6:Bag
Pagka-pasok ko sa comfort room, nakita ko si Fran na nag re-retouch ng make-up niya.
Nakatingin siya sa'kin through mirror at inirapan ako...
Nag smile at napa-iling ako na lumakad papunta sa tabi niya.
Umikot ang tingin ko sa loob ng C.R., maganda siya...
Actually para siyang hindi public C.R. May bathtub, shower, kompleto sa mga sabon at shampoo may cabinet, may mga bathrobe na naka-sabit sa dingding, towels at may sofa pa sa gilid ng salamin.
"Ano pa aasahan mo sa V.I.P.?"
Naiiling na naisip ko...
Binalingan ko na ulit si Fran na ngayon ay nag susuklay na ng wavy hair niya.
"Fran... You were joking kanina, right? You're not going to tell Tito Frank what happened... Diba?"
Seryosong tanong ko sa kanya...
Huminga siya nang malalim at ngumuso...
"Syempre, hindi ko sasabihin kay Daddy. Baka sabihin niya pa sa Daddy mo, eh di kinuha ka niya sa'kin papunta sa Cebu."
Napa-hagikgik ako sa sinabi niya...
"Ayaw mo talaga 'kong mawala sa'yo noh?"
"Syempre ayaw ko noh! Ikaw na tinuring kong kapatid, kakampi at besfriend." Taas kilay na sinabi neto at saka tumingin sa'kin nang seryoso... "My life was in a mess until I met you... Alam mo 'yun. Hindi ako mabait ngayon kung hindi kita nakilala! That's why Daddy loves you so much, na itini-treat ka na niyang ka-kambal ko."
At nag smile siya tsaka kinuha ang cellphone sa pouch bag niya.
"Did you see Cloe's message on our group? That bitch bought the shoes that I wanna buy. Kaka-post ko lang kanina na I wanted to buy those shoes, ngayon mayroon na siya. Ang gaya-gaya! Ka-inis!"
Naka-pout na sabi niya.
"Nope, not ye-..."
Napa-tutop ako sa bibig ko nang may bigla akong ma-realize.
"My bag! I lost my bag!"
Sabi kong automatic na naglakad palabas ng C.R.
Pumunta 'ko sa upuan namin kanina, nandoon pa rin si Damien, may kausap na 'tong tatlong babae...
Wala doon ang bag 'ko.
"My gosh! What to do?"
Sabi ko sa sarili ko...
Nasa bag ko mga ATM/Credit cards, cellphone, iPad, and susi ng Car ni Francesca.
Pag lingon ko nasa likod ko na si Francesca.
"We have to find my Bag, Fran. Nandoon ang susi ng kotse mo."
Nag aalalang sinabi ko sa kanya.
"It's okay... May spare key naman sa bahay."
Sabah hawi ng buhok niya.
"No. It's not okay! Paano if bad person naka-kuha ng bag ko? Tatangayin 'yung kotse mo!"
Pinang-lakihan ko siya nang mata.
"Again... It's okay. Bibilhan ako ulit ni Daddy ng new car!"
Pumalakpak pang sinabi neto.
Napanganga ako at napa-iling sa sinabi niya...
"Brat!"
"Come again?!"
Huminga 'ko nang malalim at ibinalik ang tingin kay Damien...
Busy pa rin 'to sa mga babaeng naka-palibot sa kanya. Umikot ang tingin ko, wala pa rin 'yung lalaking tumulong sa'kin kanina.
Nag lakad na 'ko papunta sa pinto para lumabas at hanapin ang bag ko sa loob ng Bar della Serata.
"Hoy! Saan ka pupunta?"
Sigaw at sunod sa'kin ni Fran.
"Hahanapin ko 'yung bag ko!"
Inis na sagot ko sa kanya habang tinutulak na ang pinto palabas.
"Sama 'ko!"@Story-Typer
BINABASA MO ANG
Out of Control
RomanceIs it Lust, or Love? Many of us cannot really tell the difference between Love and Lust. There are those who mistaken Lust for Love. And there are those who felt the Love, but doesn't even know that they were inlove. If it's the first time that you...