[Jean's POV]
*PAK!*
"Walang hiya kang lalaki ka! Niligaw ligawan mo pa ako kung malalaman ko rin palang may girlfriend ka! Bwiset ka!" gigil kong sabi pagkatapos kong sampalin ang walang kwentang lalaking nasa harapan ko.
Nakahawak sa pisngi niyang namumula na tumingin ng masama sakin.
"Tandaan mo Jean hindi lahat makukuha mo. At kasalanan ko bang nagpauto ka sakin? o baka pumayag kang magpaligaw dahil poging-pogi ka sakin? wala ka rin palang pinagkaiba"- siya. Abat!
" Hoy! for your information! hindi ako katulad ng mga babaeng hipon na humahabol sayo! at eww! ikaw gwapo? saang banda? sa paa? gago siguro pwede pa! at hindi ka kawalan! Hambog!"- galit kong sabi at taas noong umalis ako.
"Sshh!!! kaya mo yan Jean! hindi naman siya ang lalaking nag-iisa sa mundo!"- kumbinse ko sa sarili ko pero may luha pa ring kumawala sa mata ko.
Ultimate crush ko kasi ang gagong Brent na iyon! lahat ng paraan ginawa ko para mapansin niya ako kaya sobrang saya ko nong sa wakas napansin niya ako at parang nasa cloud 9 ako nong nanligaw siya. Kahit alam kong playboy siya nag risk pa rin ako kasi umaasa ako na baka nagbago na siya. Pero akala ko lang pala!
Love really sucks talaga!
Kailan ba ako makakahanap ng lalaking matino?
Buti na lang hindi ko siya sinagot kaya wala pa akong ex! NBSB! yan ako! Dakilang NBSB.
Nag-iisa na lang ako sa buhay dahil wala na akong parents. Tapos umalis ako sa poder ng tita ko dahil pinagtutulungan nila ako at parang binubugaw at pinagkakakitaan dahil pinapasali nila ako sa mga beauty contest at yung pinapanalonan ko sa kanila napupunta at binibigyan lang nila ako ng 100 pesos.
So lumayas ako at namuhay ng mag-isa at gamit ang naiwang mana sa magulang ko. May part time job ako sa isang cafe. Grade 12 na ako sa pasukang ito.
"Gabi na pala"- ako nong napatingin ako sa cp ko 6 pm na, naglalakad lang ako papuntang café. 8 pa naman ang duty ko.
Napatakip ako sa mata nong biglang lumiwanag. Nilapitan ko ang kumikinang na bagay sa damuhan.
"Ano ito?"- ako na hawak ang isang bolang crystal. Habang naglalakad pinagmamasdan ko ito.
" Wow! ang unique naman nito! may chibi figure ng isang lalaki sa loob"- manghangh sabi ko at nilagay na lang ito sa bag ko at pumasok sa shop.
"Good eve Jean"- si Ella na siyang may ari ng 'Dubri Ella Café Shop'
" Good eve po"- ako at nagpalit ng uniform ko at nagsimula ng magtrabaho. Hindi naman mahirap ang trabaho ko pwera na lang kung may mga event.
11 pm yung out ko kaya gabi na ako nakauwi sa bahay.
Pagod na pabagsak akong humiga sa kama.
"Goodnight Jean"- sabi ko sa sarili ko at nilamon na ako ng antok.
Kinabukasan...
Sabado ngayon at walang pasok kaya hindi limitado ang tulog ko. 8 am ako nagising at sinimulan ko na ang general cleaning sa bahay.
Tinipon ko ang mga lalabhan ko at pumasok ako sa kwarto para isama na rin ang bag ko.
" Oy! nakalimutan pala kita"- ako at hinawakan ang bolang kristal.
"Sino kayang may ari sayo? Ngayon lang ako nakakita ng bagay na ito"- parang baliw na kausap ko sa bola.
" In fairness ang gwapo mo ha?"- patungkol sa chibi figure na nasa loob.
Pinagmasdan ko ang itsura.
Maputi, matangos ang ilong, nakahawi pa-side yung bangs niya. Naka-black na T-shirt at design na mga shark-shark. Naka black pants at red tennis.
tsup!
"Iingatan muna kita habang walang may naghahanap sayo"- ako pagkatapos na halikan ang kristal.
Nilapag ko muna siya sa unan at dala ang bag na pumunta sa kusina.
Nagsimula akong maglaba at ang resulta pagkatapos kong magbanlaw? Nangalay yung likod ko.
Sinampay ko ang mga damit sa labas at kumain na.
" Ate Jean! Ate Jean!"
Napatayo ako nong tinawag ako ni Botchoy, anak ng kapitbahay ko.
"Bakit Botchoy?"- ako.
" Ate ganda pinapabigay ni Mama"- siya at binigay ang isang boteng gatas.
"Salamat Botchoy!"- ako at hinalikan siya sa pisngi at mabilis siyang kumaripas ng takbo.
4 years old na siya. Napatawa na lang akong sinara ang pinto at paglingon ko may nabangga ako.
" Arouch!"- ako habang hinihimas ang ilong ko.
Naramdaman kong may malambot na kamay na pumigil sa kamay ko!
"Waaahhhhhhhh!!!!!!!"
BINABASA MO ANG
Love Can Break A Spell ( COMPLETE ✔)
Fanfiction"Only LOVE can destroy everything and LOVE can also piece you back together."