PAG-ASA... PAASA!

160 10 0
                                    


           
         
         

            -On the first day of Christmas, my true love send to me...
          
            Kanta mula sa Cd player nila ang pumukaw ng kanyang pandinig. Pagbukas pa lang niya ng pinto. In-off niya ang music player.
          
           Madaling araw na siya nakauwi. Hindi na nga niya matandaan kung paano siya nakalabas ng lodge matapos niyang iwan si Chad. Himbing pa rin. Ni hindi namalayan ang pag-alis niya.

       Parang wala siya sa sariling huwisyo.
   
      Nadatnan niya ang kanyang Mama na mahimbing ang tulog sa sofa, marahil ay nakaidlip na sa paghihintay sa kanya. Nangako siya rito na sabay sila mag Medya Noche. Isang beses lang naman kasi mangyari sa isang taon. Kahit na ba nasa abroad ang kanyang Father, at silang dalawa lang na mag-ina ang magkasama lagi. dapat ramdam pa rin nila ang spirit ng Christmas.
       
        Tiningnan niya ang mga pagkain sa mesa. Ang iba ay tinakpan na. Marami ang nakahain. Carbonara, home made sweet ham, sugpo, fried tilapia at mga masarsang ulam. Hands on lagi ang kanyang ina sa pagluluto at paghahanda dahil di lang naman silang dalawa ang kakain. Mamayang umaga ay magsisimula ng magdatingan ang mga kamag-anak nila at ilan niyang mga inaanak.
          
         Lumapit siya sa nakahigang ina at hinalikan sa noo. "Merry Christmas 'Ma. Love you so much" bulong niya. Hindi na niya ginambala pa ang pamamahinga nito. Alam niya ang pagod at hirap.
         
       Nagsimula na siyang kumain. Pero konti lang ang kinuha niya. Ilang putahe. wala siyang gaanong gana. Gaya ng pakiramdam niya. Walang saya. Empty...
         
         Okay na sana kanina, yung lungkot. Napalitan ng saya, pero binawi rin agad. Life is unfair. Ang pag-asa na kinapitan niya, naging paasa! Kung may Isang linggong Pag-ibig, ang kanya naman ay Tatlong Oras ng Ligaya!

      Buwisit!

     Mamatay na ang mga Paasa!
       
    Ang magagawa na lang niya ay mag-move on! Period!
----------------------------------------------------------------------------------------------

       
     
          "It's over 'Ma, we broke up." ng usisain siya nito kung bakit hindi niya kasama si Arnold. Kasalukuyan na niyang hinuhugasan ang mga pinggan. Nakaraos na sila sa mga naging bisita. oras na ng paglilinis at pag aayos.
         
         "It's okay son, it's okay." Agad siyang nilapitan nito upang yakapin. Hinaplos nito ang likod niya. Paulit-ulit ang ganitong senaryo pero kahit kailan ay hindi siya sinawaan. Masuwerte siya sa unconditional love ng kanyang ina. Bukod pa sa pagiging supportive nito sa kanya.
      
       Pero ang akala ng ina na masyado siyang basag sa nangyari sa kanila ni Arnold. Kung alam lang nito at kung masasabi niya lang na mas dinaramdam niya ang nangyari sa kanila ni Chad. Isang gabi, saglit ng mainit na pagtatagpo. Pero ang bigat agad sa kanyang dibdib dahil sa nalaman niya, matapos ang kanilang mainit na encounter ni Chad.

        Parang paulit-ulit pa sa pandinig niya ang boses galing sa kabilang linya ng sagutin niya ang celfone ni Chad.

        "Hello, sino ka? bakit hawak mo ang celfone ni Chad? Nasaan siya?" boses ng lalake mula sa kabilang linya. Halatang nagulat ito at nagtataka.
  
        "Ah, kaibigan niya ako, i'm Gelo, pasensya na, tulog siya at nakainom kasi kami pareho."  Hinging paumanhin niya.

        "Okay, pakisabi na lang, please, that he needs to go home, i'm waiting for him...naiinip na 'ko."

        "S-sure, anong name mo pala?"  Nakita niya ang pagkilos ng bisig ni Chad. Hinahanap siya.

        "I'm Colbie, Boyfriend ako ni Chad..."

         Para siyang naputukan ng Goodbye Philippines sa narinig. Muntik na niyang mabitawan ang celfone!
        

            Pero may dapat nga ba siya ipag senti? Malinaw sa kanya na sex lang ang lahat. Just a pleasure. Hindi siya dapat naniwala sa mga nasabi ni Chad dahil pareho lang silang nakainom.

        Sabi nga, Pag nagmahal ka, dapat handa ka rin masaktan, ang landi mo kasi!
          
      Ah ewan, last na talaga! Move on na siya. mula sa araw na 'to... Single is Life na ang kanyang motto! Puno ng conviction niyang pangako sa sarili.
           
   

LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon