A's POV :
" Ara kamusta naman kayo ni Mika? " napatingin ako sa gawi nya at saka ko sya nginitian " Hmmm Baliw? Ano nga? "
" Alam mo Okay naman nga kasi kami. Walang problema :) " sagot ko sakanya " Kahit hindi pa kami eh atleast alam ko na may pag asa kaming dalawa "
" Nakakasigurado ka ba dyan? " tanong nya ulit " baka hopia lang yan? "
" Hoy Grabe! Maka Hopia ka dyan! Di yun no. Sinabi ndin nya naman na mahal nya ako hindi pa lang time na maging kaming dalawa " sabi ko sakanya " Napaka Nega mo ano bang ginagawa mo dito? "
" Wala Napadaan lang hinahanap ko si Ate Tin Kala mo naman ikaw na naman ang pinunta ko dito no? " sagot naman nya sakin at nginitian ako ng nakakaloko
" Excuse me! Napaka hangin naman ata dito? Hindi no. Nakakapagtaka lang ang layo kaya ng school nyo dito " sabi ko sakanya
" Hahaha! Syempre may kotse naman may lakad nga kasi kami ni Ate Tin dyan sa Moa sama ka? " tanong nya naman sakin
" Nakoo Hindi na. Mag aayos pa ako ng requirements at saka baka may lakadin din kami ni Mika mamaya " sabi ko sakanya
" haynako osige na. Hindi na kita pipilitin " sabi naman nya " 3 months pa lang naman tayo magkakilala "
" Sira wala yun don. Kilala na naman kita noon pa hello uaap! Hahahs! Senior ka nga kesa sakin eh " pang aasar ko sakanya
" Shut Up! Sige na " sabay tayo nya " uuna na ako at lalabas na daw si Ate tin ng Gate salamat sa Libre ah "
" HAHAHA! oo nga pala salamat Bang! " sabay na kaming lumabas at malapit na din mag out si Mika sa Class nya.
" Oh Ara Di ka ba sasama? " tanong ni Ate tin
" Nako Ate Wag mo nang ayain. Busy yan... Busy kay Mika " sabi naman ni Bang at saka dila nagtawanan
" Speaking of Mika Nakita ko sya nasa may Henry Sy Building kasama si Cienne. " sabi naman ni Ate Tin
" Ohh Baka nag early dismissal sila sige na Babye na ate Tin and Ate Bang ingat kayo! " saka ako nagdali dali pumasok sa loob ng university hindi ko na inintay na magsalita pa silang dalawa.
Dumeretso naman ako agad sa Henry Sy Building at nakakapag taka maraming tao. Hindi ko na halos makita asi Mika.
" Gad nakakakilig sila " napatingin naman ako sa dalawang babaeng nag uusap dito sa likudan
" Grabe!!! Sya na ata ang Queen Archer!!! " sabi naman nung kasama nya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Alam ko naman na hindi sila close non pero parang may nagtulak sakin papunta sa Gitna na kung nasasaan ang pinagkakaguluhan
Hindi ko din alam kung sinadya ba talaga or nagkataon lang na biglang nahawi ang tao at tanging binigyan ako ng daan para makita ang mga taong yun..
" Mika? Will you be my Girlfriend? " halos bumigay na ang tuhod ko sa sakit na nararamdaman ko ng makita ko sila nakaluhod si Jeron at si mika ang babaeng Pinakamamahal ko na nakatayo.. Hindi ko alam pero gustong gusto ko silang lapitan pero hindi... Hindi ko pwedeng ipahiya si Mika ayokong gumawa ng eskandalo..
" Yes na yan!!! " asigaw ng mga tao mas lalo pang lumakas ang sigawan nila umalis na lang ako sa lugar na yun kase baka hindi ko kayanin.. Baka nga naman hindi nya talaga ako gusto.. Baka naaaawa lang sya sakin.. Baka naman si Jeron talaha ang gusto nya.
INag dial na lang ako ng number sa contacts ko at di ko alam kung sino man yun
" H-hello? Asan ka? " saad ko sa kabilang linya " pupunta na ako dyan i need you "
