CHAPTER 6 - SIGNS

25 2 0
                                    

 

Makalipas ang ilang araw umiba ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Hindi ko inakala kung dati aso’t pusa kami ngayon parang ewan hindi ko alam.

Nauuna na akong magpasa ng test at bibigyan niya akong matamis na ngiti, at tuwing ngingiti siya napapansin ko na namumula ang aking mga pisngi at nagiging masaya ako kapag kinakausap niya ako. Feeling ko ang special ko.

 

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin? Hindi ako makatulog ng mabuti kakaisip sa kanya. Bawat maliliit na bagay na ginagawa niya tandang tanda ko pa.

Kinuha ko ang laptop at binuksan ang google- bumibilis ang tibok ng puso, nangunguryente ang katawan kapag hinahawakan, namumulang pisngi at pinindot ko ang enter ang mga resulta ay… BALIW NA ATA AKO.

Mga signs na inlove ka

Ikaw ay may gustong tao kapag nararamdaman mo ito. 1. bilis na tibok ng puso 2. namumula ang pisngi  3. pag hinawakan parang may kuryente na dumadaloy 4. gusto mo siya parati kasama o kausapin 5.

Imposible mabilisan ko itong sinarado! Nababaliw na ako. Hindi naman lahat sa internet ay totoo hindi ba? 

Sa susunod na araw may kumalabit sa akin at sumigaw ako ng malakas nagulat rin siya. Engot lang? Siya ang kumalabit tapos magugulat rin siya? HAHAHAHA ang cute talaga niya.

 

“Nagbabago na si Ally noh? At si Sir Gan ano kaya nangyari sa kanilang dalawa?”

“Ewan ko nga pero pag titigan mo, bagay sila noh?” 

“Oo nga noh pero alam mo naman na hindi iyan mangyayari.”

“Huh?”

“Alangan! Teacher tapos student?”

Nahulog na yata ako sa kanya, paano ba ito? Wala na tong atrasan.

Dahil ang unang taong nagustuhan ko siya pa ang dating pinagkakamuhian ko at ang pinaka masaklap pa siya ay ang aking guro.

Parati ko inaabangan tuwing math na, nasisiyahan ako sana math nalang buong araw! Iniisip nga nila baka baliw na nga ako kasi ngi-ngiti nalang daw ako bigla, nag joke pa nga baka signs daw ito sa sobrang talino.. hindi naman ako NERD AH!  

“Ally I have to talk to you, you’ve been avoiding me this past few days I thought that we we’re fine?”

“Stop it.”

“What?”

“Stop the act.”

“Stop what?” naguguluhan na siya.

“I’m not like those girls whom you play around with!”

“Wait, what are you saying now? I thought that you were OVER that?!”

“NEVER!!!!! LAYUAN MO NA AKO! WAG MO NA AKONG KAKAUSAPIN”

Nakita ko sa mga mata na ayaw niya na ayaw niyang mawalay sa piling ko. Nakita ko namumula ang mga mata niya. Nakita ko kung paano ko siya nasaktan. Pero hindi ko hahayain na maging katulad ko ang mga babaeng nabibiktima niya kahit alam kong minamahal ko na siya.

“Kung yan ang gusto mo…” nakayuko siyang papalayo sa akin. Gustong-gusto ko siya pigilan gusto kong sumigaw na akin ka nalang. Pero hindi ko magawa.

Flashback

Sabi ni papa na hindi ibig sabihin na pag iiwan niya kami hindi na niya kami mahal. Pero hindi ba hindi mo dapat iiwan ang mahal mo? Ang mas masahol pa pinakilala ni papa ang kabit niya sa amin ni mama. Hindi ko alam kung ano nalang ang naramdaman ni mama. “Em, this my wife.” Ang kapal din ng mukha, hindi lang inisip kung ano ang nararamdaman namin! “Hi” sabi ni mama at pumilit bumigay ng ngiti. Lumabas ang kabit na si Em para makapag-usap si mama at papa. “Al, go upstairs.” Doon lang ako sa hagdan pumunta gusto ko marinig lahat. “Thank you, at hindi mo siya-” hindi natapos si papa sa pag salita dahil agad itong tinuloy ni mama “kinaladkad? Hindi mo pa ba ako kilala? Professional ako hindi ako kagaya niyong dalawa!” nanginginig na sa galit si mama.

 

 

TADHANA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon