CONFRONTATION

215 16 3
                                    

        
            "Tama na Arnold, huwag ka ng magpaliwanag at lumusot. Huli ka na eh.."
    
             Kinakalma siya ng ilang ka-close, tuloy tuloy ang pagtagis niya kasabay ng mga paimpit na pagmumura para kina Arnold at  Kirby. Nagwala siya kanina. Nahablot niya agad paglabas ng cubicle ang lumandi sa buddy niya.
  
              Pero di nila inaasahan ang gagawin ni Kirby. Taas-noo at para pang proud sa ginawa. Nakatingin sila dito. Maging siya na umiiyak ay natigilan.
 
             "Ako na ang magpapaliwanag Arnold." wika nito. Habang sa kanya nakapako ang tingin nito. Na para bang siya pa ang ginagawang may sala. Magulo ang buhok nito at may black eye.
       
            "Oo, ikaw ang partner niya, ikaw ang madalas kasama, ikaw ang legal, pero ako ang mahal niya, I'm the joy and happiness of his life, na hindi mo kayang ibigay."
    
         Tigagal sila, pero may isang nag react at minura ito na may kasamang sumbat.. dahil naturingang bestfriend pero nagawang mang-ahas. pero balewala lang rito. parang walang narinig. Ngumiti pa nga ng sarkastiko.
   
         "Bestfriend kita, kapatid na turing ko sa'yo pero bakit?" hinanakit nyang tanong.
    
        "Bestfriend? ...'yon nga eh, bestfriend tayo pero ikaliligaya ko ba yun? Bestfriend tayo pero mas mahalaga sa akin na ipaglaban ko naman ang pagmamahal na dapat sa akin!" matigas ang tinig ni Kirby, ni hindi man lang kababakasan ng kaunting hiya. Gusto na niyang tadyakan.
   
          "N-napakasama mo!" Nanginginig na ang mga laman niya. Hindi na tao ang tingin niya sa ahas na kaibigan.   Pinahid nya ang mga luha at tumindig.
  
           "Nagmamahal lang ako, malas mo lang, suwerte ko naman. " nang aasar na wika ni Kirby, lumapit pa ito sa kanya. "next time, huwag kang tanga para di ka naaagawan. "
   
         Gulat siya sa mga salita nito. Naikuyom niya ang kamao. Tinangka ni Arnold na umawat kay Kirby para huwag nang mang asar pa, pero tinabig niya ito. 
 
        "Hayaan mo lang siya magsalita, wag ka nang pumapel hudas kong partner... Dyan ka lang sa likod ng ahas na yan, bagay na bagay kayo."
   
       Natawa si Kirby. "Kung ako ahas, eh ikaw ano? Plastik? Bait-baitan. may gusto ka pa bang sabihin? aalis na kami... this place is crowded, for us! K byeee-----"
    
         "Wala na!"  Asik niya. Sabay lipad ng kanyang kamao kaya naman, saktong tumama ang suntok niya sa nguso ni Kirby.
-------------------------------------------------------------------------------------
  
          "Makakaalis na kayong dalawa, hindi namin kailangan dito sa event ang mga katulad nyo... Lalo ka na Kirby friend. Masyado mong na-enjoy ang gabing to. Bakla ka ng taon!"
   
          Inalalayan ni Arnold makatayo si Kirby. Medyo hilo pa ito. Dahil sa lakas ng suntok nya. Basag ang nguso nito. Dumudugo. Nakita rin niya ang dalawang tooth sa floor. Maging siya di niya inaasahan na makaka suntok siya ng ganoon kalakas. Namanhid ang kamao niya.
  
         "S-sorry... " nakayukong wika ng taksil nyang partner. Di ito makatingin. Marahil ay tinablan na ng hiya. akay nito si Kirby. Nilagpasan siya ng mga ito. Binigyan daan ito ng mga ka grupo nya..
   
        "Wait..." pigil niya sa mga ito ng malapit na sa exit ng bar. Tumigil ang dalawa.
   
      "B-bakit? " tanong ni Arnold. Nakatingin lang si Kirby. Ilang araw din ito mahihirapang magsalita. Tiyak niya.
    
       Dinukot niya ang isang maliit na supot sa pouch bag at inihagis... Bumagsak sa paanan ng dalawa.
   
      "A-ano yan?! " nagtatakang tanong ni Arnold. Alam nitong gamot ngunit bakit siya binibigyan.
 
        "Azithromax. May sakit yang ipinalit mo sa akin. Enjoy na enjoy ka pa naman kanina makipag make love nang hindi gumamit ng condom. " aniya. Bitter sweet ang ngiti niya sa labi...

         Nilapitan siya ng mga ka-grupo para yakapin.

LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon