3:Frigid
Habang nag babasa, napatingin ako sa oras sa iPad mini.
3:23am na...
Bigla akong napa-taas ng tingin.
Ang dami pa ring tao dito sa Bar della Serata, at parang kalagitnaan pa lang nang pag sa-saya.
Kung mag sayaw ang mga tao sa gitna, parang bukas ay kapusan na!
Hinanap ng mga mata ko ang Bestfriend ko, pero hindi ko siya makita...
Inilagay ko sa bag ko ang iPad mini at binitnit ang bag patayo para hanapin si Francesca.
Inikot ko ang baba ng Bar della Serata pero hindi ko siya makita.
Nagsimula akong mag lakad papunta sa hagdan...
"Francesca del Franco, nasaan ka nang babae kaaaa? Letse ka, pag iniwan mo 'ko mag isa dito, isusumbong talaga kita sa Daddy mo!"
Kausap ko sa sarili ko habang umaakyat nang hagdan.
Pagka-akyat ko sa second floor, pumunta 'ko sa rail kung saan makikita mo ang mga tao sa baba ng bar.
Inikot ng mata 'ko ang baba ng Bar della Serata pero hindi ko pa rin siya makita.
Naiilang na napa-atras ako ng konti habang naka-hawak ang isang kamay ko na may bitbit ng bag sa rail, at ang isang kamay ko ay naka-hawak sa bandang baba ng frosting dress na suot kong pina-hiram ni Francesca.
Sa mga ganitong pag kakataon, ang dami-dami kong pinag sisisihan kung bakit ako pumapayag sa mga katigasan ng ulo ni Francesca.
"Nasa bahay lang dapat ako eh... Natutulog na sana, kung hindi mo lang ako pinilit. Sh*t Fran, where are you? Gusto ko nang umuwi..."
Napahinga ako nang malalim.
Nag simula akong mag lakad-lakad at tumitingin sa mga taong nasa paligid ko, halatang mga groggy na sa kakainom.
"Ang sakit na ng paa ko, paano mo natitiis suotin 'to Fran? Nasaan ka na ba kasi? Impossble naman na you left me here, diba?"
Pakunswelo ko sa sarili ko.
"Kasi you are my Bestfriend, and you care for me... Because I care for you too... Kaya it's impossible that you left me here because if you really left me, masasabunutan kita."
Naiinis na talaga 'ko.
"Francesca del Franco, I am starting to get mad... I swear, hindi lang sabunot ang gagawin ko sa'yo. Isusumbong na tala-"
Nagulat na napatingin ako sa humila sa braso ko...
Si Ardee...
"Ivory..."
He said with a big smile on his wasted face.
Pormal ang mukha kong tinignan ang kamay niya na naka-hawak sa braso ko at saka ibinalik ang tingin sa mukha niya.
"What is it that you want... That you even bother to grasp my ar-"
Bigla niya 'kong hinila palapit sa kanya at hinalikan sa mga labi...
Sa inis ko, tinulak ko siya.
Napa-upo siya sa sofa na nasa gilid ng rail.
Tatalikod na 'ko pa-alis nang bigla niya na naman hawakan ang braso ko...
Mas mahigpit.
"Tantanan mo 'ko Ardee."
Naiinis na baling ko sa kanya.
"And if I don't want to? Anong gagawin mo?"
Nang iinis na sagot niya...
Hindi na lang ako nag salita at pinipilit na hilahin ang braso ko sa pagkaka-hawak niya.
Pero kada hila ko, lalong dumidiin ang hawak niya dito at lalo lang akong nasasaktan.
Yumuko na lang ako at pinigilan ang sarili na 'wag maiyak sa sakit.
"Let go of my arm, Ardee."
Tumawa siya ng malakas...
"So cold of you, Ivory. You didn't change huh... Same as before. A frigid girl. Who doesn't move in any romantic and sexy way. Kaya ako nag hanap ng iba eh... Because you are stiff. You don't know how to respond in any of my kissess. You can't satisfy my need. A frigid in disguise of a beautiful girl."
Tinignan ko siya nang deretso...
"Is that your conclusion? Aren't you smart? Why didn't you think that I just did not love you. That everytime you kissed me, I felt like I am kissing a frog because it grosses me."
"What the fu--?"
Nagalit at lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa braso ko.
Napa-ngiwi ako sa sakit.
Hinila niya 'ko para halikan ulit...
Yumuko ako at tinakpan ng isang kamay ko ang bibig ko.
Biglang lumuwag ang pagkaka-hawak ni Ardee sa braso ko, kaya hinila ko ang braso ko tsaka umatras.
Napa-upo ako sa lapag, tinignan ko agad ang braso ko na namumula at parang mag v-violet na.
Tsaka ko lang napansin ang mga tao sa paligid ko...
Dahan-dahan kong tinaas ang tingin ko, para lang makita na napapalibutan na kami ng mga tao.
Ibinalik ko ang tingin kay Ardee...
Naka-higa siya sa lapag at hawak-hawak ng mga kamay niya ang kaliwang panga niya.
@Story-Typer
BINABASA MO ANG
Out of Control
RomanceIs it Lust, or Love? Many of us cannot really tell the difference between Love and Lust. There are those who mistaken Lust for Love. And there are those who felt the Love, but doesn't even know that they were inlove. If it's the first time that you...