Hera POV
Nandito kami ngayon at hinihintay ang pag gising ng prinsesa. Ngayon namin siya susubukan upang malaman kung siya ba'y karapat-dapat talagang maging Reyna ng Atheria Mystique Kingdom. Akala niya siguro'y niloloko siya ni Apollo sa pagbababala nito sa kanya ang hindi niya alam ay hahasain na namin ang kanyang kakayahan dahil narin sa pangitaing nakita ni Cassandra.
Flashback
"Mahal na reyna kayo po'y pinapatawag ng aking mahal na Ama" sabi sa akin ng anak kong si Hephaestus.
"Sige anak sabihin mo susunod na lang ako" sagot ko.
"Sige mahal kong ina" sagot niya at umalis na siya.
Dali-dali akong pumunta sa silid ni Zeus dahil alam kong kapag hindi ako kaagad nakapunta sa kanya ay mag- aalburoto na naman iyon. Nang nasa tapat na ako ng kanyang silid ay kumatok ako. May nagbukas nito at nakita ko si Artemis. Nakakapagtaka yata at tila kumpleto sila ngayon ano kayang meron?
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit napakaaga ko kayong ipinatawag ngunit kailangan nating paghandan ang pagsasanay ng Prinsesa. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na nagmamadali na ang Reyana ng kadiliman upang mapasakamay na niya ang prinsesa. Kung kaya't kailangan na nating kumilos habang maaga pa" litanya ng aking asawa.
Tinutukan naming lahat si Zeus sa lahat ng kanyang sasabihin. Napakatahimik ng paligid at mahihiya ang hangin kung ag-iingay ito. Hinintay naming lahat ang susunod pang dapat naming gawin.
"Mahal kong ama maaari bang ako ang unang sumubok sa kakayahan ng prinsesa? Nais ko po sanang sukatin kung hanggang saan na ang aabutin ng kanyang lakas" lakas loob na suhestiyon ng aking anak na si Hephaestus kanyang Ama.
"Maaari ang iyong nais ngunit tandaan mo hindi pa gaanong bihasa ang prinsesa kung kaya't kailangan mong limitahan ang pag gamit ng iyong kapangyarihan" sagot ni Zeus.
Alam naming may kakayahan na ang prinsesa ngunit hindi ito sapat upang ipagtanggol nya ang kanyang sarili lalo na't umaasa ang buong Atheria Mystique Kingdom sa kanya dahil sa kasakiman ng ganid na Reyna ng mga Shadowmanians.
"Aking asawa maaari bang akin muna syang subukan bago ikaw dahil nais kong subukin ang kanyang lakas kapag ginamit sa kanya ng kasamaan ang kanyang mga mahal sa buhay alam kong iyon ang kanyang pangunahing kahinaan sa ngayon" sabat naman ni Aphrodite sa aking anak.
"Huwag kayong mag madali dahil lahat tayo ay susubukin ang prinsesa upang maihanda sya ngunit matagal-tagal na pagsasanay and sikap ang kailangan natin upang siya'y mahasa ng sapat at maging handa" sabi naman ni Zeus ng magtangkang mag salita si Artemis.
Nais ko rin sanang isalaysay ang aking saloobin kung saan kaming lahat ay susubok sa prinsesa araw-araw habang siya'y naririto upang hasang-hasa na siya kapag hinarap siya ng Reyna ng kadiliman. Ngunit mas pinili ko nalamang ang manahimik at makinig sa kanila.
"Gusto ko ang iyong suhestiyon mahal kong asawa" agaw pansin sa akin ni Zeus
Nagulat ako sa pagsasalitag iyon ni Zeus nakalimutan ko nga palang isara ang aking isip kung kaya't nabasa nya ang aking suhestiyon.
"Maaari natin iyong gawin ngunit siguruhin ninyong kung araw-araw nyong sasanayin ang prinsesa ay bibigyan nyo sya ng sapat na pahinga upang mabawi ang kanyang lakas" dagdag pa ni Zeus.
"Alam niyo na siguro kung ano ang dapat ninyong gawin kaya't hahayaan at ipagpapaubaya ko na ang prinsesa sa inyo. Kada matatalo ng prinsesa sa inyo ay makukuha nya ang mga simbolo at kapag kanya na itong nakumpleto ay maaari na syang bumalik sa lupa." sabi ni Zeus at bigla na syang nawala sa kanyang kinauupuang trono.
