Aking Prinsesa

582 12 4
                                    

Na estatwa ako sa aking kinatatayuan ngayon. Jairus was in front of me singing his heart out. Alam kong nag-iingay ang lahat pero tila di ko sila marinig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang boses ni Jairus at ang malakas na pintig ng puso ko.

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit wala 'kong palasyo na abot hanggang langit. At sa bawat araw na tayo'y magkasama dala ko ay ligaya, o aking prinsesa.

Habang kumakanta pa siya ay lumalapit siya sa akin. May dala siyang isang bouquet ng rosas na paborito ko.

Malayo man ay akin paring pupuntahan. Kahit ang pera ko ay kinse pesos lang. Lahat ay gagawin upang makasama ka lang.

Nang makalapit na siya ay iniabot niya sa akin ang mga bulaklak. Nakakarinig na ako ng hiyawan ngayon at ang iba pa'y sumasabay sa pagkanta niya. Si Jairus naman ay nakatoon lang ang mga mata sa akin habang patuloy pa rin sa pagkanta.

Hindi ka iiwan, laging sasamahan. Di pababayaan, di ka sasaktan.

May mga diin sa mga linyang iyon na alam kong ano ang pahiwatig niya.

Hindi ka iiwan, laging sasamahan. Di ko itatago ang nararamdaman.

Bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit at hinayaang ang music nalang ang magpatuloy.

"Sharlene, mahal na mahal kita." He said in between breaths.

I took a deep breath, closed my eyes, and hugged him back. Pagbukas ng mata ko ay nakita ko si Nash na nakaupo kasama sina Mamang. And he was looking at me. All the other people looked excited and delighted pero si Nash, ewan, hindi ko maipinta ang mukha niya. Jairus drew back from the hug and suddenly kissed my forehead. Kumirot ang puso ko dahil sa gitna ng lahat ng ginagawa ni Jairus para sa akin ay naiisip ko parin si Nash.

"You look sad." Sabi ni Jairus.

"Masama ba ang timing ko?" Dagdag pa niya. He looked worried.

"No, hindi naman Jai. Nabigla lang ako." I smiled.

"But umm, let's probably get somewhere safe. Pinagtitinginan tayo ng lahat oh." Mahina kong sabi as I looked around seeing faces full of teases.

"Jairus, anak, doon muna kayo ni Sharlene sa cottage." Sabi ni Mamang habang tinturo ang cottage sa di kalayuan.

"Ikaw ha, ang haba ng hair mo. Naku thanks to Jairus at mabubura na natin ang pangalan mo sa issue ng NLex breakup." Mamang giggled and left us alone.

"Ginawa mo ba to dahil sa issue?" Saad ko ng makarating na kami sa cottage.

"No, I didn't. Na miss lang kita. And, I'm putting up more effort kasi pakiramdam ko mas nakakalamang pa rin siya lalo na't wala na sila ni Alexa."

Lumungkot bigla ang ekspresyon ni Jairus. Saka ko naalala ang mga sinabi ni Nash kanina. I loved you and I still do. I shooked my head and assumed na he did not mean it. Kasi diba, bakit niya sasabihin yun? Kakabreak lang nila ng girlfriend niya? Hindi niya ako mahal. Ginugulo lang niya ang isip ko.

"Hey..." Jairus held my hand.

Ano bang gagawin ko? Sobrang naa-appreciate ko si Jairus, sobra. Gusto ko siyang bigyan ng chance. But I can't when Nash is giving me puzzles that I don't know how to solve. I have to clear things with Nash. And I have to set my self free from him. I've made up my mind now. I'm letting go.

"Jai, thank you talaga ha. I don't know how you keep up with me." Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"It's because I love you, Shar." He looked at me sincerely.

"Pwede bang bigyan mo pa ako ng time para sagutin ka? I just need to clear things up kasi ayokong maging unfair sayo at pati na rin sa nararamdaman ko."

Napagtatanto ko na ngayon na ayaw kong mawala si Jairus sa buhay ko. And if keeping my feelings for Nash would mean losing Jairus, I'd rather throw the feelings away. I can't lose Jairus the way I lost Nash. Alam ko naman na hindi ko na maibabalik si Nash sa buhay ko na gaya ng dati and I don't want to go through another of that misery again. Minsan kailangan mo ring tumaya para manatili sayo yung mga taong pinapahalagahan mo at pinapahalagahan ka rin.

"Shar, I don't want you to feel like I'm pressuring you. Take your time, okay? Nandito lang ako. Sabi ko diba, di kita iiwan." He flashed a smile that made my heart flutter.

"Prinsesa kaya kita." He chuckled and then hugged me.

Hinayaan ko na rin ang sarili kong damhin ang presensya niya. How come this guy always know what I need? I needed to be saved and he saved me. I needed comfort and now he's giving it to me. Alam kong hindi ako masasaktan sa piling ni Jairus, kasi sa kaharian niya ako ang prinsesa. Hindi tulad sa kay Nash. I'm probably just an extra there.

The social media went wild that night. My name got really cleared off from the breakup issue of Nash and Alexa. Ngayon, they're talking na about me and Jairus.

"Bibigyan mo na ba ng chance, anak?" Tanong ni mama sa cellphone habang nagtatawagan kami.

"Hmmm baka..." I replied.

"Nasa iyo pa rin ang desisyon anak. Basta siguradohin mo lang na walang masasaktan ha." Payo niya.

"Opo, mama."

Matapos ng tawagan namin ni mama ay masaya akong lumabas ng kwarto. Unang araw ngayon ng taping namin. Nakita ko si Jairus na kausap si Niko at Caroline sa living room ng rest house. Lalapit na sana ako ngunit may humila sa akin.

"Oh, bakit?" Bungad ko kay Nash. Dinala niya kasi ako sa pintuan ng kwarto niya.

Ano na namang kailangan niya?

"About last night.." he started.

"Last night was nice." Binara ko siya.

"At least nagkaaminan na tayo ng ating nararamdaman about sa nangyari sa atin noon. Yun lang naman ang tanging bumabagabag sa atin ngayon, hindi ba? It's all good Nash. At least klaro na sa atin ang lahat." Nginitian ko siya ng walang halong pagtataka.

"Well, what I said... it was.." -Nash

"It was all in the past." I smiled once again at him at natigil na siya sa kung ano pa man ang gusto niyang sabihin.

"I guess you're right. It was all in the past." Mahina niyang tugon.

This was it, right? The clearance I needed.

"Bababa ka na ba?" -tanong ko.

"Mauna ka na. May kukunin lang ako." Sagot niya.

"Okay." I smirked and finally went over to my friends.

"Hey, there's my princess." Jairus welcomed me with a nice warm hug.

Back To You (A NASHLENE fanfic)Where stories live. Discover now