16: Never Stop

3.6K 233 25
                                    


Maine is known for being pessimistic but it has levelled up to borderline paranoid for the past five years. Ngayong nabigyan sya ng panahon para makapag-isip tungkol sa mga ganap sa kanyang buhay, unti-unti nyang napagtanto kung paano bumuhos na parang bagyo ang mga nangyari sa loob ng halos dalawang buwan.

Dalawang buwan pa lamang ngunit halos umaabot sa langit ang kanyang ligaya kaya't hindi nya mapigilang hindi mag-isip na may kapalit lahat ng kasayahan nya lalo nitong mga nakaraang linggo.

Unang-una, masyadong mabilis ang pangyayari at hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi nya ito napag-isipang mabuti. Nagpadala sya sa kanyang damdamin at udyok ng mga kaibigan. Hindi nakatulong ang pagiging pabor bigla ni Jodi sa kanyang desisyon. Pangalawa, alam nyang may kasalanan sya sa parteng biglaang pag-alis ng Pilipinas at pinaubaya sa kanyang abogado ang lahat ng pakikipagusap kay Jay. Pinakiusapan nya ang kanyang pamilya at ilan sa malalapit nilang kaibigan na huwag sabihin kay Jay ang kanyang plano pero palaisipan pa rin sa kanya kung bakit bigla itong pumayag na makipaghiwalay.


Hindi naman sa nagpapahabol ako, pero bakit bigla nalang syang pumayag? Bakit hindi sya gumawa ng aksyon? He knew all along that I'm with Belle pero he didn't do anything. Baka naman itinuloy nya ang kanyang relasyon sa malanding Vienne na yun kaya pumayag sya sa annulment? Pero ano 'to? Bakit ngayon, kung makapagprofess sya ng pag-ibig parang walang nangyari? Bakit kung maka-arte sya, parang wala syang ginawang mali?

Baka nga naman wala, ako lang itong – eh, pero... bakit ganoon yung pictures?


"Arghhh!"

It was just 8 in the morning and Maine found herself walking along the seashore, mentally contemplating about her decisions in life lately. She's frustrated, probably annoyed at herself for ruining the joy she's feeling the past weeks. Sobrang ganda ng lugar pero hindi nito magawang alisin sa kanyang isip ang mga agam-agam na matagal ng tumatakbo sa kanyang isip ngunit ngayon lang nabigyan ng pansin.

She wanted to love again. 

God knows how hard she's trying to love him again the way she did before. She's giving all that she can but she's just fooling herself every time she thinks that things are going to be okay. The baby steps they're taking won't suffice; they might need to crawl for these things to work smoothly.

"You're being too paranoid about it. Why don't you just let go and let God? I mean, so many people dream about their lost love to come back, tapos ikaw magiinarte ka nang ganyan na parang napipilitan ka lang? Ano ba, Meng?" Belle said over the phone.

Maine sighed. 

Sa sobrang kapraningan nya ay napatawag sya kay Belle dis-oras ng umaga para maglabas ng sama ng loob. Kailangan nya ng kausap bago pa sya tuluyang magpakain sa emosyon at mabaliw.

"Hindi naman sa ganon... Don't get me wrong B, I'm trying to make things work naman. Pero don't you think it's a bit too fast? I mean, akala ko okay lang kasi ang dami ng panahon na nasayang pero ngayong napagisip-isip ko... parang nabibilisan naman ako. Belle, ang dami pang tanong na hindi nya nasasagot. Like, bakit ngayon lang sya gumawa ng aksyon? What happened dun sa five years na walang kami? Nakakabaliw..." She replied and threw a rock in the water that she's been playing with before calling Belle.

"Eh bakit ako ang tinatanong mo at hindi yung asawa mo? Maine, stop over-thinking. If you're really trying, you should just go with the flow or at least talk to your husband. Hindi rin sa kinakampihan ko ang pinsan ko pero M, you knew what happened nung five years na yun. You basically told everyone na huwag sabihin kung nasaan ka tapos sasabihin mo bakit wala syang ginawa? Naka-drugs ka ba? Umagang-umaga ha. Tigilan mo nga 'ko, Meng."

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now