"Ngayon ay pupunta na ako sa silid ng prinsesa upang siya'y subukin" pag paaalam na sana ni Aphrodite ngunit pinigilan ko sya.
"Sabay-sabay tayong pupunta sa prinsesa at hihintayin natin syang magising at ating ipaliliwanag sa kanya ang mga dapat nyang malaman bago umpisahan ang mga pagsubok upang makuha nya ang mga simbolong kanyang kailangan mula sa atin"pagpapaliwanag ko kay Aphrodite na sinang ayunan ng aming mga kasama.
End of Flashback
Kaya't heto kaming lahat sa silid ng prinsesa at hinihintay syang magising ng biglang nag-inat ito at nagmulat. Nung una'y inilibot nya muna ang kanyang mga mata sa paligid at ng mapagtanto nyang kami ay nasa kanyag silid ay napabalikwas sya ng tayo.
"Anong pong ginagawa nyo dito mga Gods and Goddesses pinapanood nyo ba akong matulog? Papatayin nyo na po ba ako? Pweding kumain po muna kasi sabi nila mas masarap mamatay ng busog" mahabang paliwanag nya.
Natawa kaming lahat sa kanyang inasal. Seriously prinsesa ba talaga ito? Bakit wala na atang ibang tumakbo sa utak nya kundi puro pagkain?
"Hindi ganon ang aming gagawin prinsesa ika'y susubukin lang namin. Kaya mo ba kaming labanan ng isa-isa? Upang makabalik kana sa iyong lugar at matulungan ang mga dapat mong tulungan" sabi ko sa kanya.
Nakita naming parang naguguluhan sya ngunit hindi namin maaaring sabihin sa kanya na ito ay upang mahasa ang kanyang lakas dahil pagbalik nya sa lupa ay lalaban na sya para sa Kaharian ng Atheria.
"Ngunit paano ko kayo matatalong lahat e isa pa nga lang po sa inyo ay hindi ko na kaya dahil hindi ko pa po alam gamitin ang aking kapangyarihan" sagot naman niya.
"Huwag kang mag-alala prinsesa tutulungan ka naming mapalabas ang iyong tunay na kapangyarihan" paninigurado naman ni Apollo.
"Kaya't kumain kana at ng maumpisahan na natin ang pagsasanay habang maaga at nang makabalik ka ng mas maaga sa lupa" saad naman ni Athena.
"Ngunit kung gusto mo pa akong makapiling ng matagal eh why not dumito ka muna prinsesa?" nakangising agaw pansin ni Ares sa prinsesa.Itong mokong nato kahit kailan talaga.
"Tigilan mo ang aking binibini Ares" masamang tingin ang ipinukol ni Apollo kay Ares.
"Itigil nyong parehas iyan tayo na at hintayin nalang natin si Avereigh sa Olympus at ng makapag umpisa na tayo" pigil ni Athena sa dalawang malanding Ginoo.
"See you there my dream girl" kindat naman ni Apollo kay Avereigh
Hinila ko na ito dahil hindi kami matatapos kung uunahin pa nila ang kalandian nila at nakita kong nangangasim na ang mukha ni Avereigh sa dalawang mokong na ito.At umalis na kami at nagpunta sa Olympus upang subukin ang prinsesa sa unang araw nya. Hanggang kailan kaya sya mananatili dito? Ang nanay kasi nya ay nagtagal ng isang buwan dito na may katumbas na limang buwan sa lupa dahil nahirapan sya sa pagkuha ng mga simbolo. Eh paano kaya ngayong mas hasa kami? Good Luck mahal na prinsesa....
Gomawoooo ;* <3
Please DON'T Forget to:
Vote ^_^
Comment ^_^
and Follow ^_^
Because it means a LOT to me ^_^
Kamsahamnida ^_^
Neoleul neomu manh-i salanghae jwoseo gomawo(thank you so much i love you).....
Comment po kayo sa mga gustong mag pa dedicate ^_^........
YOU ARE READING
TRUTH IN DISGUISE
FantasiIsang prinsesa ang pinagkaitan... Upang kanyang malaman... Ang buong katotohanan... Tungkol sa kanyang katauhan... Ang lahat ng mangyayari'y ating tutunghayan... Upang sa gano'y ating malaman... Ang mga bagay na dapat abangan... Ay inyong mabababali...
