CHAPTER 6 : Blog
Zheexhie's POV
"Hello everyone. Zheexhie Zipphora at your screen. And here at my side is my partner for this whole vlog, Harvey Famindalan." Inayos ko muna ang pagkakahawak sa camera bago pinagpatuloy ang kung ano mang ginagawa ko. Kasi sobrang lito ko na talaga. "This is my first time blogging so I hope you understand na medyo ilang ako sa camera at kung ano-ano nalang ang sinasabi ko dito. I'm honestly nervous and excited on this. I'm looking forward for all your reactions, comments and etc. Please don't forget to click the like button below and if you want . . . you can also react. Thank you very much. Ibibigay ko muna itong camera sa partner ko para even na kami sa pangangawit ng kamay."
Harvey laughed at kinuha 'yung camera sa 'kin. Actually I wasn't expecting . . . like this could be so tiring. Akala ko madali lang mag vlog pero sa totoo lang ang hirap. Magsasalita ka na ikaw lang mag-isa tapos nakaharap sa camera . . . . parang baliw. You know what I'm sayin?
Saludo ako sa mga bloggers dyan. Pero ciguro masasanay ka naman if you really wanted to be a successful blogger. Nasa sayo naman 'yun e kung kakayanin mo o ipupush mo ang isang bagay na gusto mo talagang gawin. It's up to you folks!
"Okay guyses we are here in Sky Mall. Dito malapit sa MT Tower na pagmamay-ari ng pamilya nitong partner ko." sabi ni Harvey at ngumiti sa 'kin. Gago talaga. "And if you are asking why we're here. Then let me asnwer that. We are here to do our challenge given by our very wierd Miss. Ciguro dala 'yun ng pagbubuntis niya."
"Yes." sabat ko. "We are challenged to do the Can't Say No challenge. Excited kami pareho nitong si partner dahil kawawa ngayon 'yung aming napiling guest. Pero mayaman naman siya at gwapo kaya okay lang 'yun."
"Gwapo talaga siya partner. Sa sobrang gwapo niya lahat ng babae baliw sa kanya. Pati nga siguro mga insekto, hayop, at kung ano pa dyan bow down sa kanya e. Kasi gano'n kalakas ang kagwapuhan niya."
Tumango-tango ako sa sinabi ni Harvey. "Kaya naman let me welcome our special guest in this vlog na siyang gagawa slash magbabayad ng lahat ng gusto namin. Genesis Jin Famindalan everyone."
Inakbayan ako ni Genesis at bumati narin. "Hello. Sa totoo lang pumayag lang ako dito dahil ang kapalit ay gagala kami nitong magandang nilalang sa tabi ko bukas pagkatapos nilang mag edit nito. Kahit pa mapapagastos tayo ano."
"Ahm . . . saan tayo ngayon?" tanong ko. "Are we going to eat first Harv or what?"
Napaisip naman si Harv. "I think let's just eat first dahil hindi pa ako kumakain ng breakfast. Hindi kasi masyadong halata na excited ako dito e."
"Oo nga e. Nakalimutan mo ngang dalhin wallet mo sa kakamadali." sabi ni Genesis.
"Cut mo mamaya 'yung sinabi niya Zhee. Mapahiya pa ako."
Tinahak namin ang patungong MT Cuisine dahil doon gusto ni Harvey kumain ng breakfast niya. Actually nagsisimula na akong makonsensya sa pagpili kay Genesis na maging special guest namin dito. Sana naman hindi 'yung sobrang mahal ang piliin ni Harv na orderin. Pero . . . dahil good girl ako I texted the manager of MT Cuisine to give us the menu that has a limited food to order. 'Yun bang hindi ka mapapagastos ng bonggang-bongga.
MT Cuisine is owned by my mother. Mahilig kasi siya mga pagkain kaya naisipan nila ni Dada na magtayo ng restaurant. And here it is right now. The MT Cuisine. It has 50 branches around Asia and 30 around America.