CHAPTER 3 - BAGSAK AKO?!

41 2 1
                                    

Hindi ko namalayan umaga na pala. Naligo, kumain ng agahan at pumasok na.

Pagdating ko sa silid lahat ay nakaupo na. Dahil ang unang guro ay yung lalaking ayoko.

 

“Good morning Sir Gan” para silang synchronize swimmers kung maka good morning sabay-sabay pero naputol ang pagkasabay dahil sa akin, kaya tuloy lahat ng mga babae binigyan ako nung “the looks” halatang nagagalit na kasi lumalabas na ang usok sa mga ilong nila. (HAY! kung nakakamatay lang ang tingin siguro matagal na akong patay). Buti nalang hindi… AY! Oo, nga pala ayan na siya.

“Morning, please sit down.. So I’m going to return to you the test you had yesterday.” Mukhang disappointed siya.

“WHAT! So fast!!” ani ni Michael Angelo. Ang tawag ko sa kanya “turtle” Paano lahat nang kilos niya napakabagal!! Hindi ba sa TMNT si Michelangelo isa sa abilidad niya ay speed? Parehas nga kung bigkasin ang pangalan pero kabaliktaran naman ang abilidad.

Bakit gusto mong bagalan? Eh wala naman magbabago kapag samakalawa niya pa ibibigay iyon, bagsak na kung bagsak.

“Oh come on! Ally, will have the highest grade again.”

Ganyan naman parati tuwing bigayan ng test paper. Ang pangalan ko parati nila sinisigaw.

Pero hindi magiging parehas ang resulta nito dahil…

“Oh?” he said. Tinawag na niya kami isa-isa.

Hanggang ako nalang hindi nakakakuha

“Ally, how come you didn’t answer anything? Don’t you get my lesson?”

“What Gan that’s impossible.” Ani ni Kelly

Sir Gan” tinaasan niya konti ang boses niya habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay (nag sisimbolo na respituhin mo ako)

“That is so… once in a lifetime.” Sabi nilang lahat.

Sabi ko sayo hindi na magiging parehas ang resulta.Oo, hindi ako sumagot sa ibinigay niyang pasulit, dahil pag tingin ko palang sa test niya:it is not worth my time, nawala na ang gana kong sumagot paano magbibigay nalang ng tanong redundant pa, paulit-ulit samahan mo pa na siya ang taong kinamumuhian ko. Sa mga susunod na mga exam hindi parin ako sumasagot. Oo, ako nga ang pinaka magaling sa math. Hindi ako nagmamayabang pero hindi ko alam kung bakit ganoon ako umasta. Hay! Patawarin mo ako mama.

Tinawag na ako sa opisina at itinanong kung ano ang nangyayari sa akin.

Marami akong gustong sabihin pero wala rin naman ito pagpapatunguhan ba’t ko iaaksaya ang oras ko sa taong kagaya niya?

“Nothing happened”

“You’re the candidate for valedictorian and you can’t have any line of 7 or 8’s” Alam ko hindi ako tanga, ang gusto kong sabihin.

Pero walang lumabas sa bibig ko.

“I want you to have a retest for all of it okay? I will set a date for you.”

Bakit siya ang nagplaplano kung ano ang gagawin ko?

Baka iniisip mo sumosobra na ako. Pero, kahapon nakita ko siya uli at iba namang babae ang kasama niya.

“Hey, do you want me to tutor you or something I could re-discuss it if you want?”

“NO” nadidiri ako. Bawat kilos niya.. hindi ako mapakali.

“but..”

“AYOKO NGA!, hindi mo ba ako naiintindihan ayan tagalog na yan para maintindihan mo!”

Tumakbo ako papalayo kapos ang hininga ko, naiinis ako, gusto kong sumigaw ba’t may mga taong ganito sa mundo!

 

FLASHBACK

May tao na pala sa bahay. Masaya akong umuwi dahil maaga si papa at mama, pero pagdating ko sa bahay may nakita ako hindi ko siya mamukaan bigla lang hinalikan ni papa at humalik rin siya pabalik binuksan ang polo ni papa, habang ang kamay ni papa nasa katawan na nung babae, nalilito ako. “PA?” lumingon kaagad si papa gulat na gulat parang nakakita ng multo, namumutla siya.

“Kala ko mamaya ka pa?” boses niyang nanginginig.. bakit? Kapag hindi ako dumating ano mangyayari? Dito nagsimula I turned of my “humanity” simula noon hindi na ako nakikipag-usap sa mga lalaki hindi ko matiis.

Pina alis ni papa ang babae na iyon tandang tanda ko ang itsura niya. “Wag mo sasabihin to sa mommy mo, anak pangako hindi mo sasabihin kahit kanino.” Hindi ko masabi-sabi kay mama kahit kating kati na ang labi ko, dahil tuwing nakikita kong masaya si mama sa piling ni papa alam kong masasaktan ko siya kung ibubunyag ko, inisip ko nalang na para din ito sa ikabubuti ni mama at ito’y lilipas rin.

 

end. Hey! sana nagustuhan niyo tong chapter ano kaya mangyayari kay Ally? Malalaman na ba ni Gan kung bakit naiinis si Ally sa kanya? 

TADHANA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon