13: Clarity

3.8K 250 62
                                    

"Hindi mo matiis ano? Martyr ka talaga, martyr ka parin!" sabi ni Nikki habang kumakain sila sa isang coffee shop sa ibaba ng hotel.

"Ginago ka na nga't lahat, pinaniwalaan mo pa yung kabullshitan nya! Maine, ang tanga-tanga mo! Wake up! Niloko ka nya, tapos." she added.

"Wala naman sigurong masama kung subukan ko ulit? Asawa ko pa rin naman." Maine answered.

"Ughhhh! Coleen! Ikaw nga kumausap sa kapatid mo! Nakakairita!" pabalang na sabi ni Nikki at hindi na mapigilan ang pagkainis sa nakababatang kapatid.

"Ano bang nangyari kasi sayo, Meng? Okay ka na diba? bakit bumalik tayo ulit sa simula?" Coleen calmly asked.

Maine sighed and took a sip from her cup of coffee. Aside from their weekend coffee session, kinita nya ang kanyang mga kapatid dahil kailangan nilang pagusapan ang nalalapit na kasal ni Coleen at nagpasya si Maine na ikwento ang nangyari sa kanila ni RJ ilang araw ng nakalipas.

Nagkibit- balikat si Maine at muling nagpakawala ng malalim na hininga.

"Baka naman nadadala ka lang sa mga linyahan ni RJ? Alam mo naman yun, magaling sya with words." Coleen replied.

"Hindi ko alam... siguro? Ewan ko, hindi na rin kasi kami nagusap after nung confrontation." Maine said.

Napatingin naman si Nikki at tinaasan si Maine ng kilay.

"Ha? Paanong nangyaring hindi kayo naguusap eh magkasama kayo sa bahay?" tanong nito sa kapatid.

"Eh siguro iniiwasan ko? Hay. Ano na bang gagawin ko? Ang hirap. Ang hirap nung sobrang okay ka na, yung siguradong-sigurado ka na sa buhay tapos biglang sa isang iglap, bubuwagin nya lahat." sabi ni Maine at inihilamos ang kanyang kamay sa mukha.

"Kung ako sayo, sabihin mo sa kanya na lumipat na dun sa lola nya para wala ng problema at hindi ka na natatanga ng ganito." sagot ni Nikki.

"Ate naman..." Coleen butted in.

"Anong ate naman? Eh tignan mo nga yan, parang namatayan na naman. Hay nako, kung hindi ka rin lang makikinig, hindi ko alam kung anong sense nitong usapan natin. O sya, iwan ko na muna kayong dalawa at kayo na magusap. Susunduin ko pa si Matti." Sabi ni Nikki at tuluyang nagpaalam sa dalawang kapatid na babae.

"O so, paano na Coleen? Ano ng gagawin ko?" tanong ni Maine.

"Mahal mo pa ba?" tanong pabalik ni Coleen.

"Siguro? ewan ko. Hindi naman ako siguro magiging ganito kung wala akong feelings diba?" tanong pabalik ni Maine. 

Coleen sighed. 

"Meng, alam mo... ako naman eh, lagi ako sa side na kung saan ka mas masaya. Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mong gawin, pero sana pag-isipan mo itong mabuti. Hindi biro ang pinagdaanan mo at nakita namin yun lahat."

"Alam ko naman yun..." Maine said and sighed. 

"Ayun... ayaw lang namin na masaktan ka ulit pero kung mahal mo pa, wala rin naman kaming magagawa. Just guard your heart well this time okay?" 

Maine nodded. 

"Ikaw talaga yan eh, basta kapag si RJ hindi mo matiis!" biro ni Coleen at natawa naman si Maine. 

"One of the mysteries in my life that I wasn't able to solve. Siya lang talaga nakakagawa nito sa akin. Hayop sya, nakulam ata ako." Maine said and laughed. 

"Isasama mo ba sa party ni Jodi mamaya? Hindi pala kami makakapunta ni Mike at may dinner kami with his family." Coleen asked.

"Hindi siguro? Hindi ko pa naman din sigurado kung pupunta ako. At saka ano ka ba? Hindi ko pa nga nakakausap simula nung nagusap kami diba?" sagot ni Maine.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now