[Jean's POV]
Bumaba kami sa harap ng malaking bahay.
"This is our house Jean and I'm sure na nadyan sila sa loob"- Daddy.
Ang tanga ko no? Bakit di ko man lang napansin na pareho ang apelyido ni Minwoo at ni Sir.
Pumasok kami at nanindig agad ang balahibo ko dahil ang haunted ng lugar. Puro mga puno ang nakapalibot sa bahay.
"Puntahan mo si Minwoo sa kwarto niya sa second floor at pupuntahan ko naman si Victoria"- siya at iniwan ako.
Pagpasok ko sa bahay namangha ako dahil ang ganda pala sa loob.
Umakyat ako sa mataas na hagdan at maingat ang lahat ng kilos ko.
Nilapitan ko ang unang pinto na nakita ko at binuksan ito.
Napako agad ang tingin ko sa lalaking nakagapos sa upuan.
Nakayuko ito at parang pagod na pagod.
Dahan-dahan na nilapitan ko siya at inangat ang ulo niya.
"M-minwoo"- ako at umiiyak na niyakap siya.
"Jean? Anong ginagawa mo dito? How did you find me?"- siya.
"Kasama ko ang daddy mo at inexplain niya ang lahat-lahat sakin. Kailangan na nating umalis dito"- ako at sinubukang kalagin ang tali.
Naiiyak na ako kasi hindi ko maalis ang pagkabuhol ng tali.
"Tama na Jean. Just leave me here. Natatakot ako na baka abutan ka dito ni Mommy and she might hurt you. Umalis ka na dito Jean. Just forget me."- nakayukong sabi niya.
"So ganun-ganun na lang iyon?! Ang dali-dali lang para sayo na sumuko?! *sob* paano kita makakalimutan kung ikaw lang palagi ang laman ng puso't isip ko? Hinding-hindi ako susuko hanggang may oras pa. *sob* Ililigtas kita dito Minwoo kasi mahal na mahal kita at gusto kitang makasama"- ako.
Nag- angat siya ng tingin.
"I love you too"- siya.
Napatigil ako.
"I love you too Jean! That's why I don't want you to be hurt!"- siya.
Lalapit na sana ako sa kaniya ng naramdaman kong may bagay na pumalibot sa katawan ko at bumangga ng malakas ang katawan ko sa dingding.
"Jean!!!"
Kahit malabo ang paningin ko dahil sa sobrang sakit pinilit ko pa ring dumilat.
Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Minwoo at natuon ang atensyon ko sa babaeng nasa gitna namin. Si Victoria.
Nanlilisik ang mata na tumingin siya sakin.
Hindi ako makagalaw dahil sa parang lubid na kuryente na nakatali sa katawan ko.
"Sino siya?!!"- galit niyang sabi kay Minwoo.
"S-siya si Jean. Mom please don't hurt her!"- Minwoo.
PAK!
"Minwoo!!!"-sigaw ko nong sinampal siya ni Victoria.
"Don't you dear shout at me! And you!"- siya at tinuro ako at nilapitan.
"Mom! No! Don't hurt her! I love her please!"- si Minwoo at pilit nagpupumiglas.
Sobra na ang bilis ng tibok ng puso ko nong hinawakan niya ako ng mahigpit sa leeg.
"So my only son loves you? Ikaw pala ang rason kung ba't ayaw niya na dito sa bahay?! Kung ba't ayaw niya akong makasama!"- siya.
Hindi na ako makahinga ng maayos.
"You're w-wrong Victoria... P-pinili niyang...i-iwanan ako kasi...b-babalikan ka niya...s-sinugal niya ang kasiyahan niya...d-dahil nagdurusa...p-pa rin siya sa sumpa mo!"- hirap kong sabi at pilit na nilalabanan ang pagpikit ng mata ko.
"Mom!! Please!!!"- rinig kong umiiyak na pagmamakaawa ni Minwoo pero nanlalabo na yung paningin ko at nawawalan na ako ng hangin.
"Sinungaling!"- galit niyang sabi at mas hinigpitan ang hawak.
"Tama na Victoria!!!"- nabitawan niya ako sa leeg kaya parang lantang gulay na bumagsak ako sa sahig.
"Jean!!!"- si Minwoo at binuhat ang ulo ko pahiga sa hita niya.
"Open your eyes please? Don't dare leave me!"- yung luha niya pumapatak na sa pisngi ko.
"Itigil mo na ang lahat ng to Victoria! Hindi ko akalain na makakaya mong masaktan ang anak mo! Kung mahal mo talaga si Minwoo hahayaan mo siyang maging masaya! Ang sama mo na, hindi na ikaw yung dating Victoria na minahal ko. Ibang-iba ka na, napakamakasarili mo, mabuti na lang pala at iniwan ka namin dahil kahit sa konting panahon naranasan ni Minwoo na magmahal at mahalin. Bumalik ako dito upang sabihin sayong mahal kita pero di ako makapaniwala. Parang biglang nawala yung pagmamahal na nararamdaman ko"- si Daddy.
"Jean don't leave me please"- Minwoo.
"Nagkakaganito ako dahil sayo!!!"- Victoria.
"Dahil sakin! Kaya huwag mong parusahan ang anak mo kundi ako! Dahil ako ang may kasalanan!"- daddy.
"Don't give up on me please? Hindi ko mapapatawad ang saril ko! It's all my fault!"- siya.
"I - I love you Minwoo"- sinikap kong sabihin iyon.
"I love you too Jean, very much"- siya at hinalikan ako sa labi.
"Aaaaaaahhhhh!!!"
Nakarinig ako ng sigaw pero bumigay na talaga ang katawan at talukap ng mata ko.
Kung mamamatay man ako, masaya ako dahil mahal din ako ng taong mahal ko.
Nahanap ko na ang right one at destined sakin.
BINABASA MO ANG
Love Can Break A Spell ( COMPLETE ✔)
Fanfiction"Only LOVE can destroy everything and LOVE can also piece you back together."