CHAPTER 13 - FRIENDS

16 2 0
                                    

LUKE’S POV

Narinig ko bumukas ang pintuan pero hindi ko ito pinansin malay mo hangin lang, kasi sino namang estudyante ang gusto pumasok ng maaga?! Ay, oo nga pala ako hehehe. Pumasok ako para makatulog hindi kasi ako makatulog doon eh.

“Wah!”  Napasigaw ang taong ‘to. Ba to aga-aga sumisigaw na hindi naman ako multo ah. Sinubukan ko buksan ang mata pero ayaw talaga. Sarap matulog.

“LANG HIYA SI MOKONG LANG PALA TO!” Huh? Sinong mokong tinutukoy niya sa gwapo kong ‘to! Kaasar lang ha.

Naramdaman ko na nilapitan niya ako kaya “hmmm” yan lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi talaga kaya naantok pa ako.

May narinig akong malakas na tunog! *BANG*

“Mukhang wala naman” sabi niya at sa wakas salamat sa kanya GISING NA GISING NA AKO! Sa lakas pa naman ng tunog na iyon sino ba hindi magugulat?!

“Mukhang wala ang ano?” tanong ko sakanya na may inis sa boses ko. Buti nalang si Ally to kung hindi baka nabugbog ko na ‘to, ay OO nga pala hindi ko rin naman kakayanin. Napaubo ako konti at nakita kong gulat na gulat siya naka handusay sa sahig.

“So---so-rry” sabi niya. Halatang na gui-guilty siya HAHAHA ang cute. Lokohin ko kaya to konti?

Umubo ako ng malakas at nagalit sa kanya (kunyari lang hehe) Trip- trip lang!

“Are you o-okay?” pumipiyok pa ang boses niya.

“Hindi! Naputol kasi ang pag tulog ko kaya ayan” heheh mas ma guilty ka pa!

“Sorry na hindi ko talaga sinasadya. Ano gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?” Wooh! Pwede na ako maging best actor!!! HAHAHA galing napaniwala ko siya kaagad.

“Be FRIENDS with me”

“HUH! PINAGTRITRIPAN MO BA AKO?”

UMUBO AKO ULI (totoo na tong ubo guys) “Ok lang kung ayaw mo” at lumingon ako sa kabila nakahiga pa kasi ang mukha ko sa desk ko at napa smirk kahit sumasakit talaga ang lalamunan ko.

“SIGE NA NGA!!! Let’s be friends!!!”  wow, such a turn of event!

ALLY’S POV

Tumayo siya bigla at nagulat ako kasi niyakap niya ako.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” Ang bango niya amoy downy. Kung maka gamit wagas heheh parang isang pakete ang nauubos para sa isang damit.

“Can we stay like this for a sec? Don’t move please.” Hindi ko alam pero hindi rin ako gumalaw at niyakap ko siya pabalik, nakahawak ako sa buhok niya; nakayuko na siya sa side ng leeg ko. Parang ang hirap ng pinagdadaanan niya. Bigla ko tuloy natanong sa kanya..

“Are you sick or something?” Tinanggal na niya ang yakap at tumingin sa aking ng maigi.

“Well, if you put it that way..Yes” Natunganga ako sa sinabi niya, hindi ko akalain talagang may sakit ito kaya siguro laging absent.

“What is your sickness?” Bigla nag sidatingan ang mga tao hindi ko napansin ang oras 7:10 na. Agad-agad kami tumayo at inayos ang nahulog na upuan. HEHEHE baka pag kamalan na may nangyari sa amin paano kasi mga chismosa ang mga tao dito! Kaya tuloy hindi ko narinig ang sinabi niya kung may sinagot man siya.

Tumunog na ang bell at nag simula na ang klase. Hindi tuloy ako naka focus sa lecture ni Sir Gan. Hay Sorry, mahal ko.

 

A/N

 

Talagang may sakit pala si Luke ano kaya ito? Kawawa naman siya HUHUHU!

At itong si Ally hindi naka concentrate sa lecture ni Sir Gan! Dahil ba naging kaibigan na niya si luke? Pero wag mag alala tinawag niya Mahal ko si Sir Gan!

 

TEAM LULLY O TEAM ALLAN?!

 

TADHANA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon