EIGHT: She is

3K 219 65
                                    

Nakarinig sila ng busina ilang segundo ang nakalipas at nagpark si Belle sa harap nila. Agad naman binuksan ni RJ ang trunk ng sasakyan at nilagay ang kanyang mga luggage doon. Sumakay naman si Maine sa passenger seat at naglagay ng seatbelt.

"Oh? Anyare? Bakit ganyan itsura mo?" bulong ni Belle sa kaibigan.

"Wala naman, saan ba tayo diretso?"

"Sa inyo diba?" tugon ni Belle at napataas ang kilay.

"Sabi nya nagbook daw sya ng room sa Marriott eh, so baka doon nalang muna?" Maine replied and shrugged.

"Ha? Bakit?"

"Pinsan mo tanungin mo, 'wag ako."

The door from the back opened few moments later at pumasok na RJ sa loob.

"Grabe, I didn't expect the heat here." RJ said and chuckled.

"Summer kasi, Jay. Pero minsan gumiginaw sa gabi. Teka, saan ba tayo didiretso? Sabi ni Meng sa Marriott daw?" Belle asked and glanced in her rearview mirror to look at her cousin.

"Pwede naman din sa condo muna ni Maine para madrop ko yung ibang bagahe ko siguro." he replied.

"Saan ba talaga? Nakakalito kayong dalawa! Wala kayong pinagbago." natatawang sagot ni Belle.

"Sa bahay na muna, B. Tapos punta nalang tayo sa hotel after." sabi ni Maine.

"Okay, Mam-Sir..." Belle joked and started the engine.

Maine thanked the universe that the ride going to her condo is not as awkward as she expected. Mabuti narin hindi masyadong mabagal ang traffic at walang interaction masyadong naganap sa kanila ni RJ. It's a good thing also na madaldal si Belle at sila ang naguusap ni RJ. Pinagsisihan nya ang desisyon na sa harapan sya umupo dahil halos hindi naman sya sumasabat sa usapan ng magpinsan.

She received texts from her family and friends a while ago at ni-isa ay wala syang nireplyan. They all knew that RJ is arriving today at sa bahay niya ito maninirahan hanggat hindi pa natatapos ang petition. He may have his greencard already but to be safe, kailangan nilang magsama pansamantala. Dadalaw-dalaw na lamang muna si RJ sa Islamorada para makita ang lola.

From: Lucas Villacruz

Kamusta? Nagkita na kayo ni Richard?

From: Jodi Lopez Dawson

Bakla. Anyare? Bakit walang nagrereply sa inyo ni Belle? Nasundo nyo na ba ang na asawa mo? Sasalang ka ba mamaya?

Replyan nyo ako mga walangya! Anong plano nyo sa buhay?! You're already alienating me. I hate you two!

From: Nicoleen

I've heard from Ate na ngayon pala ang dating ni RJ. Kailan kayo dadalaw sa bahay?

From: Nicolette

Sabi ni Tatay dumaan daw kayo sa bahay ng asawa mong hilaw. Tss. Asan na kayo? Sabi sa Google nakalapag na raw.

From: Nanay

Nak, maghahanda ba ako ng dinner? Tinatanong ng tatay kung dadaan daw kayo ngayong gabi. Textback.

Maine sighed.

She received mixed reactions from her family which made it difficult for her to cater everyone. Naiinis si Nikki, si Coleen at Nico sakto lang, si Dean excited dahil sobrang kasundo nya si RJ at hindi nawalan ng communication at ang kanyang mga magulang ay hating-hati. Ang tatay ay hindi pa gaanong tanggap pero sinusubukan at ang nanay naman ay gustong makibalita agad.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now