10:A lot

158 0 0
                                    

10:A lot

Naka-higa lang ako sa kama habang naka-titig sa iPad. Napatingin ako sa wallclock, 10:43am na.

Inaantok na 'ko pero kahit na anong pwesto at tagal na 'kong pumipikit... Hindi talaga 'ko maka-tulog.

"Wala talagang balak mag reply? Pa-importante kang Raphaelle ka huh... Nakaka-inis!" Sabi ko sa sarili ko.

Napa-upo ako nang umilaw ang iPad ko, may nag notify sa Whatsapp. Tinignan ko agad kung sino...

Si Daddy.

(Daddy: Anak, you know that I am doing this because I promised to your Mommy that I would make you happy. This is not about you or me... This is about what I promised to your Mommy. So please... Understand.)

Naiiyak ako na nag reply kay Daddy.

(Me: Yeah? Well, you're doing it wrong. Because I am sad. You failed Mommy.)

(Daddy: Anak, hindi pa naman kayo papakasal. You have plenty of time to know Terrence better.)

(Me: When will be our wedding?)

(Daddy: After your 21st birthday.)

Naiyak na 'ko nang tuluyan... Planado na talaga nila lahat. 19 na 'ko ibig sabihin 2 years ko siyang fiance, hindi man ako naka-tali officially pero pakiramdam ko nasasakal na 'ko.

(Me: If Mommy were still here, she'd hate you for doing this to me.)

(Daddy: Maiintindihan niya kung bakit ko ginagawa 'to sa Unica Ija namin. Just like your Mother... As your Father, I want you to be happy, I want you to have a better future and I want only the best for you Princess. I would love to see you settle down with a good man, who's responsible, is a pro at handling his bussiness and who's not afraid to tell your Daddy that He loves you and wants to marry you. And I can't see anybody who I can entrust my Princess with... but with Terrence.)

I toss my iPad and lie to cry my heart out.

Parang wala na 'kong pag asa... Nami-miss ko si Mommy. Alam ko kung buhay pa siya, hindi siya papayag sa gustong gawin ni Daddy.

--------------------------

Nagising ako na masakit ang ulo, hindi ko namalayan na naka-tulog ako dahil kakaiyak. Napatingin ako sa wallclock. 8:27pm na. Ang haba rin nang naitulog ko.

Bumangon ako at nag pasyang maligo.

After maligo, medyo gumaan na ang pakiramdam ko, pero medyo masakit pa rin ang ulo ko.

Nag suot ako ng maigsing silk robe na color beige, at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kumapit sa kabuoan ko ang robe dahil basa pa ang katawan ko. Napa-ngiti ako sa nakikitang repleksyon nang sarili ko. Sexy ako, tulad nang laging sinasabi sa'kin nang mga nakikilala ko. Ang laging sinasabi sa'kin ni Fran... "Your body is perfect, and I don't envy you, because I have a perfect body too. Hahahaha!" Naiiling na natawa 'ko sa naisip...

Napatingin ako sa mukha ko... Namamaga pa rin ang mga mata ko... Huminga ko nang malalim at lumabas ng kwarto papunta sa kitchen.

Pag bukas ko ng ref, nandoon pa rin ang sandwich na pinrepare ni Francesca para sa'kin kaninang madaling araw. Kinuha ko ang sandwich at agad kinain...

Habang kumakain, narinig ko ang pinto na nag bukas...

"Lumabas pala si Fran, akala ko natutulog pa rin." Kausap ko sa sarili ko. Inubos ko na agad ang sandwich at uminom ng orange juice.

Out of ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon