CHAPTER 4 - REVELATION part 1

36 3 0
                                    

Umuwi ako sa bahay, binuksan ang pinto at binuksan ang ilaw. Nagpahinga at nagpunas tapos kumain ng hapunan. Sumagot ako ng mga assignment. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Naligo na at kumain dumiretso papunta kay mama.

“Uh excuse me”

“Oh hi miss are you here for your mother?” Kaya nga pumunta dito nakakainis lang ang mga tanong na ganyan.

“Patient 25 you have a visitor.”

“Hi ma”

“Anak?”

“Ma napapagod na ako.” Nararamdaman ko na namumula na ang aking mata

“Wag ka mawalan ng pag-asa.”

“I love you ma.”

“Sino ka?”

“Ma..” Hindi na ako uli nakasalita at hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Si mama nagkasakit nawalan siya ng bait, simula ng tuluyan na umalis si papa at nagdesisyon sumama sa kabit.

 

FLASHBACK

Nangyari uli ang kinakatakutan ko… nakita ko uli si papa kasama ang babaeng iyon.

Kala ko mag uusap lang sila dahil nangako si papa na hindi na uli mangyayari iyon.

Nakita ko sila naghalikan sa loob ng kotse habang papunta ako ng eskwelahan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. SINUNGALING!

 

 

Tumunog na ang bell at nagsilabasan na sila.

P.E ang last subject namin.

Nahuli akong lumabas ng gym dahil inaayos ko ang mga bola na ginamit namin sa laro kanina (ito ang unang shift ko dapat dalawa kami hindi ko alam kung sino dapat ang partner ko pero ang alam ko absent siya)

May nakita akong paparating sabi ng utak ko oi, yung taong ayaw mo paparating! May hawak hawak siyang papel at tinignan ko ang mukha niya mukhang gulat na gulat.

Lumiliit na ang distansya namin sa isa’t-isa at biglang

“I didn’t expect this score.”

“What do you think of me? Stupid?”

“No I didn’t mean it in a negative way."

“No need for further explanation.”

“Then why didn’t you answer my test?”

“I do not acknowledge you as a teacher, well in fact you don’t even deserve to be one.

You can’t earn my respect when you yourself can’t.”

Nagulat siya nakita ko sa mga kumikislap niyang mata na natatakot siya. Walang imik, wala siyang masabi..

Lumabas ako ng stockroom na may ngiti sa aking labi, alam mo yung pakiramdam na tuumahimik ang kalaban mo?

 

FLASHBACK

Sinubukan kong hindi tumingin pero hindi ko na kayang tiisin ito. Nilabas ko ang cellphone at tumakbo papaalis. Hindi ako pumasok sa klase. Pumunta ako sa opisina ni mama at kinausap siya, una nagdadalawang isip ako pero hindi ko na kayang ikimkim ito, baka masiraan pa ako ng ulo.

 

Sinabi ko na may kailangan akong sabihin. Ipinakita ko iyon at nagalit si mama, hindi siya makapaniwala kung kailan lang napaka sweet nila sa isa’t-isa at malalaman mo nalang bigla na niloloko ka lang pala na lahat iyon ay hindi totoo.

TADHANA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon