtas namin ni Kim ang mga magulang namin.Mga napakawalang puso,balun-balunan,atay at apdo kase ng mga Shadowmanian!"Sana naman ay makita na natin ang mahal na prinsesa sa lalong madaling panahon" malungkot na wika ko. Hay buhay talaga parang LIFE.
"Huwag kang mag-alala marahil ay papasok na siya ngayon at sigurado akong magaling na ang mga sugat niya kaya baka maya-maya lang ay nandyan na siya"pagpapalakas ni Kim sa loob ko. Mabuti na lang at lagi syang nasa tabi ko kung hindi matagal na akong sumuko.
"Sana nga dahil habang tumatagal ay mas nagiging mapanganib ang kalagayan ng ating mga magulang sa Bluemeadow Kingdom" sabi ko naman kay Kim. Alam ko naman na pati siya ay nag-aalala din pero di nya masyadong ipinapahalata dahil gusto nyang palakasin ang loob ko.
"Don't worry i feel you" sabay ngiti sa akin ni Kim. Mabuti pa sya kaya niyang itago ang tunay niyang nararamdaman samantalang ako.. feeling ko pabigat ako sa kanya.
So naglakad na ulit kami ni Kim papunta sa covered court at laking gulat namin ng makita namin si Mary Joy ang kanang kamay ng mahal na reyna. Ano naman kayang ginagawa nito dito?
"Gemma,Kim maaari ba kayong pumunta sandali dito?" taas kilay na tanong nya sa amin.
"Danger!! Mag-iingat tayo haha" natatawang sabi ni Kim sa akin. Nakuha pa niyang tumawa sa kabila ng alam nya naman na nanganganib kami kapag nandito ang bruhilda.
"Yah know right haha papalapit na tayo sa bruha!!"sabi ko naman sa kanya.Hays makikiride nalang ako para kahit papaano ay mabawasan ang pressure na nararamdaman namin.
"Ano po ang maaari naming gawin para sa inyo"magalang na tanong ni Kim.
"May mahalang bagay kayo na dapat gawin kaya pumunta kayo sa kaharian ngayon din dahil may ipag-uutos sa inyo ang mahal na reyna"sagot naman nya.
"Hindi ba maaaring ikaw nalang ang magsabi sa amin ngayon din upang magawa na namin ito sa lalong madaling panahon?"tanong ko naman
"Sumusuway na ba kayo sa amin?"nakangising tanong ni Mary Joy.
"Hindi naman ang sa amin lang kase kung masasabi mo naman ito ngayon.. Why not say it now? Para matapos na namin sa mas madaling panahon" matapang na sagot ni Kim.
"So palaban na kayo ha...Tignan natin kung hanggang saan ang lakas niyo kapag nasa kaharian na tayo...Tignan natin ang tapang niyo!! Kapag ang mga magulang niyo na ang usapan*smirk*" nananakot na sagot ni Mary Joy.
"Hindi!! Huwag niyo silang idamay!!Nananahimik sila gagawin naman namin ang lahat ng ipag-uutos ninyo huwag niyo lamang silang sasaktan at nangangako kaming lahat ng aming makakaya ay aming gagawin namin upang makuha ang prinsesa" sabi ko.
"Magaling!!Maayos naman pala kayong kausap eh..Akala ko naman papalag pa kayo eh" sagot ng bruhilda.
"Pakisabi na lamang sa mahal na reyna na kami ay pupunta na doon mag papasa lamang kami ng aming proyekto"Kim
"Mabuti kung ganon pero bilisan nyo!!Tandaan niyo ayaw namin ng pinaghihintay kami ng matagal dahil kapag kami'y nainip...Baka di namin mapigilang maglaro*smirk*"Mary Joy
"Oo darating kami agad basta ipangako niyo na hindi nyo gagalawin o sasaktan ang aming mga magulang"paninigurado ko
"Kung makadarating ba kayo ng maaga eh bakit hindi diba?Pero kapag nalate kayo huwag na kayong magtaka sa inyong dadatnan" pananakot niya at bigla na siyang nawala.
"Kailangan na nating makita ang prinsesa at humingi ng tulong sa lalong madaling panahon. Bago pa nila masaktan o mapatay ang ating mga magulang" kinakabahang sabi ni Kim sa akin.
"Tama ka dahil habang tumatagal ang pananatili ng ating mga magulang sa Kaharian ay mas lalong nanganganib ang kanilang buhay" sagot ko naman
"Tara hanapin na natin siya" yaya ko kay Kim dahil natatakot ako sa maaring gawin nila sa mga magulang namin lalo pa't wala silang mga puso.
"Hindi ba ang prinsesa iyong naglalakad papuntang canteen?"sabay turo niya sa akin sa may entrance ng canteen.
"Siya nga tara magmadali ka at atin siyang lapitan" sabi ko naman
Dali-dali kaming tumakbo papunta sa canteen mabuti nalang at walang masyadong estudyante dito sa labas dahil 2nd period na eh hindi pa kami pumapasok dahil sa paghahanap sa prinsesa at sa kasamaang palad eh nakita pa namin ang bruha(Mary Joy).Nang malapit na kami sa kanya ay tinawag na namin siya.
"Aaa--vereigh"putol na tawag ko sa kanya nagbabakasakaling siya'y tumingin sa amin dahil ako'y nahihiya sa kanya.
Tumingin naman sya at nakita kong parang may inaalala siya......
Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapag-update ang dami kasing projects eh haha 4th quarter na kase....
Gomawoooo ;* <3
Please DON'T Forget to:
Vote ^_^
Comment ^_^
and Follow ^_^
Because it means a LOT to me ^_^
Kamsahamnida ^_^
Neoleul neomu manh-i salanghae jwoseo gomawo(thank you so much i love you).....
Comment po kayo sa mga gustong mag pa dedicate ^_^........
YOU ARE READING
TRUTH IN DISGUISE
FantasyIsang prinsesa ang pinagkaitan... Upang kanyang malaman... Ang buong katotohanan... Tungkol sa kanyang katauhan... Ang lahat ng mangyayari'y ating tutunghayan... Upang sa gano'y ating malaman... Ang mga bagay na dapat abangan... Ay inyong mabababali...