CHAPTER 5

610 17 0
                                    

CHAPTER 5 : Llyam Royals

Zheexhie's POV

Kakatapos lang naming mag-assist kay Sir Paulo sa Library. May mga bagong dating na libro kasi galing ibang bansa. At excited kami dahil hindi lang siya kung anong libro . . . kundi mga librong may iba't ibang genre's. Mukhang mapapadalas ang punta ko rito.

Napanguso si Zoey. "Bad trip at ngayon pa talaga dumating 'yang nga libro e malapit na ang semester break."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Zoey. She's a fan of books. Magsasalita pa sana siya nang may biglang tumikhim na ikinagulat naming dalawa.

"G-Genesis?" utal-utal na sabi ko. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kitang batiin ng magandang hapon. 'Ge pasok na ako." aniya at kinindatan ako.

Parang kailan lang hindi ako pinapansin nitong si Genesis at ang sama pa kung makatingin sa 'kin. Tapos ngayon . . . Tinitigan ko ang bulto niyang papalayo. He's wearing a white shirt that has a print in front that says "Je 'taime". I remembered seeing him wearing tuxedo at Sakura's debut. Ano naman ngayon? Well, ang gwapo niya kasi sa suot na 'yun.

Napalunok ako bago lumingon kay Zoey. "Namumula ba 'yung tenga ko Zo?" tanong ko.

"Ahm . . . oo bakit?"

Hinawakan ko kaagad ang tenga ko at huminto sa paglalakad. What the! Tumawa ng malakas si Zoey at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang 'yan Zhee. Lahat naman nakakaramdaman ng nararamdaman mo ngayon. Abnormal lang ang hindi. Tara na nga." sabi niya habang tumatawa.

Umawang ang mga labi ko roon. Ano daw? Napahawak nalang ako sa batok ko at sumunod kay Zoey.

*Classroom*

Titig na titig ako sa likuran ni Genesis.
Magkaklase kasi kami sa isang klase. Nasa unahan ko siya nakaupo and he's talking right now with Blue. Napapansin ko lately na ang close na ng dalawang 'to.

"Zhee," tawag sa 'kin ni Miss President.

"O, ano yun?"

"Hinahanap ka ni Andrei samahan mo raw siya sa 2nd floor."

Tumango ako at tumayo. Lumabas ako ng classroom at nakita ko si Andrei na nakasandal sa pader habang may hawak-hawak na lollipop.

"Hoy," sinipa ko ang isang paa niya.

Hindi niya ako nilingon. "Sayo na."

"Huh?"

"Sayo natong lollipop." nilagay niya sa bulsa ko 'yung lollipop. "I bought two kaso wala akong mapagbigyan kaya sayo nalang."

"Seryoso?"

"Hindi. Nagbibiro lang ako. Nakakatawa no. Aish! Tara na nga lang sa 2nd floor." bigla niya akong hinila latungong hagdan.



Genesis POV

Nasa gilid ako ng pinto ng classroom namin kung nasaan sila Zheexhie at Andrei nag-uusap. Narinig ko kasi 'yung sinabi ni Miss President na hinahanap siya ng magaling kung kapatid para masamahan papuntang 2nd floor. Ano naman kaya ang gagawin nila doon?

Lumapit si Blue sa 'kin at kinalabit ako. "Anong ginagawa mo dyan?" bulong niya.

"Shh." I put my finger on her lips. Baka marinig kami ng dalawa, kung ano pang isipin.

""Hindi. Nagbibiro lang ako. Nakakatawa no. Aish! Tara na nga lang sa 2nd floor." biglang hinila ni Andrei si Zheexhie.

Damn! Sino ba siya para hila-hilahin si Zheexhie ng gano'n? Agh! Bumalik ako sa desk ko at sumunod naman si Blue.

"Bakit hindi mo nalang kasi aminin kay Bebs na gusto mo siya para hindi ka na parang baliw dyan kakaselos." aniya.

"Kapag ba sinabi ko sa kanya may magbabago?" tanong ko at nagkibit balikat lang siya.

"Alam mo Genesis sobrang torpe mo talaga. Gumaga ka kaya sa kapatid mong si Andrei." sabi niya at ngumisi. "Look at Andrei. Inamin na niya kay Mika na may gusto siya sa kanya. Edi ngayon maligaya silang dalawa."

"I don't think so. Sabi ni Sakura mahirap paibigin si Zheexhie. Hindi pa kasi siya nakaka move on do'n sa ex niya."

flashback

"Hey! I bought you ramen." Ipinatong ko ang mangkok sa study table niya.

"Anong kailangan mo?"

Nag-init ang magkabilang psinge ko. Damn! Bakit alam niya kaagad na may kailangan ako?

"Ahh . . . kasi . . . ilang taon na ba kayong magkaibigan ni Zheexhie?" palusot ko.

"Naks naman. 'Yung kuya ko nagtatanong tungkol sa isang babae." she laughed and patted my shoulder.

"Pero Jin I don't think na sasagutin ka ni Zhee kung saka-sakaling manligaw ka sa kanya."

Damn! Nalaglag ang puso ko! "And why? Does she have a boyfriend already? I understand if she have. Maghihintay ako."

She looked at me. "Hindi sa gano'n. Hindi pa kasi siya nakaka move on do'n sa ex niyang pumanaw na. She's very loyal to him na hanggang ngayon siya at siya parin. Ang daming lalaking nililigawan siya pero ang palagi niyang sagot sa mga ito ay 'I'm still into him'. At ayokong magaya ka sa mga lalaking 'yun Jin. You deserve better. Kaya sana, kung ano man 'yang nararamdaman mo kay Zhee pwede kalimutan mo nalang habang maaga pa."

end of flashback

"Llyam Royals. That's his name. Ang lalaking first love ni Zheexhie. They were childhood sweethearts until nagkatotohanan. Tatlong taon na naging sila hanggang sa ma-diagnosed si Llyam sa sakit niya at kinamatayan niya din. Naging masaklap na pangyayari 'yun kay Zhee. Kaya naisipan ng parents ni Llyam na may-ari nitong Maxwell University na itransfer si Zhee dito para makalimot at makapag move on. Pero hanggang ngayon nakikita ko paring walang nagbago sa nararamdaman niya kay Llyam." kwento ni Blue.

Dahan-dahan akong gumalaw sa aking kinauupuan. I calmly looked at her. Her eyes were watery.

"Blue . ..."

"Hmm?"

"I'm into your best friend. I promise to not hurt her or even leave her. I know that you worried about her. Pwede ko bang makuha ang basbas mo upang ligawan ang best friend mo?"

Napatigil siya saglit bago tumango. "Huwag kang mag promise, gawin mo para sigurado." Ginulo niya ang buhok ko.

I'm Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon