[Jean's POV]
Pagising ko sa umaga sobrang bigat ng pakiramdam ko at yung feeling na sobrang lungkot mo?
Basta yun yung nararamdaman ko.
Nasa labas na kami ng gate ni Minwoo.
"Jean?"- siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong nagsipatakan ang mga luha niya.
"O-oy? Ba't ka umiiyak?"- ako at pinahid ang mga luha niya.
"Ayokong iwan ka pero kailangan. You're the best thing that ever happened to me. Jean, you're such a nice and beautiful girl. Save your heart for someone who cares and makes you happy all the time. I can sense that it will be my last day with you. Please take good care of yourself"- umiiyak niyang sabi, lalo na ako.
"I don't understand why destiny allowed us to meet when there's no way for us to be together? I love you for the first time but all I've got is pain and tears. But I can't deny the fact that because of you, naranasan kong maging masaya, ligtas, at espesyal. I don't want to pretend that I'm okay when the truth is I'm hurting inside. Pero dahil mahal kita at kailangan mo talagang umalis, pakakawalan kita pero pag hindi ko kayang mabuhay na wala ka, ipapangako ko na hahanapin kita. Paalam."- sabi ko at nakatakip sa mukha na tumalikod palayo sa kaniya.
"Jean"- rinig kong tawag niya.
Nakatalikod na nag 'ok' sign ako kahit na walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.
Wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga estudyante.
Umupo ako sa garden at doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"Iiyak mo muna yan Jean"
Napaangat ako ng tingin kay Sir No.
"Care to share your problem Jean? I'm willing to hear it. I can be your friend, brother, and a father"- Sir.
"May mahal po kasi ako at nararamdaman ko din na mahal niya ako pero mahirap ang sitwasyon namin. Maniwala man po kayo o hindi, nakita ko lang po siya sa damuhan, sa loob ng crystal ball. Sabi niya sinumpa daw siya pero hindi niya kinuwento ang lahat sa akin. Dahil sobra akong nacutan sa crystal ball at sa chibi figure ng lalaki, hinalikan ko ito at bigla na lang siyang nagtransform as tao. Tapos babalik siya sa dati pag nakatulog. Sa tagal ko siyang nakasama di ko po namalayan na nahuhulog na pala ako sa kaniya at mahal ko na siya pero kailangan niya pong umalis dahil di daw kami ang para sa isa't-isa. Mahal ko po siya. Gusto kong ipaglaban si Minwoo pero di ko po alam kung paano"- kwento ko kay Sir.
"Anong pangalan ng lalaki? Full name?"- Sir.
"Minwoo No po, 19 years old"- ako.
Napabuntong-hininga hininga siya ng malalim.
"Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito"- siya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Po?"- ako.
"Jean naalala mo pa ba ang kinuwento ko sa inyo tungkol sa Witch na si Victoria"- siya.
"Opo bakit?"- ako.
"True story yun"- siya.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Si Victoria... Asawa ko iyon at si Minwoo naman ang nag-iisang anak namin."- siya.
Oh My!!!
"Ba't iniwan niyo po si Victoria? Si Minwoo ba't nakita ko sa damuhan?"- gulong-gulo talaga ako.
"Iniwan ko si Victoria dahil natakot ako, natakot ako na baka may gawin siyang masama sakin lalo na kay Minwoo kaya naisipan kong iwanan siya at para na rin mapalaya si Minwoo sa pagiging mahigpit niya. The day that you found the crypt ball was the day that I transferred here as a teacher and I didn't notice na nahulog siya sa bag ko nong nagbabantay ako ng masasakyan."- Sir.
"Ba't po sinumpa ni Victoria si Minwoo?"- ako.
"Mahal niya si Minwoo at ayaw niyang iwan siya nito kaya gumawa siya ng paraan na sa huli ay no choice ang anak ko kundi ang bumalik sa kaniya"- Sir.
Malinaw na ang lahat sa akin.
"Eh nasan na po ngayon si Minwoo?"- ako.
Tumayo siya.
"Sa tingin ko nasa poder na siya ngayon ni Victoria at kailangan kong gumawa ng paraan para makalaya si Minwoo sa sumpa at maging malaya na siyang mahalin ka"- siya.
"T-thank you Sir"- ako.
"It's Daddy not Sir. Nong una ko kayong makita sa MAPEH performance nakita ko agad na bagay kayong dalawa at ikaw na ang babaeng magpapasaya sa kaniya"- siya.
Napangiti naman ako.
"Pano po pala kayo napunta sa bahay ni Victoria?"- ako nong nakasakay na kami sa taxi.
Nakita kong napangiti siya.
"It was all planned. At dahil nakisabay ang bagyo mas napalapit ako sa kaniya. Una ko pa lang siyang makita I fell in love with her"- siya.
"Mahal mo pa rin ba siya D-daddy?"- ako.
"Oo mahal na mahal at pinagsisihan ko ang lahat ng mga naging desisyon ko"- siya.
Hayyss...
Nangingibabaw pa rin pala talaga ang pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Love Can Break A Spell ( COMPLETE ✔)
Fanfiction"Only LOVE can destroy everything and LOVE can also piece you back together."