OUTCRY

183 14 0
                                    

             
      
            The Party must go on... ganoon ang nangyari, saglit lang naman namayani ang katahimikan para sa kanila. May mga nakisimpatya at dumamay sa kalungkutan niya. sinabihan niya na wag siyang alalahanin.
      
          Gusto niyang umuwi ng oras na iyon. Siguro naman ay mauunawaan ng mga kaibigan niya kung di na niya tatapusin ang party. Wala rin naman siya makitang reason para magsaya. What he wants to do now is to be alone. Lunurin muna ang sarili sa pagmumuni-muni at kalungkutan.
      
         Baka sakali, ma-realize niya na baka may pagkukulang din siya kung kaya nagawa siya ipagpalit ni Arnold at sayangin ang ilang taon na pagmamahalan nila...
      
       Nagpunta siya sa counter. Umorder ng wine, agad niyang ininom pagka abot pa lang ng bartender.
       
     Ang isa ay nasundan pa ng pangalawa.
      
      Bigla siyang nahilo. Parang umikot ang paningin niya. Napahagikhik siya. Para na siyang timang.  Bakit siya humahahikhik? Eh dapat nga ay mag-iiyak siya.
        
        Niloko siya!
       
       Iniwan!
        
      Pinaikot-ikot na parang round up ride sa Star City!
       
       "Fhuck youuh kaah Arnooold!" Sigaw niya. Wapakels siya kung napalingon ang lahat sa kanya.
         
        Tanda pa niya nang maging silang dalawa ni Arnold. Everybody in their group, congratulate them. Envied. Masuwerte daw siya kay Arnold dahil good catch. Seeing him as Eye Candy.
     
       As he had thought that their love is enevitable. Pero mali pala siya.
        
       Ayaw na niyang umibig! Bumalik tuloy sa kanya ang nakaraan. Naalala na naman niya ang sakit dulot rin ng mga failed relationship.
       
       "Fffhuuckk yooouh kayooong lahaaaat!!!" Sigaw ulit niya. Kung kanina ay hagikhik ang ginagawa niya, hayun at himikbi na siya. na sinundan ng iyak.
       
        Pag-iyak na nauwi sa hagulgol ng pumainlang sa ere ang theme song nila ng taksil na jowa.
       
       Forever is not Enough!
         
       Talagang walang poreber! Feeling niya ay mukha na siyang kawawa. Hindi na niya kinaya. Takbo na siya palabas ng bar. Tinawag siya ng mga kasama pero di niya pinansin. Sa labas ng bar. Sa parke na malapit, naupo siya sa may bench at doon nag-iiyak. Daig pa niya ang atungal ng kinakatay na kambing. Nagkanda-ubo at suka pa siya.
         
       Mayamaya ay naramdaman niya na may naupo sa tabi niya. Dedma lang siya. baka batang pulubi lang na gusto mamalimos.
    
       "You know what? Okay lang ang umiyak. lalabas niyan ang bigat at sakit na nararamdaman mo. Pero after that, patawarin mo lahat ng nakasakit sa'yo, magpapasko naman at maniwala na may true love pa rin." Anito sa kanya.
        
         Natigil ang ngalngal niya. Sino ba 'tong mokong at nakikialam sa nararamdaman niya? Siya, magpapatawad? Sa palengke at booking lang at tawaran! Nag-angat siya ng tingin. Pinukulan ng masamang tingin ang pakialamero.
      
      "hoy baket ka ba nakikialam sa pag iyak ko?! Ano bang pakialam mo? Hindi tayo close!" tungayaw niya rito.
        
        Pero infairness, Ang hitsura ng nabungaran ng kanyang tingin ngayon ay malaki ang ibubuga! Mula sa features ng mukha at body proportion hanggang sa porma ng pananamit, Pak na pak!
       
      --teka? Eh anong pakialam niya kung gwapo man ito or cute? Still, pakialamero pa rin! Sita niya sa sarili.
        
       "I saw you in the party, nakita ko ang nangyari, isa ako sa mga guest ng groupmates mo. I know that right now, it's hard for you to cope up with your situation. Maging ako, naranasan ko na rin maloko ng makailang beses, pero di ko na dinaramdam."
          
       "Walang may pake!  di 'ko kailangan opinyon mo! ... tsupi! Layas! Move over, mokong!" taboy niya. Iniamba niya ang pouch bag.
         
       "Hindi mokong ang name ko, call me Chad... Chad Martin Aragon, at your service." Inilahad ng binata ang palad sa kanya. Malapad ang ngiti nito. Killer smile ang mokong!
           
        Napatanga siya. anyare?
-------------------------------------------

LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon