[Jean's POV]
"Wooh!! Kapagod!"- ako at pabagsak na umupo sa sofa.
Kakatapos lang naming mag practice ng sayaw.
At sa totoo lang! ang galing niyang sumayaw! Parang sisiw lang sa kaniya ang steps ng BOUNCE ng Boyfriend.
Nahirapan nga ako eh! Pero keri lang hehe.
Ang lambot ng katawan niya at sobrang nag e- enjoy siya.
" Drink "- siya at inabot ang isang basong tubig.
Tiningnan ko siya na basa na dahil sa pawis.
Ininom ko ang tubig at pumunta sa kusina para hugasan ang baso at kumuha na rin ng makakain.
Pagbalik ko sa sala...
Muntik ko nang mabitawan yung pinggan mabuti na lang ang higpit ng kapit ko dito.
T-t-topless si Minwoo at...at... Y-yung 6 packs abs niya kitang-kita ko.
My virgin eyes!!
Syempre joke lang! Marami na akong nakita kaso sa magazine lang.
Pero my gosh!
Personal ito! Nakahain talaga sa harap ko ang mga pandesal!
Di ko namalayan na nakain ko na pala ang pandesal na nasa pinggan kaya nabulunan ako.
*cough-cough!*
Naramdaman kong may humagod sa likod ko.
Napaangat ako ng tingin at Face to Face ako sa abs niya!!!
Hindi ko alam ang gagawin ko promise!
God! Help me!
Save me from temptation!!!
Ano daw? Haha
" Are you okay Jean?"- siya.
Napaatras ako at tumango-tango.
"Why is your face so red?"- siya.
Nag iwas ako ng tingin.
"A-ah...a-ano kasi...a-ang hot ng ab---este! ng panahon! Mainit!"- ako.
Nagkunwari akong pinaypayan ang sarili.
Nakakunot noo namang pinagmasdan niya ako.
Nakakailang naman!
"Start na tayo ng practice"- ako.
Kahit awkward dahil nasisilaw ako sa abs niya todo concentrate pa rin ako.
Sa wakas! Na master na namin ang sayaw kaya buong gabi kaming nagpahinga.
Kinabukasan...
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at as usual nasa loob na naman siya ng bola.
Hinawakan ko ito at pumikit na hinalikan ang crystal.
BINABASA MO ANG
Love Can Break A Spell ( COMPLETE ✔)
Fanfiction"Only LOVE can destroy everything and LOVE can also piece you back together."