The Deal

606 22 2
                                    

Matapos ang mala heart to heart talk namin ni Jairus ay nagpaalam muna ako para pumuntang rest room. Kailangan kong mag retouch. Not that I think my face needs it but I myself needed to rethink. When Jairus asked me that deadly question feeling ko mas pipiliin ko nalang manahimik kesa sagutin yun. He will not like my answer.

"Sharleeeeene!" Tili ni Sunny pagkapasok niya sa rest room. Nahulog tuloy ang lip tint ko dahil sa gulat.

"Sunny naman e." Sabi ko sabay pulot ng lip tint sa sahig.

"Ganyan ka ba ka excited sa huling episode ko?" I pouted.

"Of course not. Mamimiss kaya kita." She hugged me and made heart signs after.

"So ano nga, anong rason ng excitement mo?" Sabi ko habang inaayus ang gamit ko.

"Nash is here!!!" At mas lalo pang lumakas ang kanyang tili.

Parang tumigil saglit ang pagtibok ng puso ko ng marinig ang pangalan niya.

"Omo. I shouldn't have said that loud." Tinakpan niya ang kanyang bibig.

"Ano namang ginagawa niya rito?" I tried to sound casual.

Why are you doing this to me Nash? You're the only guy that makes my heart beat faster and slower at the same time. It hurts but it matters.

"He's a guest. And since NASHLENE is back, you're gonna do The Best Friend Challenge!" She throw her arms side ways as she said those words.

I could not help but let out a smile.

"Uyyyy. Kinikilig siya." Panunukso ni Sunny.

I just shrugged and pretended that I didn't care when truth is, my heart is racing every second. Damn!

"But Shar, Jairus is gonna host for you two." She suddenly said.

Napaawang ang bibig ko sa narinig. It cannot be.

"No way." I rebelled out of the room. Kakausapin ko si Direk Wesley.

Walang nagawa si Sunny kundi ang sumunod sa akin.

"Oh, Sharlene you're here. Perfect! Let's run through the script." Bungad ni Direk ng marating namin ang studio.

I surveyed the room only to see Jairus talking to Nash. Nakaupo sila sa sofa na nasa gitna ng studio. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Tila nawala ang nais kong sabihin.

Napunta ang atensyon ko sa script na kakabigay lang ni Direk sa akin. Binasa ko ito.

Sharlene: Good morning MYXers! VJ Sharlene here. Pansin niyo ba ang mga mata ko? Ang lungkot nila no? E kasi naman, this is going to be my last episode on MYX. I'm sure alam niyo na kung bakit. Ma mimiss ko kayo. But anyway, hindi naman ako totally mawawala. Makikita niyo pa naman ako e. Abang abang lang.

At ito na nga, bilang pasasalamat sa lahat ng suporta na ibinigay niyo sa akin dito sa MYX ay may inihanda akong surpresa sa inyong lahat. Today's gonna be my last so dapat espesyal ang episode na ito. Ito na talaga! Nash Aguas everybody!

Nash: Hello MYXers! Sorry at aagawin ko muna si VJ Shar ha.

Sharlene: Ayan siya po! Kung galit kayo dahil aalis na ako, siya pagbuntungan niyo.

Nash: So ano Shar, gawin na natin ang special last episode mo.

Sharlene: Episode natin to no.

NashLene: Gagawin po namin ang Best Friend Challenge!

Sunny on voice: Ganito lang ang mechanics ng challenge na ito. Magtatanong kami ng mga questions na may kaugnayan sa mga personal information about you two. After that, we'll count to two at dapat sabay niyong sabihin ang sagot. This is to test how much you know each other. This should be easy, right?

————-

The script ended that way. Ibig sabihin bahala na kami ni Nash sa susunod. I felt relieved ng malaman kong nagbago pala ang isip ni Direk tungkol sa pag ho-host ni Jairus. Ibang challenge daw sana kasi ang gagawin namin ni Nash. Naisip niya nalang ang best friend challenge this instant. Pero parang mas mapapasubo ako nito. Do I still know him well?

Nahagip ng mata ko ang mukha ni Nash. Nagbabasa siya ng script. Pansin ko na wala na si Jairus sa tabi niya.

"Sharlene!" Bigla nalang may yumakap sa akin from the back. Napalingon agad ako kung sino iyun at muntikan ko na siyang mahalikan sa labi kung hindi lang mabilis ang pagkakailag ko.

The great Jairus is playing tricks on me.

"Parang kanina lang ay ang lungkot mo ah. What happened?" Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Nanatili kami sa ganoong posisyon.

"I have a deal to propose." Iniharap niya ang katawan ko sa kanya. Pero hawak niya parin ako sa likod.

"Ano yun? Parang nakakatakot naman yan." I said slightly turning shy dahil pinagtitinginan kami ng mga staff at ibang veejays.

"Sulitin mo na yan Jairus dahil bukas hindi na ikaw ang love team niya!" Rinig kong sabi ni Kuya Robi mula sa kabilang part ng studio.

At nagtawanan naman silang lahat. Hinanap ng mga mata ko si Nash at ng hindi ko inaasahan, nagtama ang aming mga mata. Is he watching us? I erased the thought and faced Jairus.

"Pagseselosin natin siya. My way. Kung may nararamdaman man siya sa iyo, sasabihin niya yun, I know him. And if he does not, promise that you'll accept me. Open your heart to me if he does not show any signs." He looked at me with his pair of serious eyes.

This guy is seriously something. Saglit akong natahimik at nag-isip. Will I say yes? What if Nash won't do anything? Pero kung wala nga talagang patutunguhan tong nararamdaman ko para sa kanya, mas okay na siguro ang pumayag ako sa gusto ni Jairus. Who knows baka dahil magiging extra sweet na sa akin si Jairus ay baka matutunan ko na talaga siyang mahalin.

"Bitawan mo muna ako, okay? Nahihiya na ako e." Mahina kong sabi.

"Then you'll say yes?" Nilakasan niya pa talaga ang boses niya.

"Jairus, shut it down. Fine fine payag na ako." Sabi ko habang kumakalas sa yakap niya.

"Yes! She said yes!" Jairus is now jumping all around me. Nasapo ko nalang ang ulo ko sa kahihiyan. They might think of it differently.

At hindi nga ako nagkamali dahil panay ang sigawan ng mga kaibigan naming veejays. Pinangungunahan sila ni Kuya Robi na syang sobra kung makapanukso. Namumula ako sa kahihiyan.

"Salamat chapatot! Sige shoot ni kayo." Masayang tugon ni Jairus habang pinipisil ang magkabila kong pisngi. Umalis din siya kaagad at sumama kina Kuya Robi at Donny.

Naiwan naman akong nakatayo doon. I couldn't help but smile with how persistent Jairus can be.

Back To You (A NASHLENE fanfic)Where stories live. Discover now