Dedicated to superbellabolt
October Feels na ? Hahaha ! Jusko Sobrang Busy naming lahat dahil nga kailangan namin matapos ang recquirements namin dahil magsisimula na next week ang UAAP Season namin Volleyball Players .
Andito ako sa Library at iniintay si Vic . Well kami naman kasi talaga ang palaging magkasama We Used to it na naman na kami talaga ang Buddies sa lahat . Ung Unknown Feelings ko ? Andito pa din Unknown pa din hahaha !
Kanina pa ako naghihintay dito sakanya . Sabi nya kasi may iintayin lang syang Classmate nya at may gagawin lang saglit . Okay lang kasi mas mauuna talaga ako sakanya kasi mas maaga ang labas ko . Si Cienne at Cams naman ay nasa Cafeteria gutom na daw kasi sila tapos susunod na dito .
Nakita ko naman na Pumasok na si Vic at napatingin sya sa gawi ko kumaway naman sya at nag wait gesture pa sya . Nakapila sya para sa deposit area . I Just Smiled .
I wonder kung confirmed na siguro tong " UNKNOWN FEELINGS " ko sakanya hays siguro walwal na ko sa sobrang kilig .
Napatingin ako sa gawi nya muli at nawala ang ngiti sa labi ko . Bakit ba kasi andyan na naman yan ? Hays palaging sumusulpot . Eto naman si Vic nakikipag tawanan pa ! Kabwiset .
Nakita ko naman silang papasok na at masayang nagkwe kwentuhan . Eh di sila na .
Tatayo na sana ako ..
" Oh ye san ka na ?" tanong naman nito sakin " Sorry Kumain pa kasi kami ni Kambal . Andyan na din si Vic kasama si "
" Thomas ..baliw ka talaga "
Yes, My Victonara Galang and Thomas Torres . The Thomara Fever .
" You know What Aruuh you should join us para naman makilala ka din nila. " sabi naman nitong Thomas na to . Bwiset talaga . Bakit ba sya andito .
Umupo naman sila at saka ako nagbukas ng Libro . Yung Kambal Focus lang sa ginagawa tas si Thomas at Vic Ayan Nagkwkwentuhan at nagkukulitan . Ako ? Hindi makapag Focus !
" Hahaha ! Oo na ikaw na talaga " sabi ni Vic dito " ikaw na ang pinaka pagong na kakilala ko "
" Mahal mo naman !" sabi ni Tjomas at tumawa ng malakas namula naman si Vic . Eh di wow !
" Shhhh !" Suway ng Librarian ayan Kalandian nya !
" Ang Kapal kapal ng mukha mo Torres " sagot naman ni Vic " Hindi kita type "
At saja naman sya tumingin sa gawi ko at nag taas ng kilay
" Makapal talaga " sabi ni Thomas k" Makapal talaga aNg Lips mo "
Natawa naman si Cienne at Cams . What The! Nakikisali din sila
" Burn " sabi ni Cienme .
" Hate You ! " pinalo naman ni Vic si Thomas at etong thomas na to tawa pa ng tawa..
Niligpit ko na lang ang gamit ko . Tutal Busy naman sila don . Aalis na lang ako . Tumayo ako at umalis hindi man lang nila ako nilingon . Bahala sila don .
Paglabas ko naman ng Library ay nakasalubong ko si Kim
" KIM !!!" sigaw ko at lumaput naman sya agad
" Hinahanap ko kayo wala akong makatambayan . " sabi nya " Saan sila ?"
" Tara Mag Meryenda .. Nagugutom ako " sabay hila ko sakanya hindi ko na siya inintay na sumagot pa . Nakasalubong naman namin ang Kotse ni Carol papalabas na din ng university
![](https://img.wattpad.com/cover/126969876-288-k123194.jpg)