21: Birthday

3.8K 215 61
                                    

Hindi mapakali si RJ habang nakaupo sa passenger seat at si Maine naman ay natatawa sa inaasal ng asawa habang nagmamaneho. Today is Matti's 10th birthday at kailangan nilang pumunta. 

Kahit ilang buwan ng nananatili si RJ sa Florida ay ngayon pa lamang sya makakabisita sa bahay ng mga Mendoza. Ilang buwan nya itong iniwasan pero alam nyang darating ang panahon na hindi nya na malulusutan ang pagkakataong ito.

"Are you okay, Jay? Bakit hindi ka mapakali? Natatae ka ba?" Maine joked while driving.

"Y-yeah... I mean, no! A-ano ba, Meng?" RJ stuttered.

Natawa si Maine at nilingon ang asawa saglit. Maya-maya pa ay kinuha nito ang kamay ni RJ at pinisil.

"You'll be fine. We're still married, remember? We are family. I'm your family. Huwag kang kabahan, it's not like aatakihin ka nila the moment they see you. Besides, Matti's been asking for you non-stop simula noong nalaman nya na andito ka na sa America. Isipin mo na lang na this is all for Matti." Maine said and smiled while her eyes are still focused on the road.

Jay smiled and looked at his wife na kahit nakatutok ang atensyon sa daan ay nagawa pa ring pagaanin ang kanyang loob. Kung sabagay, si Maine lang naman ang nakakagawa nito sa kanya. 

It's as if he has given her an exclusive power over him that even though they separated for five years, that power is still there.

Si Maine lang ang may kayang guluhin ang kanyang buong pagkatao, at siya rin lamang ang may kayang umayos nito.

"And now you're staring at me. Yung totoo? gusto mo bang umuwi na lang, Jay?" Maine said and laughed. "I'll take the next exit na, babalik na ako sa bahay." She added.

Natawa nang malakas si RJ at inilagay ang kanyang kaliwang kamay sa batok ni Maine at minasahe ito.

"Iba na ang iniisip ko, mahal. I'm perfectly okay. Besides, sabi mo nga... pamilya na tayo. Wala na rin naman silang magagawa, taling-tali ka na sa akin." Jay replied.

Tumaas ang kilay ni Maine at pahapyaw na tumingin sa asawa.

"Wait, so ano na palang iniisip mo?" She asked.

RJ smirked.

"Iniisip ko kung anong parusa ang gagawin ko sa iyo tonight."

"What? Parusa for what?" Pagtataka ni Maine.

"We're going to a children's party and yet your outfit looks like you're going to bed. Bakit ba kasi ang ikli ng shorts mo?"

"NAKAKALOKA KA!" Sigaw ni Maine habang tumatawa. 

"Jay, this outfit is perfectly normal here in the States. Ano ka ba, buti nga hindi ako naglalakad nang naka-bra't panty eh."

"Ah so may balak ka pa? At sinong may sabi sa'yo na papayagan kita?" RJ teased.

"Ewan ko sa'yo! Baliw ka na talaga!" Maine replied and chuckled.

His wife is wearing a plain white t-shirt, denim shorts and Nike Floral Janoski will be the death of him. To be honest, gustong-gusto nya ito pero this is for his eyes only. No one can see how perfect her legs are, how sexy her waistline is, and well... how her boobs are just the right size.

"Oo, baliw talaga ako. Baliw na baliw ako sa'yo, Nicomaine Faulkerson."

Ilang saglit pa ay nakarating sila sa bahay ng mga magulang ni Maine at pagkababa ng kotse ay nanumbalik lahat ng kaba sa katawan ni RJ. Mainit ngayon sa Florida ngunit ang kanyang kamay ay nanlalamig.

"Grabe mahal, ang lamig ng kamay mo. Anyare?" Maine teased.

"I'm nervous, love. Baka bigla akong magcollapse kapag nakita ko sila nang isang bagsakan." Sagot ni RJ sa asawa.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now