7:Chance
Habang nag lalakad at lumilingon-lingon sa pag hahanap ng bag ko, iniisip ko kung saan ko posibleng naiwan ang bag ko.
Kanina, noong tumayo ako sa upuan after mag basa, alam ko na bitbit ko pa 'yung bag ko.
Nung tumingin ako sa baba sa may bandang rail dito sa taas, naka-sabit pa sa braso ko 'yung bag ko...
Napa-padyak-padyak ako sa reyalisasyong baka nabitawan ko ang bag nung napa-upo ako sa lapag or nung binuhat ako nung lalaki kanina.
Nakarating na siya sa part kung saan gumawa ng scene si Ardee kanina, inikot-ikot ko ang mga mata ko sa lapag.
"Ang bilis mo naman mag lakad, Iv!!!" Inarte ni Fran sabay kalabit sa'kin.
Pagka-lingon ko sa kanya, nang hahaba ang nguso niya na parang may tinuturo sa bandang gilid ko.
Tinignan ko ang tinuro niya... Si Ardee at 'yung Lalaking tumulong sa'kin kanina, nag uusap pa sila.
Napasimangot ako nang makita ko ang hawak ng kamay ni Ardee...
"Bag ko! Sheez!"
Nag martsa ako papunta sa dalawang lalaki nang hawakan ni Fran ang kamay ko.
"Magagalit si Gwapo pag nakita tayo dito... Pumasok ka na ulit sa loob, ako na lang kukuha."
Pumiglas ako sa pagkaka-hawak niya. Hindi ko siya pinansin at nagpa-tuloy sa pag lalakad.
Napa-tayo si Ardee nang makita akong papalapit sa kanila, malungkot ang itsura.
Lumingon ang Lalaking kausap niya at agad nag salubong ang kilay pagka-kita sa'ming dalawa.
Pagka-hinto ko agad sa harap nila, nilahad ko ang kamay sa tapat ng bag ko...
Parang na gets ni Ardee na binigay sa'kin agad ang bag.
Tatalikod na sana 'ko nang hawakan ni Ardee ang kamay ko.
Hinila ko ang kamay ko, pero hinigpitan niya ang hawak... Sumimangot na tinignan ko siya sa mata.
"Let's talk, Ivory." Parang nag mamaka-awang sinabi niya.
"Wala na tayong pag uusapan! Tapos na! Wala na! Ayaw ko na! Hindi na magiging tayo dahil imposible na!" Inis na sinabi ko sa kanya.
"Please, Ivory... Give me a chance to explain my part!" Naiiyak nang sinabi neto.
"I don't want to give you a chance to even explain, because I don't want to give you a false hope!"
"Just let me explain! Damn it!" Pagsusumamo neto.
Naiinis ako pero may awa na rin at the same time.
Huminga 'ko nang malalim, at tinignan si Fran sa gilid ko...
Tumango ako sa kanya na parang sinasabing iwan na muna 'ko kay Ardee...
Tinanguan din ako neto at saka umalis.
Nilingon ko ang Lalaki na kanina pa nandoon at nakikinig lang na naka-busangot ang mukha...
"Uhmn... Makikipag usap na muna 'ko sa kanya."
Tumango ang lalaki at umupo ulit sa upuan na katapat ng upuan ni Ardee...
"Kung pwedeng, kami lang muna sana ang mag usap."
Tumingin ang lalaki sa'kin at magka-salubong ang kilay na tumayo at lumayo na sa'min.
Umupo ako sa tapat na upuan ni Ardee, at seryosong tinignan siya habang umuupo na rin.
"Anong pag uusapan natin?"
Agad na sabi ko sa kanya.
"Babe, I don't really want you to leave me. I did something I shouldn't, and I am sorry. Please forgive me. Come back to me. Please! I love you!"
Nag mamaka-awa na sinabi neto na hawak ang mga kamay ko.
"Ardee, hindi na tayo pwede. Hindi kita mahal. From the start, alam mo na hindi kita mahal. Pinag bigyan kita dahil sinabi mong i-try natin. Pero wala talaga!"
Umiling siya at hinalikan ang mga kamay ko.
"No please Ivory, don't leave me. Please." Naiiyak nang sinabi neto.
"I already did."
Hinila ko ang kamay ko at tumayo na...
Tumayo rin si Ardee at bigla akong niyakap galing sa likod.
"Please. Give me another chance. Just this one. Please Ivory."
Umiiyak nang sinabi neto, habang naka-sandig ang ulo niya sa ulo ko...
Pilit kong tinatanggal ang mga braso niyang naka-yakap sa'kin nang sobrang higpit.
Nakawala ako sa yakap niya at nag lakad na palayo nang hindi siya nililingon.
Nag lakad na 'ko papunta sa pinto palabas ng Bar.
Narinig kong tinatawag ako ni Francesca pero hindi ko siya pinansin.
Uuwi na 'ko.
Ayaw ko na...
Masyado na 'kong windang sa mga nangyari ngayong gabi.
Nang naka-labas na 'ko, nilingon ko si Fran na naka-sunod pa rin sa'kin.
Inabot ko sa kanya ang susi nang kotse niya...
"Uuwi na 'ko, mag ta-taxi na lang. Enjoy yourself."
Tumalikod na 'ko at nag simulang mag lakad para humanap ng taxi.
Napa-aray ako sa pag higit niya nang buhok ko.
"Oo, uuwi na TAYO! Ang arti-arti... Iiwan pa 'kong mag isa dito. Halika na sa kotse!"
Umuna na siyang mag lakad papunta sa parking nang Bar della Serata.
@Story-Typer
BINABASA MO ANG
Out of Control
RomanceIs it Lust, or Love? Many of us cannot really tell the difference between Love and Lust. There are those who mistaken Lust for Love. And there are those who felt the Love, but doesn't even know that they were inlove. If it's the first time that you...