UNEXPECTED

401 20 1
                                    


    Note: Kung nagustuhan ninyo ang unang version ng story, sana'y maging mainit din ang suporta nyo dito sa novel version. May mga additional scenes na sana'y maibigan ng bawat babasa.  

   
               "Merry Christmas!!!"  Sabay-sabay na bati kay Gelo ng mga kaibigan pagbungad pa lang niya. Late siya ng ilang minuto dahil dinaanan pa niya ang Spaghetti at Pitchi-pitchi na inorder niya bilang potlock niya sa Christmas party nilang magkakaibigan sa Clan.
    
                Sa Bar ng isa nilang kaibigan naisipan idaos ng grupo niya ang party. Isa sa maykayang kasapi ang nag-offer ipagamit ang bar nito. Para malaya sila makakakilos kaysa mag-rent pa.
       
               "Sorry guys, medyo na-late." Inilapag niya sa counter ang dalang pagkain. Nakipag yakapan at beso muna siya sa mga sumalubong sa kanya.
       
              "Keri na yan, kanina ka pa namin hinihintay ng masimulan na ang partey partey." Si Edz, President ng grupo nila.
        
             "Ganoon? Hindi magsisimula ang saya ng wala ako?"
         
            "Malamang, Clanmaster ka eh," ani ng secretary ng grupo. Si Josh.
           Gulat siya. "T-teka, ako Clanmaster? Kelan pa?"
        
                "Ngayon na, i mean mamaya may ceremony sa program ng party natin para, i-promote ka. aalis na si Juri. kaya napagpasyahan ng buong grupo na ikaw ang papalit sa position niya." Paliwanag ni Arman, isa sa mga officer.
        
                "Aba, eh di party-party na!" Sigaw niya.
        
              "Yeaaah!" Sigaw ng lahat. Excited na rin siya sa mga mangyayari.Good news para sa kanya ang sumalubong na balita. Imagine, From Head Council, tataas na ang position niya. Ituturing na siyang pinuno ng grupo. Meaning, lalawak ang tungkulin niya at responsibility.
            
                Siya si Angelo Candelaria. 23 years old. Gelo for short. Nickname niya mula pagkabata. Simple. Mula sa ayos, hitsura at pananamit. Bawi naman sa appeal at height.
           
              Nurse by profession sa umaga. Rampadora occasionally dahil sa kinaaniban na grupo.
            
             Ang grupong kinabibilangan niya ay hindi lamang isang simpleng grupo. Involved sila sa mga charity missions at ilang hosting na pageant para sa LGBT COMMUNITY. Sa ilang taon, matapos maitayo ang grupo nila ay malayo na rin ang narating nila. Kinikilala na rin sila ng iba pang mga grupo sa bi/gay/lesbian world.
         
             Exclusive ang group niya sa mga discreet bisexuals at gay. Mga hindi pa lantad ang sexual orientation sa kanilang pamilya at nga kaibigan. Share sila ng sentiments from mission and goals.
       
             Pero hindi muna 'yon ang concern niya ngayon. dahil may tao siya na gusto mkita. Ang kanyang Buddy in more than 2 years. Si Arnold, isa rin sa mga officer ng grupo.
        
              Gumala ang paningin niya. Naglakad-lakad siya at dinaanan ng tingin ang mga kasapi na abala sa pagsasayaw, inuman at kwentuhan.
        
             "Nasaan si Arnold?" Tanong niya sa isa sa mga members na naroon. Pasigaw ang boses niya dahil sa lakas ng tugtog.
       
             "Hindi ko alam, pero kanina nandyan lang siya at palakad-lakad."
       
            "Okay, thanks."
       
          Ilang minuto rin tumagal pero ni anino ng buddy niya, hindi niya nakita. Ipinasya niyang mag-cr muna.
         
         Kabisado naman niya ang buong bar,kaya di na siya nahirahapan hanapin ang cr.
       
         Pakiwari niya ay nanlalagkit ang kanyang  mukha.Hinilamusan niya. tinuyo ng napkin. Paalis na sana siya ng makarinig siya ng mahinang kalabog at mga paanas na nagsasalita at may halong ungol sa cubicle, kung saan naroon ang toilet.
        
       hindi siya naive para hindi maunawaan na may milagrong nangyayari sa cubicle. Malamang isa sa mag jowang members ng grupo nila. Hindi na nakatiis at inabot ng init kaya sa cr nagpapakaligaya.
    
      Napangiti siya, hindi nya gagambalain ang ngyayari maliban nalang kung hindi mag jowa ang nagtatalik. Bawal yun sa grupo niya.. Isa sa mga alituntunin na bawal mag sex kung hindi naman couple or mag bf.
  
        Ipinasya na niyang umalis, nasa hallway na siya ng pabalik sa bar kung saan naroon ang party ng di sinasadyang mabangga siya ng ka-grupong may dalang baso na may lamang alak. Napasigaw sila pareho ng tumapon yun pero sa kanya napunta ang ibang laman. Nabasa ang suot nyang pink na polo shirt.

        Humingi ng sorry ang ka-grupo. Agad naman niyang sinabi na ayos lang. Nagtungo siya sa mesa ng mga kaibigan at kinuha pa ang pouch bag. May extra siyang tshirt na white para Iterno nalang niya sa black chaleco. Luminga linga muna siya, hinanap ng tingin sa dance floor ang katipan na kanina pa biglang nawala.
 
      Nagkibit-balikat siya at bumalik siya ng cr.

    Napatingin siya ulit  sa cubicle. Napansin niya ang isang pares ng sapatos na suot ng mga nasa loob. Napakunot-noo siya. Bumadha ang matinding pagtataka sa kanya. Kilalang kilala niya ang sapatos na iyon! Hindi siya maaaring magkamali dahil ganoon ang style na regalo niya kay Arnold noong kaarawan nito.
   
    Napahawak siya sa dibdib. Abot-abot ang kaba niya, pumasok siya sa isang cubicle. katabi ng cubicle ng mga taong nagmimilagro. Doon ay Dinig na dinig niya ang ingay ng mga galaw at ungol ng mga ito. Nang mga sandaling yun, ay para bang nawala ang ingay na nanggagaling sa bar, mula sa mga nagsasayang ka grupo at musika sa paligid.  Ang tangi niyang naririnig ay ang lakas ng pintig ng puso niya at mga ungol ng ngtatalik.
  
     Dahan-dahan siyang sumampa sa toilet, sinikap na huwag makagawa ng anumang ingay,  naipanalangin na sana'y hindi tama ang kabang nararamdaman nya, ang hinala at takot na namamayani sa kanya.
  
      Sumilip siya sa itaas ng cubicle habang nakakapit sa wooden wall...

       Nahiling niya na sana ay nanaginip lang siya ng mga sandaling iyon.
  

LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon