SEVEN: Arrived

2.7K 204 15
                                    


"I'm picking you up sa hotel lobby at 5pm sharp, Maine. 6pm ang arrival ni Jay. Are you okay with that?" sabi ni Belle sa kabilang linya habang kausap si Maine.

"Yup, I'm done by 5pm. See you, B." she nonchalantly replied while replying to an email from her boss.

"Are you excited to see your husband after 5 years?" Belle teased and laughed.

Maine stopped typing and rolled her eyes.

"Sakto lang. Belle, baba ko muna yung phone, tatapusin ko lang 'tong pinapagawa ni Justin para hindi ako nagmamadali mamaya. Talk to you later, bye." Sagot ni Maine at binaba ang telepono, hindi na nya inantay kung anong sasabihin pa ng kaibigan dahil nakakasiguro syang pangaasar lamang yun.

Who would have thought that time will fly this fast?

Darating na si RJ mamaya at hindi alam ni Maine kung anong mararamdaman sa ideyang yun. It has been 5 years. 5 years simula nung huli silang nagkita in person, mula nung huli nyang titigan si RJ sa mata at sabihing tapos na ang kung anong meron sila.

It has been 5 years since she saw his eyes, so tired and lonely but allowed her to do what she wanted to do. She wanted an annulment and he said yes without even trying to work things out.

Five freaking years has passed and yet here she is, trying to stay calm kahit ang totoo ay hindi na matahimik ang kanyang utak sa kung anong dapat nyang gawin kapag nagkita na sila.

Should I hug him? Baka awkward. Should I shake his hand? Masyadong pormal. I-beso ko ba? Baka mas lalong awkward. Tangina, Maine. Umayos ka.

"Ugghhhh! Bwiset!" halos masira ang mouse ni Maine ng ihampas nya ito sa table. Hindi nya maloko ang sarili nya na okay lang lahat.

Ngayon lang nya napagtanto ang mga posibleng mangyari dahil paparating na si RJ. Mula nung usapan nilang ipagpapatuloy nila ang petition ay naging mas madalas ang kanilang paguusap sa telepono. Maine couldn't count how many times RJ attempted to FaceTime her pero sya yung may ayaw. Lagi syang may dahilan.

"You okay, Maine? Here, have some coffee." bati ni Lucas at nilapag sa kanyang table ang mug.

"Yeah, nag-hang lang yung file..." sagot ni Maine. Tinitigan sya maigi ni Lucas at hinila ang isang upuan papalapit sa kanya para tabihan sya.

"Belle is on leave today. Susunduin daw nya ang pinsan nya sa airport tonight. Sasama ka ba?" he asked.

"Yep, susunduin ako ni Belle dito mamaya ng 5pm kaya dapat matapos ko na 'tong press release na pinapagawa ni Justin para wala na akong asikasuhin." she replied.

"Bakit kailangan mo pang sumama sa pagsundo? Required ba?"

Tumigil sa pagttype si Maine at tumingin kay Lucas na kanina pa nakatitig sa kanya, na parang inaaral ang kanyang mga galaw.

"Technically, I'm still his wife. I think I have to be there. Kiana suggested it anyway." she answered and took the mug from the table.

"Seriously, are you okay? You look tensed." natatawang tanong ni Lucas.

"I'm okay, Lucas. Paano mo ba nasabing tensed ako? Stop it." umirap si Maine at humarap muli sa laptop.

"Well... maga-apat na oras ka ng nagsusulat ng press release, it's a clear sign that you're bothered. Yung Maine na kilala ko, wala pang isang oras tapos na ang draft."

"Hindi ba pwedeng nablanko lang?" she retorted at pinagmasdan ang PR na hindi nya matapos-tapos. Dalawang paragraph palang yun at ang gusto ni Justin ay apat hanggang lima.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now