FOUR: Harmless

2.7K 177 2
                                    

Halos araw-araw silang nagkakausap ni RJ and Maine won't deny that's she's slowly getting used to this kind of set up. It was a risk that she gladly took. She started to loosen up a bit and managed to talk to him as civil but friendly as she could.

"Hindi ka ata nagmamadali ngayon ah?"

Natawa si Maine habang nagddrive. Natuto narin syang iconnect ang telepono via Bluetooth at makipagusap kay RJ habang nagmamaneho.

"Hindi, kasi may event kami ngayon sa isang resort namin sa Clearwater. Papunta ako ngayon and wala naman akong hinahabol na oras." sagot ni Maine.

"Gaano katagal ang drive from your place to Clearwater?"

"Depende sa traffic, usually mga 30 to 45 minutes pero hindi naman lalagpas ng isang oras." she replied.

"Eh... gaano katagal ang drive from Islamorada to Tampa?"

Natigilan si Maine sa tanong ni RJ. At the back of her head, pakiramdam nya ay alam nya kung anong dahilan pero she wanted to get that idea out of her mind.

"I don't know... five to six hours siguro? Mas malapit kasi yun sa Miami kesa dito. W-why?"

"Malayo-layo rin pala. Wala, natanong ko lang kasi paano kung gusto kong bumisita... pwede naman diba? Wala namang magagalit siguro?"

Umiling si Maine pero napagtanto nya na hindi naman pala sya nakikita ni RJ. Naisip nya na mas mabuti narin yun ganon – yung hindi muna sila nagkikita at hanggang boses lang.

"Nako, hindi sumagot... meron na ata ah..." RJ said and chuckled a bit.

"H-hindi. Baliw. Wala p-pa naman..." sagot ni Maine.

"Wala pa? so meaning may nanliligaw na sayo?"

"Labas labas lang, Jay. Pwedeng iba nalang pagusapan natin? Nao-awkward ako e." Maine said and laughed.

Natawa narin si RJ. 

"Cute mo parin pala ano? straight to the point parin."

"Baliw..."

Silence followed afterwards.

"Uh.. RJ, andito na ako sa venue. I think I need to drop this call na..." Maine said.

"Maine, alam ba ng family mo na naguusap tayo ng ganito?"


--

"Hi Maine! May homework ka na ba kay Ms. Torres?" tanong ni Gabriel at sinabayan sa paglalakad si Maine sa paglalakad papuntang locker.

"Wala pa nga eh, pero gagawa ako mamayang vacant time sa library." Maine answered while putting her books inside her locker.

"Ahhh, pwedeng sumama?"

Napatingin si Maine sa kaklase matapos isara ang kanyang locker. She gave him a smile and answered, "Okay lang naman. Kasama ba sila Trina?"

"H-hindi, tayo lang." sagot naman ni Gab na halos mamula ang tenga.

"Ah..."

"Wala namang magagalit siguro diba?" Gab asked.

"Wala, wala naman. Sige, Gab. Una na ako ha? Bibili pa ako ng pagkain. Later nalang."

Mabilis na naglakad si Maine papunta ng canteen at hindi na naintay ang sagot ni Gab. Hindi sya manhid. Alam nya na matagal ng may gusto si Gabriel sa kanya dahil madalas din silang tampulan ng tukso sa classroom. Nitong mga nakaraang linggo lamang nagkalakas ng loob ang kaklase na magparamdam ng pagkagusto.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now