HAPPINESS IS A CHOICE!

191 7 0
                                    


            "Hindi na po ako uulit! Hindi na poooo! Huhuu!"

             "Ang saakit!!! Ang kamaay koo!"

             "Araaaaaay! Araaaaaay!"

              Puno ng iyakan at sigaw mula sa mga pasyente  ang buong malaking kuwarto, pati ang mga katabi nitong quarters sa Hospital kung saan siya naka-duty.
            
            "Ano daw case noong isang 'yon?" Tanong niya sa kasamahan. Ang tinutukoy niya ay ang nakatalikod na lalakeng malapit sa kanila. Naka-wheelchair. Katatapos lang niyang linisan ng sugat ang isang binatilyong nasabugan ng kwitis.
        
          New Year's Eve na, kaya naman loaded na sila at nagsisimula ng magdatingan ang mga patients na nabiktima ng paputok at ligaw na bala.
      
          "Nadaplisan daw ng Piccolo sa kamay. Nagpakitang gilas sa pamangkin, hayun. Paltos, kaya magpapa-inject ng Anti-tetanus serum."
        
         "Eh bakit kausap si Director Alfonso?"
       
         "Malay, maya tingnan natin kung makakasagap ako ng chismis."
       
           Nakita nila na ina-asistehan ng ilang nurse ang lalake para ipasok sa isang kuwarto. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pag-aasikaso sa iba pang mga pasyente na nangangailangan ng atensyong medikal.

            Nilapitan siya ni Director Alfonso.
---------------------------------------------------------------------------
       

            "I-ikaw?" Bulalas niya. Di siya makapaniwala ng makita kong sino ang tuturukan niya ng Anti-tetanus shot. Ipinadala siya ng Director dahil sa mismong pakiusap ng pasyente.
       
          "Yeah, ako nga, may iba pa ba?" Ani Chad. Nasa kama ito at  nakahiga. Kampante at wala namang iniinda. Nasa mukha nito ang matinding pananabik ng makita siya.
     
         "Okay, be ready, andito na 'yong gamot mo. Mukhang ok ka naman at paltos ng piccolo lang nakuha mo. Nagpa-admit ka pa. Stage Play ba?... may kulang pa sa'yo, dextrose!" May halong sarkasmo sa boses ni Gelo.
     
         "Ikaw kaya, ang paltusin ko ng piccolo, kundi ka rin magpa admit, baka magkatabi pa tayo dito sa kama."
      
        "Bumangon ka na d'yan. Para maturukan ka na dyan sa butt mo."
      
         Namilog ang mga mata ni Chad. Napanganga.
       
       "Oo, sa butt mo, ituturok ko 'tong serum. Bilis!"
      
        "Bakit sa puwet? Luh! Nahihiya ako."
     
       "Nahihiya ka pa eh, nakita ko na yan." Kinuha niya ang anti-tetanus toxoid sa inilapag niyang tray. Pinitik-pitik. Inihanda niya ang syringe.
         
       "Oo nga ano? Ang harsh mo sa akin, parang di mo 'ko namiss tulad ng pagka-miss ko sa'yo, binabaan mo pa 'ko ng phone kanina. " nagtatampo nitong wika. 

         Tumalikod ito at inililis ang suot na hospital gown. Nalantad ang maumbok nitong pang-upo. Ipinahid niya sa isang bahagi ng pige ang basang cotton buds.

         "ahaaaaahh!!!" Daing nito ng itusok niya ang karayom sa pang-upo nito. Muntik na siyang mapahalakhak.

         "Okay na, wag ka muna uupo." Paalala niya.

       "Pwede na natin, pag-usapan ang tungkol sa 'ting dalawa Gelo."

       Nagkibit-balikat siya. Hindi siya handa sa muli nilang pagkikita ni Chad. Ayaw niyang paapekto presence at sa mga banat nito
       
       Pero ramdam na niya ang kaba. Ang mabilis na tibok ng kanyang puso at ang pananabik para sa binata.
    
      Pinihit niya ang doorknob.
         
     "Hold it, Kapag lumabas ka sa kwartong 'to. Kalilimutan na kita. Hindi na kita hahabulin pa. kahit lagi ko pa maalala ang namagitan sa atin noong Christmas Eve."
          
    Natigilan siya.
         
   Nagpatuloy si Chad.
        
    "Pero, kapag nanatili ka dito, for a while na kasama ako, i'll continue to pursue you... possess every inch of you, and make my Buddy Forever... because, for me, pinaka magandang regalo na natanggap ko noong Christmas ang makilala ka at makasama. for all my life."
     
         Pinahid niya ang luha na nagsimulang pumatak sa kanyang pisngi. Hinarap niya ulit ang binata.
        
       "It's just a sex... a hot encounter, na madaling kalimutan."

       "We made love, alam nating pareho yan. Both of us can't deny the strange feelings we felt, that eve." Giit nito.

         "Patawa ka!"

        "Mukha ba 'kong comedianne para magpatawa? Hindi ako kalbo... every world i say, i mean it." Passion flare in his eyes.

        "Takot na 'ko, feeling ko... naibigay ko na ang lahat dati sa last relationship ko. Paano kung magkulang ako sa'yo?"
       
        "Me too, pero mas gusto ko ang mahalin ka kaysa magpadala sa takot."
         
        Tumango siya. Hindi dahil sa wala siyang choice. Nasa harapan na niya ang taong  magbibigay sa kanya ng Joy and Happiness. Tatanggi pa ba siya?
       
       Niyakap niya si Chad. Mahigpit. Ikinulong muli siya ng binata sa mga bisig nito. Sa totoo lang, na-missed niya ang init ng yakap na ipinaramdam nito.sa kanya.
     
     "Uhmmm, masakit pa ang injection sa butt ko. Baka may alam ka na remedy?" Bulong nito sa kanya.
     
       "Tapalan mo ng hot compress, pag-uwi mo mamaya." sagot niya kay Chad. Kumalas siya rito.
        
       "Baka, naman puwede na----" ibinitin nito ang sasabihin.
        
        Pilyo ang mga ngiti at titig ni Chad sa kanya.
        
        "T-teka nga, di ba may buddy ka! Si Colbie?!"
       
         "Single ako, pinsan ko 'yon. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat mamaya after natin. Namiss kita ng soobra! I Love You Gelo. " ani Chad, matapos ay binigyan siya ng halik sa labi.

          Happiness is a choice! Sabi ng isip niya.

          

LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon