CHAPTER 8:TITO!!

120 4 0
                                    

Avereigh POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.Basta ang alam ko ay gusto kong patayin ang mga taong nakaitim na ewan ko kung paanong nakapasok dito sa aming bahay. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko basta nararamdaman kong parang may gustong kumawala sa aking katawan. Naramdaman ko na lamang na ako'y nakalutang na at doon ay pumikit ako dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko. Napakalakas ng enerhiyang parang gustong kumawala sa aking katawan. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil parang nakakakita ako ng iba't-ibang elemento samantalang nakapikit ako sa mga oras na ito. Hanggang sa hindi kona napigilan at dumilat na ako at aking naramdaman na parang umilaw ang aking mata. Hindi ko na napigilan ang enerhiyang gustong kumawala sa aking katawan kaya't hinayaan ko na ito. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil nakita ko si Tito sa labas ng pinto hawak ng tatlong panget. Pero ang ikinasakit ng loob ko ay nang makita ko kung paano nila sinaksak si Tito nang walang kalaban-laban. Napasigaw ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong sumugod sa kanila. Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang kamay ko at ito'y itinutok ko sa mga panget at may kumawalang kung ano dito. Natamaan ko ang mga panget kaya't nabitawan nila si Tito na sumusuka ng dugo. Agad akong lumapit kay Tito at hiniga ko siya sa aking kandungan.

"Titooooo !!Huwag niyo po akong iwan parang awa niyo napo"nagmamaka awang sabi ko.

"Avereigh ikaw na sanang bahala sa tita't mga pinsan mo"naghihingalong sabi niya.

"Pero tito patay na po si tita.Pinatay na siya ng mga demonyong yon. Paano na kami nila April Mae at KarenCate?"umiiyak na tanong ko.

"Hindi....hindi totoo yan.....Buhay si Marjorie... Sabihin mo saking nagbibiro kalang Avereigh"sabi ni tito sa akin. At bigla siyang umubo ng dugo

"How i wish na nagbibiro lang ako tito pero totoo po lahat ng sinasabi ko napatay na po nila si tita bago ka pa dumating tito at huwag mong sabihing pati ikaw ay mamamatay rin tito. Lumaban ka tito alang-alang po sa kapakanan ng inyong kambal. Huwag kang mag-alala tito dadalhin po kita sa ospital ngayon din"lumuluhang sabi ko sa kanya.

"Hu--wag ka na--ng mag---abala Ave--reigh sigu--ro'y hang--gang di--to na--lang ang mi--syon na--min ng tita mo. Mara---ming sala---mat sa pakiki----nig mo sa amin ka---hit na hin--di kami ang iyo--ng tu--nay na mga magu--lang. Pero nakikiu--sap ako na sa--na'y itu--ring mong pa--rang to---toong kapa--tid sina A.M at K.C ka--hit na mala---man mo ang kato--tohanan. At sana'y hindi ka magbago kapag nalaman mo kung sino ka talaga Avereigh" paputol-putol sa sabi ni tito at siya'y nalagutan na ng hininga.

"Hindeeeee.....tito.....bakit kailangan pati kayo?? At anong katotohanang iyon tito..Please tito nagmamakaawa ako sabihin niyo po sa akin kung ano yon. Tito lumaban po kayo kailangan pong masagot ang lahat ng katanungan ko at paano na po kami ng kambal pag nawala kayo?? Titoooo"umiiyak na tanong ko.

Pero huli na ang lahat patay na si tito. Namatay siya na hindi man lang nasagot ang mga tanong ko. Anong gagawin ko ngayon? Tumayo ako at hinarap ang mga panget nato. At sa sobrang sama ng loob at galit ko ay lumutang ako at naglabas ang katawan ko ilaw na nakakasilaw. Hindi ko na alam kung anong nangyari basta ang alam ko'y gusto kong patayin ang lahat ng panget na tulad ng mga pumatay kay tita't tito. Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon sabay na nawala ang mga tumayong magulang ko ng wala man lang akong nagawa upang tulungan sila. Alam kong sila ang nag-alaga sa akin char.cahr. ko lang na napulot nila ako. Pero hindi ko pa nasusuklian ang kagandahang loob na ibinigay nila sa akin... T_T

3rd Person POV

Nahimatay si Avereigh matapos ang nangyari dahil hindi kinaya ng katawan niya ang lakas na lumabas sa kanya. Inubos nito ang enerhiya ng kanyang katawan. Samantala sakto namang dumating ang magkapatid na April Mae at Karen Cate kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Diana, Fhaye, Angela, Briana, Mariella at si Jenny Faith na tulad nila'y may itinatago ding katauhan.

Gomawoooo ;* <3

Please DON'T Forget to:

Vote ^_^

Comment ^_^

and Follow ^_^

Because it means a LOT to me ^_^

Kamsahamnida ^_^

Neoleul neomu manh-i salanghae jwoseo gomawo(thank you so much i love you).....

Comment po kayo sa mga gustong mag pa dedicate ^_^........


TRUTH IN DISGUISEWhere stories live. Discover now