NINE: Perfect One

2.8K 213 19
                                    

"Hindi ba dapat 'was'? Hindi naman na kayo diba? So... hindi ko matatanggap yan." Belle retorted.

"Akala ko ba boto ka samin ni Maine?" RJ answered then chuckled.

Belle shook her head as a response and went to the kitchen to grab something to drink. Sumulyap sya kay Maine na kasalukuyang tinitignan ang mga pasalubong nya. Knowing her, he knew that she feels awkward already kaya't minabuti na ni RJ na ilihis ang usapan.

"Uhm... I'll just pack some clothes then pwede na tayong pumunta sa Marriott siguro?" RJ said and went towards his luggage to get a duffle bag and clothes.

"Ikaw bahala, I don't have plans naman tonight so... anything goes." sagot ni Maine at sumulyap sa kanya.

RJ nodded and quickly threw some clothes in the bag.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang magbook ng hotel? Ang laki-laki ng bahay ni Meng oh, aalog kayo dito." singit ni Belle habang naglalakad pabalik ng living room.

"Nahihiya kasi ako, baka lang hindi handa si Maine na andito ako kaya I figured na I should book a room for a week bago ako mag-settle in dito. Besides, nabayaran ko na. Sayang naman kung hindi ko gagamitin." RJ answered.

"Hay nako, wag mong isipin yun. I know you're filthy rich but, sayang parin ang pera Jay. I'm sure Maine can do something about the refund. For sure, sa kapit nya eh magagawan nya yan ng paraan. Right, M?" Belle asked and looked at Maine.

Maine shrugged and sighed.

"Well yes, may point si Belle. Pwede ka naman dito na, wala namang difference RJ kung ngayon or sa isang linggo ka titira dito. At least we'll settle early. I can talk to Justin about the refund siguro. It should be fine, don't worry about it." she said.

"Are you sure?" RJ hesitated.

"Hindi ko naman io-offer kung hindi ako sigurado diba?" Maine answered and raised an eyebrow.

"Ayan! Ayan! We're all settled na ha? Para maaga rin tayong makarating sa Paraluman. Come with us, Jay! Cosy yung café ni Jodi and kalimitan puro pinoy ang nagpupunta dun." Belle said.

"Ilagay mo na muna yung mga luggage mo sa kwarto mo, we'll wait for you here downstairs... Okay ka pa ba? Hindi ka ba najejetlag or something?" tanong ni Maine at halatang may pag-aalala ng bahagya sa kanyang mga mata.

"No, I'm perfectly fine. Nakatulog naman ako sa flight, and I'm slighty hungry. I-akyat ko nalang muna 'to then punta na tayo dun sa café ng friend nyo." he answered and started bringing his luggages upstairs.

"Huy," bulong ni Belle sa kaibigan habang nasa itaas si RJ. "Ayos ka lang ba?"

Napatingin si Maine sa kaibigan at kumunot ang noo.

"Yeah, bakit naman hindi?" tanong nito.

"Anong na-feel mo dun sa sinabi nya kanina? Punyeta, hindi ko na macontrol ang feelings ko. Sorry na, kinikilig talaga ako. Ano, bumalik ba ang feelings?" she probed.

"Ano ba dapat kong mafeel?" she asked back.

"Ano, wala bang butterflies in your stomach? Lamok? Ipis? Dragon?"

Hindi na napigilan ni Maine ang sarili at tumawa ng malakas, halos magtunog hika ang kanyang tawa at maluha-luha na.

"Ano ba, Belle?! Anong klaseng tanong yan? Walang ganon!"

"Weh? Totoo? Seryoso ako! Diba ganon daw? May insekto sa tummy kapag in love."

Maine shrugged as an answer.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now